PPP31 - Talk

51 3 0
                                    

A/N: LAST 4 CHAPTERSSS!!

***

Ang aga kong nagising! Badtrip!

Alas-nuebe pa naman ang practice ng Graduation, pero 6am gising na ako? WTAF? Ang body clock na hindi ko kailangan, saka naman gumana?

"Disney!" katok niya.

Kapag narinig ko na yan, hudyat na nandito na si Ate. Bwisit kasi, 17 na ako, Disney parin ang tawag!

"DISNEY TANGHALI NA!"

OA naman nito ni Ate!

Hindi ko lang pinansin si Ate. Sa halip tinakpan ko ang sarili ko gamit ang kumot. GUSTO KO PANG MATULOG.

"Male-late ka na!" at patuloy na kumatok.

"9AM PA PRACTIS ATE!!!!!!" sigaw ko at tumigil siya sa pagkakatok. Pahiya onti si ate :P

I decided to sleep pero hindi ako makatulog. Pucha kasi si ate eh!

Pinikit ko ulit ang mata ko, hoping that sleep will come back at me, pero nag-vibrate ang phone ko sa side table at kinuha ito.


From: Luigi Swee-

Good morning, sweetheart! Alam kong tulog ka pa dahil tulog mantika ka. Joke lang, sweetheart. Anyways, kita-kits mamaya! ^^

Bakit Luigi Swee- ? Hanggang 'swee-' palang ang kayang kong ilagay sa pangalan niya. Pero sssh, hindi niya alam yan!

Rereplayan ko sana siya ang kaso tinatamad ako. Tska, naalala ko yung ginawa niya kahapon! He ditched me with Lance! Alam naman niya yung situation naming dalawa eh! UGH.

Hindi ko siya papansinin mamaya everrr!!!!!!



Pero hindi ko nagawa. Bakit? Dahil binilhan niya ako ng kwek-kwek. Oo! ng kwek-kwek!!! Alam niyo namang numero uno ko yang kaaway eh!

"Thanks ah!" sabi ko at sabay taas ng lalagyan ng kwekwek.

He caress my cheeks and smiled, "No problem."

Kilalang kilala niya talaga ako. Alam niyang kahinaan ko ang kwek-kwek!

Pero mamaya talaga siya saa kin, hindi siya makakatakas sa ginawa niya sa akin kahapon.

"ARAY! PARA SAN YON?" sabi sakin sabay hawak sa braso niyang sinuntok ko.

"Bakit mo ako binigay kay Lance kahapon?" sabi ko at tinaas ko ang kilay ko at halatang nagulat siya

"Sweetheart," panimula niya pero agad kong hinawi ang kamay niya.

AASARIN KO LANG, HIHIHIHIHIIHI

"Wag na wag mo akong matawag-tawag na sweetheart diyan."

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nagmakaawa.

"Sorry na, sweetheart."

Cute pala niya kapag humihingi ng sorry. Ugh, please Santos, shut up.

"Ma'am, patawarin niyo na, nag-sorry na naman na eh." sabat ni Manong Kwek-Kwek. At nakita kong nag-wink sa kaniya si Luigi.

Pag-untugin ko 'tong dalawang ito eh.

"Ugh, basta nakakainis ka!" sabi ko, sabay subo ng isang kwek-kwek bago nag-walkout. Alam kong babayaran ni Luigi iyon.

Hanggang sa loob ng school, nangungulit siya. After kasi ng break namin kanina, isang pasada pa ng praktis at pauuwiin na kami. Bali last day na ng practice bukas, bago ang graduation proper sa isang araw.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon