PPP27 - Thank You

31 2 0
                                    

A/N: Hello! May bago akong story (click the external link) and please let me know kung yay or nay. Thanks! Enjoy reading! <3

***

2 weeks passed at February na pala.

Bilis ng panahon, at thank goodness, ga-graduate na ako! GRABE Naeexcite ako ng super!

"Shane! Shane!" tawag ni Luigi at tumingin naman ako sa gawi niya.

"Bakit?"

"Natanggap ako sa St. Benedict University!" sabi niya at sabay niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik, ang saya ko para sakniya.

"Congrats!" sabi ko "Buti nalang may nakatiis sayo."

Bigla naman siyang napahiwalay sa yakap namin at tumawa nalang ako.

"Sobra ka naman, Shane!" sabi niya

"Binibiro ka lang naman! Mukhang timang naman 'to." sabi ko at ngumiti. "De seryoso, Congratulations!"

"Thank you!"

Nakapag-apply narin ako sa mga university. Kahit saan okay ako, basta mapasa ko yung gusto kong course. Nag-apply ako ng Engineering, dahil yun ang gusto ko at pati narin ng mga magulang ko. Ewan ko ba, buti nalang daw talaga at nag Engineering ako, kung hindi pagpipilitan nilang mag-Engineering ako.

Lunch break namin at imbis na kumain ako ay nasa library ako para umpisahan yung huling project namin sa Home Economics. Sa aming graduating kasi, maaga ang Finals namin kesa sa mga undergrads, kaya imbis na next week pa kami ngarag, ngayon palang nagarag na kami. Kumbaga hell month namin.

"Shane?" dahil masyado akong seryoso sa project ko, hindi ko nabosesan kung sino, pero dedma parin ako at nagpatuloy.

"O?" sagot ko habang nagko-concentrate ako sa project ko, hindi ako nakatingin sa tumawag sa akin.

"Pwede ba tayo magusap?" Hindi ko sure kung tama ako ng dinig na boses pero sana wag naman si Lance.

Bigla kong itinangala yung ulo ko at nakita ko nga si Lance. Pucha, ano pa ba ang gusto nito?

"Mr. Salazar and Ms. Santos," tawag sa amin ng librarian "Kung mag-uusap kayo, pwedeng sa labas?"

Ano na namang saltik nitong librarian namin? Wala pa nga kaming ginagawa dito eh, mahina pa nga lang yung approach at sagutan namin, pinagalitan agad kami?

In the end, lumabas nga kaming dalawa kahit ayaw ko, kasi hindi kami titigilan ng librarian kung hindi kami lalabas.

"Now, what do you want?" deretsahan kong tanong sa kaniya, aba wag niyang masayang-sayang ang oras ko.

"Mag-usap tayo."

"Tss," sabi ko at umirap "Ano bang paguusapan natin? Aasarin mo ba ako kung paano mo ako naloko?"

"Shane, st-"

"Sasabihin mo ba sa akin na mahal mo ako kesa kay Danica?" sabi ko sakaniya ng tinititigan siya "Hindi mo na ako maloloko ngayon, Lance."

"Dalawang beses mo akong niloko. Alam mo, tama na. Kasi hindi naman ikaw yung nasasaktan. Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na naka-move on na ako, hindi parin. Dahil kahit anong gawin ko, ikaw parin! Kahit niloko mo ako, pinaglaruan mo ang damdamin ko." sabi ko at nangingiyak na ako. "Pero, putangina naman. Nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito?"

"Tska, kasal ka na. Ano pa bang hahanap-hanapin mo?" sabi ko "Hindi lang ako makapaniwalang dun ka sa babaeng yun magpapkasal. Ano bang meron siya na wala ako? Anong meron siya na mas pinili mo siyang ipaglaban kesa sa akin na mahal mo ako?"

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon