PPP28 - The start

39 2 0
                                    

Kinabukasan nung sagutan namin ni Lance, hindi na kami nagpansinan which is great. It's been 2 days at Friday na! Weekend na naman! Kaso, sunod-sunod naman ang projects ko so bihira nalang kami lumabas ni Luigi after school hours. Sa school lunches nalang talaga kami nagkikita at nag-uusap. Minsan, ako ang uuwi mag-isa dahil may tinatapos sa club niya at minsan ganon din naman ako sa club ko. Minsan may sports meeting siya or whatever kaya madalas ako nalang talaga ang umuuwi mag-isa.

Niyaya ako ni Luigi mamayang after school kumain ng merienda kahit saglit lang. Dahil alam naming dalawa na super duper ultra mega hell week na ang magaganap next week at sa darating na ibang week. Kumbaga, lahat ng projects at extra-curricular projects lalabas next week at for sure, sabay-sabay ang due nun. 

"Sarap talaga ng waffles nila dito." sabi ko at kumagat pa ako. Nakita kong ngumiti si Luigi at uminom ng kaniyang frapp.

"Pano yan, baka di na tayo magkita next week at next next week," pasimula niya "Baka nga hindi na tayo magkasabay ng lunch hours or breaks. Bakit kasi magkaiba tayo ng section." 

Ngumiti nalang ako sa kaniya at kinurot ang braso niya. 

"Arte arte mo naman, daig mo pa ako." sabi ko at tumawa 

"Paano kapag may umaligid sayong lalaki? Nakakapang-selos ah!"

"Ay puta, hindi naman ako lapitin no! Tska excuse me, baka sayo ang may lumapit!"

"Sus, kapag alam nilang may kasama na akong babae, hindi na sila lalapit sa akin." depensa niya "Tska hello, kahit sinong lalapit sa akin, lalayo ako. Baka kasi mag-selos ka."

Muntik ko ng maibuga ang kinain kong waffles, buti nalang talaga at palunok na ako. 

"Excuse me? Ako mag-seselos?" sabi ko, "Not at all."

He smirked at me and continues to eat. Jusko naman.

"Don't let him ruin your remaining days here in school, okay?" napatingin ako sa sinabi niya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Minsan lang amg-seryoso ang mokong na 'to. 

Ngumiti muna ako at hinawakan ko ang braso niya, "Ano ba yan. Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Of course, meron. Siyempre, alam kong may nararamdaman ka pa sakaniya, ang akin lang, kung kaya mo na siyang bitiwan, bitiwan mo na. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo."

Mr. Timothy Luigi Manahan, everybody.

Piningot ko ang matangos niyang ilong, "OA naman nito. Alam ko ang ginagawa ko okay? Kaya kung gusto mong makapasok sa univeristy na tumanggap sayo, ayus-ayusin mo ang mga grades mo, pataasin mo pa."

"Yes, ma'am." ngiti niya sabay salute. Kapal naman ng mukha kong mag-sabi kay Luigi na pataasin niya ang grades niya, tapos yung akin? HAHAHA, let's not talk about it?

"Bye, sweetheart." Tiningnan ko ng masama si Luigi at nag-peace sign sa akin sabay ngiti. Dali-dali diyang tumakbo pataas para makarating sa classroom nila. Pasalamat siya masyado akong gulat sa nangyari kaya di ko siya hinabol. 

Natapos ang pangalawa sa huli kong subject. Hindi ko na nga naiisip ang taong nasa harapan ko dahil sa sobrang ka-bi-sihan ko eh. Tska, mas okay nga iyon; para mawala narin ang sakit na nararamdaman ko. 

"Shane," tawag sa akin ng Class Treasurer; palibhasa nakaupo malapit sa pintuan. 

"Yo' sup." pa-cool kong sabi kahti hindi nakatingin sa kaniya, gumagawa kasi ako ng last minute changes sa homework ko sa Social. 

"May nagpapabigay." sabi ko at saka ako tumingin sakniya at nakita ang dalawang pirasong bulaklak. 

Tinanggap ko ito at tinitigan. Anong ginawa ko para makatanggap ng ganito? "Kanino galing?" 

"Secret," ngiti niya, "Kilala mo naman kung sino."

"Ay, biruan ba tayo dito Clariz?" sabi ko, "Kung kilala ko na dapat hindi na ako nagtanong sayo?"

"Ito naman eh!" sabi niya at nagkamot ng ulo. 

Tama naman ako diba? Hindi ako magtatanong sakniya kung kilala ko kung kanino galing.

Nag-start ang klase at of ocurse, may panibagong project na naman ang pinapagawa. Ito na ang huling subject na nagkaron ng projects pero that's okay, at least alam ko na ang gagawin ko starting later. 

"How's your day, sweetheart?" Ugh, Luigi. 

"Stop calling me sweetheart." sabi ko at natawa. Hindi naman sa naiirita ako, pero sa tuwing sinasabi niya yan parang may ginagawa akong karapat-dapat para tawagin akong sweetheart. Tska, hindi naman kami. 

 "Bakit? Panget ba?" tanong niya "How about Honey?"

Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong milktea. At bigla niyang hinagod ang likod ko. 

"Tigilan mo nga ako sa kaka-honey mo diyan at sweetheart. " sabi ko at natatawa. "Hindi ako komportable." 

Natawa nalang si Luigi sa sinabi ko. Bwisit, nagawa pa niyang tumawa? Puta. 

"Kaligayahan ko na nga lang tawagin kang sweetheart, ayaw pa!" kamot niya sa ulo. 

"Tsk, tigilan mo nga ako." sabi ko nalang at umirap. 

"Anyways, natanggap mo ba ang flowers?" tanong niya, at lumaki ang mata ko. 

"Sayo yun?!" bigal kong tanong. 

"Don't tell me, tinapon mo?" nag-peace sign lang ako sakaniya at napakamot siya ng ulo. 

"Joke lang, 'to naman. Nasa locker ko." sabi ko, "Thanks." 

"Date tayo bukas!" nabigla naman ako sa sinabi niya. Yung totoo?

"Kaka-kita lang, lalabas agad?" 

"Bakit ba! Yung deal naman natin, tuparin mo!" sabi niya. 

"Tsk, oo na! Kapag ako bumagsak bubugbugin kita!" sabi ko at tumawa. 

"Okay lang yan, matalino ka naman eh!"

"Neknek mo, bwisit ka." sabi ko. 

Pinulupot niya ang kaniyang braso sa leeg ko at napalapit ako sa kaniya. 

*Dug-dug-dug* *Dug-dug-dug*

What the fuck is wrong with my heart?

*Dug-dug-dug* *Dug-dug-dug*


Daldal lang ng daldal si Luigi pero hindi ko ito pinansin. Mas pinapansin ko ang pagtibok ng puso ko. Bakti ako ganito? Si Lance pa ang mahal ko diba?

Si Lance?

Pero.. Bakit si Luigi?

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon