PPP34 - Confusion

33 4 0
                                    

A/N: LAST 1 CHAPTER! ^^

-


Dahil alas-sais palang ng hapon at may araw pa. Nagpaalam ako sa aking parentals na puntahan si Luigi. Hindi sila nagdalawang isip at pinayagan ako. So anong ginawang pambobola ni Luigi at ganito ang reaksyon ng magulang ko?


Tinatawagan ko si Luigi pero hindi sumasagot. Yung totoo? Naguguluhan ako sa set-up nila ah. Pumayag na ba sila Mama at Papa na ligawan ako ni Luigi? O nagiinarte lang 'tong si Luigi?


Pumunta ako ng bahay nila. Syempre alam ko, nag-stalk kaya ako sakaniya noon. Ang dami kong balak na bisitahin siya noon, pero hanggang balak lang iyon kaya first time kong pumunta sa bahay nila. Kinakabahan nga ako, baka kasi nandito ang magulang niya. Nako, baka back-to-back ang interview kung nagkataon.


Matapos ang tatlong katok ko sa gate nila ay lumabas ang isang lalaking matangakad. Siguro mas matanda kay Luigi ng kaunti. Hindi ko alam kung kapatid niya ito or kung ano, wala naman kasng nababanggit si Luigi sakin minsan.

"Uh, nandiyan po ba si Luigi?" nahihiya kong tanong.

"Luigi?" balik na tanong sa akin. "Ay si Timoy? Nasa taas, teka tawagin ko lang." pinagbuksan niya ako ng kanilang gate at sinabihang pumasok.

WHAT THE HELL, LUIGI. TIMOY TAWAG SAYO? PUTANGINA. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA


Pinaupo ako ng Kuya niya sa sofa nila at nagbigay siya ng juice.

"Tinawag ko na siya," sabi niya at nag-ayos ng kwelyo, mukhang aalis. "Wala mga magulang namin dito ngayon, tapos aalis ako dahil papasok,"

"Ikaw muna bahala dito?" tanong niya at um-oo ako at sinabihan kong mag-ingat.

Parang familiar kasi yung kuya niya. Nakita ko na ba siya noon?

Pero bakit ang tagal bumaba ni Luigi? Pa-bebe?


Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ko nakuha ang lahat ng lakas ng loob ko bago ako umakyat sa taas. Bahay ko lang?

Sinabihan niya ako noon kung saan banda ang kwarto niya dati in case daw na may emergency. Baliw lang siya noon dati. Akala niya alam ko ang bahay nila kaya ganon siya ka-komportableng sabihan ako kung saan banda ang kwarto niya. Hindi niya alam nito ko lang nalaman kung saan ang bahay nila, kunghindi ko pa siya ini-stalk. Sus.

"Luigi!" tawag ko sabay katok narin. At walang sumagot?

"Papasok ako!" banta ko, pero wala paring sumagot.

Tinotoo ko ang banta ko at pumasok ako at tumambad sa akin ang naka-puting v-neck na shirt at nakahiga na nakaharap sa dingding si Luigi. Anong drama nito?

Umupo ako sa tabi niya at niyugyog ko siya.

"Luigi naman," sabi ko, "Ininsulto ka ba nila Mama at Papa kaya ka ganito?"

Niyugyog ko ulit siya, "Huy, kausapin mo ako."

Napatalon ako ng bigla siyang bumangon at umupo ng maayos.

"Totoo ba?" agad na tanong niya at agad akong naguluhan.

"Totoo ang alin?" tanong ko sakaniya at itnitigan siya.

"Na pumayag ka lang talaga na sakyan ang trip ko dahil para makalimutan mo si Lance?"

Bigla akong natawa. At naguluhan siya.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon