PPP13 - Hindi ko akalain na magagawa mo sakin yun.

145 3 0
                                    

LUIGI'S POV

Ngayon na ang araw.

Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko. Pero kasi, para rin naman sa ikabubuti namin to diba?

"Luigi!" Gagi, akala ko kung sino.

"O Shane! Baket?"

"Parang kanina ka pa nattense diyan. Nyareh sayo?" tanong niya sakin.

"Ako? Nattense? Hindi ah." depensa ko

"Hindi nga ba?"

"Hindi nga. Ang adik mo, mauna na nga ako sayo." naglakad na ako palayo sakaniya.  

--

Lunch break na namin. Sa buong naunang period bago ang lunch break, tuliro ako. As in, lutang. Para na akong tanga.

"Luigi!" Leche, ginugulat talaga ako.

"Danica." kalmado kong sabi.

"Tapos ka na kumain?" tanong niya sakin habang umuupo siya.

"Hindi pa. Wala akong gana eh."

"Ganon ba? Gusto mo hati nalang tayo?" yaya niya sakin.

"Hindi, okay lang."

Nagsimula na siyang kumain. Habang ako nakatitig lang sa malayo.

Kalagitnaan na siya ng pagkain niya, bigla siyang nagsalita.

"Diba may sasabihin ka sakin Luigi?" Eto na.

"Oo. Tapusin mo muna yan, dun tayo sa school garden."

Dali-dali siyang kumain at niligpit ang baonan niya at nagpunta na nga kami sa school garden.

Pagkadating namin sa school garden, umupo ako.

"Ano ba yung sasabihin mo? Ba't kelangan dito pa? Choosy ka ah." Natatawang sabi niya.

"Wag ka sanang mabibigla, Danica." sabi ko skniya.

"Deretsuhin mo ako ah? Kilala mo ako, ayokong pinapaligoy-ligoy ako."

"Oo, alam ko."

"Ok game, start na."

"Danica,

Ititigil ko na ang panliligaw ko sayo." dahil sa gulat niya, nalaglag niya ang lunch box niya.

"Ano? Luigi ndi nakakatawa." pa-cool pa niyang sabi habang pinupilot ang lunchbox niya.

"Seryoso ako."

"Anong rason?" Pilit niyang kinakalma ang sarili niya.

"Narinig kita nung isang araw. Sabi mo, hindi mo pa ako kayang sagutin dahil hindi mo pa ako pinagkkatiwalaang mabuti." nagulat siya sa sinabi ko kaya napaluhod siya.

"P-ano?"

"Danica, ok lang naman sakin maghintay ng kahit gaanong katagal. Ang akin lang, bakit ganon? For all these days or months na nililigawan kita hindi mo pa pala ako pinagkakatiwalaan? Bakit?"

"May trust issues kasi ako, Luigi. Hindi mo maiintindihan."

"Ipaintindi mo kasi sakin Danica. Pinagmumukha mo akong tanga."

"Hindi mo lang rin maiintindihan, Luigi. Kaya sapat na ang narinig mo noon."

Walang guston magsalita samin. Natatakot siguro sa magiging mangyari.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko.

"Hindi ko akalain na magagawa mo sakin yun." at umalis na ako.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon