Epilogue

53 5 0
                                    

Kakatapos lang ng Graduation, and guess what?

"Naks naman, sweetheart!" sabi ni Luigi at hinalikan ako sa noo. "Akalain mong nasungkit mo ang 3rd Honourable Mention?"

You read it right! Third Honourable Mention!

"I know, sweetheart!" sabi ko at niyakap siya. "0.8 lang ang lamang ko kay Palicte!"

Niyakap pa niya ako ulit at hinalikan sa noo. Aba, kung hindi siya proud isasampal ko ang medal ko sakaniya.

Nalaman na ng parents ko at ng parents niya na kami na. Nagulat nga ang parents niya dahil nagka-girlfriend pala ang torpe nilang anak. Was that mean they didn't know about Danica?

"Sweetheart, may handaan sa bah-"

"Sweetheart, may handaan din sa bahay!" agad kong sabi at napahinto kami pareho.

"Don't worry, I'll ask mom na pumunta sa bah-"

"Hindi ako na-"

"NO KIDS." nagulat kami at napatingin kami sa mga magulang naming papalapit sa amin.

"Pagsasamahin natin ang celebration!" excited na sabi ni Tita Mercy, ang Mama ni Luigi. "Was that answer your conflicts?"

Pareho kaming tumungo ni Luigi. Kasi kung hindi, baka pag-awayan namin ito.

Iniwan muna kami ng mga pamilya namin dahil may konting get-together party muna ang mga Seniors; kahit 1 hour lang daw muna. Pumayag kami ni Luigi kasi alam naming mamimiss naman namin kahit papaano ang Highschool.

Sa gitna ng pag-sasaya, nakita ko sila Danica at Lance na papalapit samin ni Luigi. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Luigi sa kamay ko.

"Can we talk?" deretsahang tanong sa akin ni Lance.

"Tayo din sana, if okay lang?" tanong naman ni Danica kay Luigi.

We both agreed. Kahit papaano, may hindi rin naman kami pagkakaunawaan.

(LANCE/SHANE)

Pumunta kami sa harapan ng flag pole dahil konti ang tao. Kinakabahan nga ako, baka kasi kung ano isipin ng tao. May Luigi na, may Lance pa?

"Pwedeng ako muna magsalita?" sabi ko kay Lance at tumungo siya.

"First of all, thank you for loving me hindi ko kasi inasahan na magkaka-love life ako ngayong Senior highschool." at natawa pa ako. "Thank you din sa pananakit dahil iyon ang naging dahilan kung paano ako tumayo sa sarili kong paa at kung paano ako tumibay."

"Don't worry, hindi naman ako pumayag na makipag-pagusap para sumbatan ka na naman, kasi alam kong rinding-rindi ka na sa akin." at ngumiti ako.

"Pinapatawad na kita," at nakita ko kung gaano lumiwanag ang mukha niya sa narinig, "Actually, kayo ni Danica, pinapatawad ko na kayo."

"Hindi niyo naman kasalanan kung arranged marriage ang nangyari. Pero kung sinabi niyo sakin ng maaga, edi natanggap ko pa, you know?" sabi ko nalang.

"Pero, I hope both of you will be happy in New Zealand. Alam ko kung paano mo alagaan ang babae, Lance. Dahil naramdaman ko iyon, kahit sandali."

Tumigil na ako sa pagsasalita para hintayin ang sasabihin ni Lance pero tanging pasalamat lang ang nailabas ng bibig niya.

"Thank you sa pagtanggap ng sorry ko, at I'm sorry sa mga nagawa ko." sabi nito at niyakap ko siya. To be honest, natatakot akong hawakan siya kasi baka bumalik ang pagmamahal ko sakaniya. Pero I was wrong, wala na akong nararamdaman sa kaniya.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon