PPP32 - Feelings?

50 4 0
                                    

A/N: LAST 3 CHAPTERS!!!
**
Lunch break for our 2nd to the last graduation practice. Hay salamat naman. Nakakapagod magpaulit ulit ng practice for grad. Srsly? Bakit kailangan ng matinding grad practice?

"Uy ah, sa mamahaling restau!" pangasar ko kay Luigi.

"Spoiled."

"Aba!" sigaw ko sakaniya at kinurot ko ang tagiliran niya.

"Biro lang naman eh!" sabi ni Luigi at inakbayan ako. "Saan ba kasi?"

"May pera ka ba?" tanong ko at sinimangutan ako

"Oo naman! Parang timang!"

Piningot ko ang ilong niya at tumakbo na ako sa canteen.

Pumunta ako kay ateng french fries at um-order ng dalawa. Sour Cream and Barbecue flavour combined. ~

"Ate, dagdagan ko ng sour cream ah." sabi ko at um-oo siya.

"Salamat ate!"

Pumunta ako sa tabi ni Luigi na nakaupo kung saan nakaharap ang MPH. Binigay ko sakaniya ang fries niya at nagpasalamat siya.

"Mamimiss ko 'tong fries na 'to." bigla niyang sabi at napatingin ako sakaniya.

"Anong ganap?" tanong ko at kumain pa ako.

"Wala lang, I mean, I've been in this school for almost elementary days at palaging fries ang binibili ko tuwing recess." sabi niya at ngumiti nalang ako.

"Edi mag-luto ka nalang sa bahay niyo at bumili ng Sour Cream and Barbecue flavours."

"Tss, panira ka talaga minsan ano?" and he chuckled.

"Love mo naman ako," at binelatan siya.

Nagpatuloy kami sa pagkain at nagkwentuhan ng posibleng mangyari sa hinaharap ngayong magka-college na kami.

"Shane?" napalingon ako sa tumawag sa akin, at nakita kong si Danica iyon.

"An-"

"Can we talk?" Ano na naman ang nangyare dito at kakausapin na naman ako? Lumingon ako kay Luigi at sinenyasan ako na pumunta ako.

Buti nalang hindi ko sinabi sakaniya yun gnangyari nung isang araw sa bahay namin. Hay, let's stop it. Kumukulo na naman ang dugo ko.

Dinala ako ni Danica sa may bakanteng dance room kung saan malapit ang CR. Hindi ko alam kung anong problema nito at dito pa ako dinala. Paano nalang kung patayin ako dito?

"Anong pro-"

"I just want to say sorry." at napatitig ako sa kaniya. "Sa lahat ng mga ginawa at sinabi ko noon sayo throughout the school year."

"My weakness is my insecurities; kaya ganon nalang ako maka-react sayo. I never meant to get Lance from you, and I just want you to know na yung pag-alok ng pakikiag kaibigan ko sayo ay totoo iyon."

"Gusto ko before graduation, magkaayos tayo. Kahit hindi mo ako agad patawarin, basta nasabi ko sayo ang gusto kong sabihin bago mahuli ang lahat."

Nakita ko ang pabagsak niyang luha mula sa kaniyang mata. Paniniwalaan ko ba siya?

"I never thought this day won't come." sabi ko, "Hindi naman kasi ako umaasang hihingi ka ng tawad sa akin."

"Lahat ng ginawa mo sa akin, aaminin ko, masakit. Kung baga parang gumawa ako ng mabuti, pero sa paningin mo, kontrabida ako." sabi ko sakaniya ng malumanay.

"Salamat naman at dumating ang araw na ito na hihingi ka ng tawad. Pero kasi, pag-iisipan ko pa muna."

"K-ung yan ang gusto mo, s-ige." sabi niya between her cry. "Tatanggapin ko."

"Sorry, per-"

"No, no." sabi niya at pinunsan niya ang luha niya, "That's okay. Thank you."

Bago pa ako magsalita, umalis na siya.

Babalik sana ako sa cafeteria pero nag-announce na mag-reresume na kami sa pagpa-practice.

"Sweetheart?" tawag sa akin ni Luigi at lumingon ako sa gawi niya.

"Yup?"

"Anong nangyari?" tanong niya.

"Sabihan kita mamaya after practice." sabi ko at pumayag siya.

Bumalik ako sa pila ko, kung saan nasa harapan ko si Lance, na tahimik na naka-tayo at naka-hawak sa cellphone niya. Hindi ko naman actually siya pinapakealaman.

Nag-start na nga ang practice at the usual naman, sunod na naman kami. Buti nga nakikipag-cooperate ang mga batchmates ko sa wantusawang practice na ito.

"That's everything today, Senior." sabi ni Mrs. Co. "Please come and see me after 10 minutes to get your Graduation Gown."
Dahil sa sinabi ni Mrs. Co, naghintay nga kami. Mga batchmate ko nagrereklamo kung bakit 10minutes kailangang hintayin. Siguro mga kating-kati umalis na ssa school.

"Sweetheart." tawag sa akin ni Luigi. Bago pa man din ako sumagot, bigla akong nakaramdam ng kaba ng hawakan niya ang dalawa kong kamay and he both intertwine it with his.
"Uh," sabi ko, "Oh?" What the hell, Shane! Utal pa more?
"I just want to say thank you," sabi niya habang nakatingin sa kamay naming maghawak parin.
"Para san?" at lakas loob ko siyang tinignan sa mata, at ganon din ang ginawa niya.
"Wala lang," at ngumiti siya sa hiya, which is cute.
"Eh, sabihin mo na." sabi ko at hingipitan ko saglit ang hawak ko sa kamay niya.
"Okay," and he took a deep breath, "Nagpapasalamat ako dahil kahit sobrang gago ng suhestyon ko sayo noon bilang maging "boyfriend" mo, hindi ka parin naging awkward sa akin o hindi nagbago ang tingin mo sa akin throughout the one month."
"Hindi ko actually inaasahang papayag ka, ni hindi ko aasahang sasakyan mo ang kagaguhan ko. I look so desperate, paano kapag nalaman ng iba?" tumawa siya, "Wala na akong mukhang maihaharap sa iba?"
Gusto ko siyang pagtawanan, to be honest.
"Did you know that I really enjoyed your company?" Sabi ko habang nakatitig sakaniya, "I never thought na may gagawa sa akin ng ganon. May tao palang hindi ako iiwan? May tao palang nagmamhal sa akin ng totoo? You know?" and I chuckled.
"Pero, come on. Bakit parang last day na? I still have 4 days?"
"Wala lang, hinahanda ko kasi ang sarili ko," sabi niya at tinitigan ang magkahawak parin naming kamay
"Naghahanda sa-"

"Seniors, please fall in line, alphabetically." announce ni Mrs. Co at bigla akong hinila ni Luigi patayo at inakbayan ako papunta kay Mrs. Co
"Sweetheart, saan ang mamahaling restaurant dito?" birong tanong ni Luigi sa akin at tumawa ako.
"Ay, mayabang si Mr. Manahan!" at pinalo ko ng mahina ang tagiliran niya, "Gusto ko sa restaurant na may wine, candles, etc! Basta pangmayaman!!"
"Your wish is my command, sweetheart." at biglang hinawakan niya ang ilong ko.
And this heart of mine, start to beat faster than normal.
May asthma ba ako?

Seryoso bang may nararamdaman ako kay Luigi?
Hehehehe, wala naman diba? Siyempre kung i-PDA ka ng iba, kakabahan ka talaga diba? I mean, siyempre....

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon