PPP3 - Closeness [Part1]

139 5 2
                                    

Shane's pov

"Luigi?"

ay tae, parang iba ang dating =__=

"Ah-eh, bakit?"

"Nakalimutan mo yung SocStud mong book sa gym kanina. Eto, o. Binabalik ko lang." tas binigay niya sakin.

"Uh, thanks! Sige, mauuna nko. Ingat."

"Ingat din."

Umalis na ako. 

Tanga mo talaga, Shane kahit kailan! HAY NAKO! 

Ba't parang ang weird? Parang may something na ewan? Nakaka-bobo isipin =_=

Habang pauwi ako, naisip kong bumili ng materials pang stationary para sa project namin. Ewan ko kung anong naisip nung Filipino teacher namin at kailangan ng ganito. 

Pero, kung sabagay, mas ok na tong project na to, kesa mag re-research pa ng kung ano. 

Project kasi namin ngayon e, susulatan mo yung mahalagan tao simula nung first day sa school. Syempre, alam niyo na ung akin, si Lance- syempre. 

[A/N: Kileg pwet!]  

Che, author. Che! 

By the way, nandito na nga ako at pumipili na nga. 

After kong makabili, umuwi narin ako dahil mag-gagabi na. 

Nang makarating ako sa gate namin, nagulat ako dahil may lalaki sa harapan. Gusto ko sanang batuhin kaso parang ang brutal ko naman. 

Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago ako pumunta ng gate namin.

"A-no po sadya nila?"

"Uh, dito po ba nakatira si Sidney Shane Santos?"

"Ako po un, bakit?"

"Kapatid ako ni Lance. Iniimbita ka pala ni Mommy sa bahay, dinner daw."

HA?! Grabe naman.

"A-no po meron?"

"Birthday ni mommy."

"Pano yan, wala akong regalo?"

"Hayaan muna, ndi mahilig si mommy sa material things."

"Ah, ganon ba? Susunod nalang ako kamo, magbibihis at magpapaalam pko e."

"Nandun na ang family mo, ikaw nalang hinihintay."

"Ah, ganon ba?"

"Yup."

"Ah, sige. Tara na pala." 

No choice ako dahil paniguradong hindi na magluluto sila mama dahil inimbita siya. Ganyan naman yang si mama, kung may magaaya sknya tas saktong ndi pa sya nkkaluto or ndi pa siya ngha-handa, ndi na magluluto yan. Kapag hindi mo naman naabutan yung salu-salo, uuwian ka niyan galing sa party. 

Dumating na kaming dalawa sa bahay nila, at as usuall, nakikipagdaldalan na naman si mama dun sa mama yata ni Lance.

"O, nak." hinalikan ko muna si mama bago ako umupo.

"Eto pala ung bunso ko, si Disney."

"MA!"

"Ay este, Sidney Shane pala." at tumawa nalang siya.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon