NAKATULUGAN na ni Marra ang pag-iisip. Nang magising siya ay alanganing oras na. Tanging ang nasa katawan niya ay ang flimsy underwear.
Alam niyang si Rachel ang naglagay ng gatas sa ibabaw ng bedside table. Nang hawakan niya ang baso ay maligamgam pa rin iyon.
Nasulyapan niyang nakasaksak ang electronic coaster na pinagpatungan ni Rachel ng baso.
Bumangon siya at nagtuloy sa banyo. Lubos na siyang nakapagpahinga at sa oras na iyon ay bale-walang naligo. Maginhawang-maginhawa ang kanyang pakiramdam nang lumabas siya ng banyo. Noon lang niya ininom ang gatas.
Napansin niya ang note na nakalapag sa tabi ng baso. Ipinapaalala sa kanya ni Rachel na kailangan niyang tumawag sa kanyang mama. At noon din ay dinampot niya ang telepono.
"Hija, I've been waiting for your call." Nasa tono nga ng ina ang gayon dahil kalahati pa lang ng pangalawang ring ay sumagot na.
"Sorry, Mommy. I was so tired. Nakatulog ako. What's up?"
"Si Rachel. Gusto ko sana siyang hiramin muna sa iyo since tapos na ang mga shows mo. Maybe a week or two."
"Bakit?" May pagtutol na agad sa kanyang tinig. Sanay na siyang nasa tabi si Rachel. Munting kibot ay si Rachel ang gumagawa ng mga bagay para sa kanya.
Ito ang kanyang alalay, yaya at driver.
"May conference ang daddy mo sa LA for two weeks. Ayoko namang sumama. I just want company."
"And you want Rachel of all people," she muttered.
"Hija, kaya nga itinawag ko sa iyo. I just hope na mapagbigyan mo naman ako," madiplomasyang wika nito.
Napangiti siya. Pagdating sa pagkukumbinsi ay napakagaling ng kanyang mga magulang. She wondered kung bakit hindi na rin naging diplomat ang kanyang ina kagaya ng ama.
"Alam na ba ito ni Rachel?" tanong niya.
Nagduda siyang baka nagkausap na ang dalawa. May pakiramdam siyang pinagtaksilan siya ni Rachel.
"No, Marra. And how could I have the chance to talk to her? Palagi kayong magkasama, 'di ba?"
"You said it, Mommy. Palagi kaming magkasama ni Rachel. Kaya nga sanay na akong kasa-kasama siya. At hindi ko alam ang gagawin ko kung aalis siya sa akin."
"Isa hanggang dalawang linggo lang, hija. I know, wala ka namang shows and you are independent, by nature. Hindi mo naman siguro iindahin kung pansamantalang mawala si Rachel sa tabi mo."
Napakalalim ng hinugot niyang hininga. "Seems... I don't have a choice..."
"Thanks, hija," maagap na wika ng ina. "Thanks."
"Mommy, wait! Hanggang isang linggo lang."
"That's fine with me. Ipapadala ko agad ang ticket ni Rachel." At naputol na ang linya.
Nakatitig pa rin siya sa telepono kahit matagal na niya iyong ibinaba.
Mas dobleng generous ang mama niya kompara sa kanya. Kaya naman bale-wala rito ang halaga ng ticket mula sa London pa-Amerika para sagutin ang pamasahe ni Rachel.
Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit kailangan nito si Rachel.
All her life, being a diplomat's wife, nasanay na ang kanyang ina na palaging naiiwan ng kanyang ama so why now? Bakit biglang-bigla ay tila nangailangan ito ng makakasama? At si Rachel pa, of all people.
Alam niyang maraming kaibigan ang mommy niya. Mga kapwa Filipino rin na maaaring makasama nito sa loob ng dalawang linggo. Kung sa katulong, meron din naman ito.
BINABASA MO ANG
Sometimes You Just Know - Volume 3
RomanceWalang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele p...