PPP19 - Oops

51 2 0
                                    

SHANE

December.

Anong meron sa December?

"Happy birthday, anak! 17 years old ka na kaya, be mature please. Loveyou." - Dad

"Happy birthday, Disney! Pakabait ka palagi and please, easy lang sa pagmumura ah, labyu." - Mom

"Happy birthday, Shane! Sana after mong mag-Seniors, pumili ka ng course na gusto mo ah, para di ka na mahirapang mag-shift if ever na ayaw mo ung course but anywas, love na love ka ni ate, ingat ka, mwa." - Ate

Lord, isa lang naman ang hiling ko sa birthday ko.

- Ay yun yung magkasama-sama kaming pamilya ipagcelebrate yung birthday ko

ay, pwede paba isa pa po?

- yun yung sumulpot somewhere si Lance, miss ko na kasi siya T3T

Nag-scroll down ako ng birthday wallposts ko sa Facebook tapos may biglang nag-message,

si Lance.

"Hi, Shane.

Miss na miss na kita ng sobra. Kamusta ka naman? Ako? Wag ako ang pagusapan natin ah, kasi gusto ko malaman kung ayos ka lang ba. Kung nakaka-catch up ka ba sa school. Kung nakakakain ka pa ba ng apat na beses sa isang araw. Kung Disney parin ba ang tawag sayo ng parents mo, or minsan kung iniisip mo rin ba ako? O ano na? Di ko naman akalain kase talagang aabot sa ganito, yea sure, we become friends pero ano nangyari sakin? Ang daming nangyari kaya parang wala nalang akong ginawa sayo kundi bigyan ka ng sakit ng ulo at pinagaalala pa kita. Kaya ngayon ako babawi, Ngayon, di ko muna sasabihin sayo kung ano talaga ang nangyari ha? Eh kasi natatatakot akong sumama na naman ang loob mo sakin, tapos pagaalalalahanin ulit kita gaya nung dati kaya babawi ako ha. Basta, yung sinabi ko sayo nung nagpaalam ako sayo, totoo yun. Actually, inaasahan kong sasagot ka kaso dahil nagmamadali ako, hindi na kita pinasagot pa. Tska, kasi kapag narinig ko yung boses mo, baka lalo lang kita mamiss. Tska baka, di na ako umalis kahit kelangan. Basta, friends parin naman tayo diba? bestfriend pa nga ata. Nandito parin naman ako, Shane. Nasa malayo nga lang, pero atleast, i-message mo lang ako. Di man ako nangangakong masasagot ko lahat ng messages mo pero, basta, i'll try my best. Sige, yun lang. Ingat ka palagi ah? Aral ka ng mabuti.

Lance."

What the fuck, Lance T_T

Anong nangyayari sakaniya? Can I just go inside the computer and punch him in the face?

"Hoy, Lance.

Alam mo, nakakainis ka. Friends nga tayo pero hindi ka naman nag-shshare diyan edi ako ang lumalabas na walang kwentang kaibigan? Oo nung una, nagalit ako sayo at nagkaron ako ng sama ng loob kase angmumukha akong tanga kasi friends tayo eh, nagdadamayan dapat tayo pero anong nangyari? Kinikimkim mo lahat. Handa naman akong tumulong sayo eh. Pero, pakyu ka. Drop that disney or else hahanapin kita para lang sapakin ng kaliwa't-kanan. Tska hoy, excuse me, I lost 10lbs kakaisip sa problema mo, dahil sa pagbibigay mo saken ng stress at sama ng loob dahil sa problema mong di ko naman alam. What the fuck is iniisip mo rin ba ako Siraulo ka ba? Malamang, hoy seryoso ako, iniisip din kita no. Kahit paaano naman may pinagsamahan tayo. Gago, miss na miss na kita. Pwede payakap naman? T_T Ano ba kasi ang nangyayari? December na oh. Bakit mo ba ako mas lalaong pinalulungkot? Ganyan ba talaga ugali mo ah? Ang magpalungkot? Leche ka forever. Ugh, nakakainis ka talaga, Lance. tsk. Puta Lance, kapag di ka nagreply dito, sasapakin kita ng kaliwa't-kanan talaga kapag nakita kita.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon