PPP12 - Friends?

133 1 1
                                    

Kinabukasan;

Maagang pumasok si Luigi para tapusin niya ang hindi niya natapos na project sa Physics.  Saglit nalang naman siya at matatapos na kaya nag-punta siya sa library para magbasa kapag tapos na siya sa project niya. 

Pagka-pasok niya sa library, nakita niya si Shane na gumagamit ng computer. Iisang desktop lang ang nasa library nila dahil sarado pa ang computer room ng ganitong oras. Kaya wala siyang magawa kung hindi mag-hintay.

"Tinamad ka na naman kagabi no?" biro ni Luigi

"Oo e. Hahahaha, Adik no?" sabi ni Shane

"Ano palang ginagawa mo dito? Wag mong sabihing magbabasa ka ng libro ng ganitong kaaga? Sus, lokohin mo lelang mo." dagdag pa ni Shane

"Grabe naman to. Hindi ba pwedeng may tatapusing project din?"

"Tinamad ka rin pala kagabi! Nako, nakipag-date na naman kayo ni Danica no! Nako uli, kapag bumagsak kayong dalawa, ewan ko nalang." 

"Porket tinamad, nag-date kagad kami ni Danica? Isip neto. Dalian mo na nga diyan, ako pa gagamit."

"Matuto kang mag-hintay no. Wala pa ako sa kalahati ng project ko."

"Ay parang tanga. Ako pala muna! Isang paragraph nalang tong akin o. Tska may draft na ako kaya saglit lang to dalii."

"Ayoko nga. Maghintay ka diyan."

"Dalian mo na."

"Parang tanga. Oh dalian mo ah!" sabay tayo ni Shane sa upuan. 

Hindi akalaing papayag si Shane ng ganon nalang kadali. Wala ng nagawa si Luigi kundi umupo sa harapan ng desktop at nagsimulang mag-type ng paragraph niya. 

"Dali." sabi ni Shane

"Hindi pa nga ako angsisimula."

"Magsimula ka na kasi."

"Eto na nga ho."

Dali-daling nag-type si Luigi ng isang paragraph niya...

nang matapos na siya, prinint na niya ito at ini-stapler kasama nung project niya. 

"Gusto mo tulungan na kita diyan? May draft ka naman na yata." pag-prisinta ni Luigi

"Wag na, hiya naman ako sayo."

"Arte mo! Parang hindi kaibigan!"

"Ay, magkaibigan pala tayo? HAHAHA, Hindi ko alam yun ah?"

"Loko-loko ka talaga. Simula nung nagkakila-kilala tayo nila Danica, tinuring na kitang kaibigan nun ah. Grabe ka talga."

"HAHAHA! Sensya! Hindi ko naman talga alam!"

"Grabe ka talaga. Wala akong masabi sayo."

nag-isip sandali si Shane. Kung tutuusin, tinuturing narin naman ni Shane si Luigi bilang kaibigan, binibiro lang naman niya ito. Kaso, sineryoso ni Luigi.

"Ganito nalang.." panimula ni Shane

"Friends?" in-offer ni Shane ung kamay niya

inabot ito ni Luigi.

"Friends." sabay shake ni Luigi. 

May naramdamang spark si Luigi sa kamay ni Shane, kaya agad itong bumitaw.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon