PPP6 - You made my day

157 6 4
                                    

Shane's POV


Bwiset na Lance talaga yan. 

San kaya nagsuot yun? Psh. 

Feeling ko tinaguan lang niya ako e. Kahit kailan yung taong yun talaga! 

"Pssst."

o___o

S-ino yun? 

Nagka-goosebumps tuloy ako, nakakainis.

"Pssst."

TANGINAA SINO BA YON!

Lumingon ako sa likod, wala naman.

Nanttrip na naman yun..

Lakad na nga lang ak-

"BOOO!"

"HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"


Shit.shit.shit!!!

Pinagpapapalo ko siya ng libro na hawak ko. 

Tangina, sino yoooon!!

"Gago ka, Lance!!!"

Oo, si Lance, muntangaaaa!

Imbis na magsalita siya, humagalpak siya sa tawa halos maupo na siya sa semento.

"Pakyu ka!"

Umalis na ako sa harapan niya.

Anong trip nung hinayupak na yon? Matapos niya akong takasan, gugulatin nalang niya ako dito. At saan naman nanggaling yun? Psh. Ibang klase.

--

Lance's POV

Bakit ako nawala? 

Wala lang. 

Nainis lang ako sa announcement kanina sa gym. Kaya tinakasan ko si Shane. 

Kahit ayaw kong gawin yun, nagawa ko na. 

Panira kasi ng araw ung kaninang in-announce. 

Rafiela Khyle Santos? Srsly?

Anong meron skniya?

Ex ko. 

Kaya nga ako lumipat dito sa skwelahang to para takasan siya tas ngayon, dito siya nagaaral? 

Munggago lang e no? 

By the way, siya ang nanggago sakin, hindi ako. 

Imposibleng ako ang nanggago skniiya dahil bago pa maging kami, patay na patay ako skniya. 

Oo, obsessed. 

See the -ed? Yes, obbsessed. Meaning, tapos na. 

Syempre, kung gusto mong makuha ung gusto mo, at nakuha mo na siya, hindi mo siya gagawan ng ikagagalit niya diba? Alangan namang pagkatapos ng paghihirap ko, ako ang manggagao skniya? Nagpapatawa ba kayo? Psh.

Saan ako nanggaling buong klase? 

Wala, nag-chill dito sa kalsada kung saan nadaan kami ni Shane kapag uwian. Nainis lang talaga ako kaninang umaga. Balak ko nga kasing enjoyin ung bestfriend week na yan, pero simula nung narinig ko ung pangalan niya? Psh, wag na uyyy. 

Ginulat ko si Shane ng walang dahilan. Gusto ko lang siyang pagtripan. Akala ko dati hindi siya magugulatin, pero ngayon alam ko ng mali ako. 

Kahit ganon ang reaksyon ni Shane kanina? Yung tadtarin ako ng mura? Sus. Atleast, she made my day

Siguro nga kung tinapos ko yung school kanina? Wala. Maghapon akong naka-busangot ang pagmumukha. 

"HOY SHANE SANDALE!" Taena, natatawa padin ako. 

"BAHALA KA SA BUHAY MO!"

"MAY ASO DIYAN SA KABILANG BAHAY, NANGHAHABOL YAN NG BABAENG SIGAW NG SIGAW!" banta ko skniya. 

"WALA AKONG PAKEALAM."

"Aw aw! aw aw! aw aw!"

"SHIIIIIIT!!!" 

Dali-dali siyang tumakbo sa likuran ko.

"Sira, wala namang aso diyan. Tagal na nating nadaan dito, ni hindi mo manlang napansing walang aso diyan." sabi ko skniya. 

"Bwiset ka talaga e no!! Ano bang trip mo HA! Kanina ka pa ha!"

"Wala lang. Ayoko kasi sa school."

"WEH. Hindi mo ayaw, trip mo lang ako."

"Bukod sa trip kita, ayaw ko talaga simula nung announcements na yun."

"Ano na namang problema dun?"

"Bestfriend ko daw yung Rafiela Khyle? Psh."

"Pwede naman diba? Baka nakilala mo na siya somewhere."

"Psh, magkasama na tayo simula nung first day, tas ipamimigay mo nalang ako ng ganun nalang? Porket mali yung pinair sakin kanina?"

"Sus, joke lang. Peace na tayo." tapos ngumiti siya ng nakakaloko at nka-peace sign pa. 

"Sus."

"LANCE NAMAN EH! DIBA DAPAT AKO NGA TONG NANINIGAW SAYO NGAYON AT PINAPAGALITAN KA?! BAKIT NGAYON BALIKTAD?!" 

"Ano na ba ang ginagawa mo ngayon? Naninigaw kna diba? O ayan na."

"Psh, ewan ko sayo! Tara na nga! May ibbigay pko sayong libro at notes! Bwiset ka kasi e! Cutting ka! Sumbong kita sa office bukas e."

"KAYA MO?"

"OO."

"SURE?"

"SURE NA SURE!"

"PSH, LABAS SA ILONG."

"KORNY."


Nauna siyang naglakad sakin, pero syempre, naglalakd ako kaso nasaharapan ko siya at nasa likod niya ako.

"Shane."

"O?"

Nananatili parin siyang naglalakad. Hindi siya lumingon.

"Thank you."

"Ang weird mo! Ba't ka nagpapasalamat sakin?"

Hindi parin siya lumilingon at patuloy parin siya sa paglalakd.

"Cause....

You made my day."

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon