PPP14 - Akala ko bestfriend kita.

124 4 2
                                    

Shane's POV

Ugh, bakit ba ako kinakabahan? Psh, sabi nga ni Lance at ni Luigi, hindi ko raw kasalanan yun.

Pero, argh! Kahit naaaaaaa! -____________________________-

"Shane." Shucks..

Humarap ako sa likuran ko para tignan si Danica.

"Danica."

"Pwede ba tayong mag-usap?" medyo galit na tanong sakin ni Danica.

Bahala na..

"Sige."

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa pinakatagong part ng school.

"Danic-"

"Alam mo na ba ang balita? Tinigil na ni Luigi ang panliligaw sakin? Masaya ka na ba?" tanong skin ni Danica na ikinabigla ko.

"H-a? Masaya? Sino? Ako? Timang ka ba? Halos hindi ako makatulog kagabi tapos sasabihan mo akong masaya ako ngayon? Sira na yata kokote mo." sabi ko skniya.

"Oo, sirang-sira na kokote ko. Shane, ikaw lang ang sinabihan ko nun! Pano nalaman ni Luigi?!" sinisigawan na ako ni Danica.

"Hindi ba sinabi sayo ni Luigi ha? Sabi niya, narinig niya tayong naguusap! Kaya wag mo akong sisihin."

"Kahit na! Siguro sinabi mo yung totoo sakaniya! Siguro dinagdagan mo pa ung sinabi ko sayo! Sigu-"

"Wala siyang sinabing iba, Danica. Narinig ko ang paguusap niyong dalawa ng buong-buo. Kaya wag mo siyang sisihin." sabi ni Luigi.

Humarap si Danica kay Luigi bago siya magsalita.

"Wow ah? Ano to kampihan? Sige! Kampihan mo yan! Sino nga lang ba ako? Ex-nililigawan? Bwiset!" galit na galit na sabi ni Danica.

"Makinig ka Danica. Wala akong kinakampihan dito. Ang akin lang, bakit mo isisisi kay Shane ang dahilan kahit ako naman ang nag-desisyon non?" kalmadong sabi ni Luigi.

"Hindi ko alam..hindi ko na alam...nahihirapan na ako." mangiyak-ngiyak na sabi ni Danica.

"Sa tingin mo ba, ikaw lang ang nahihirapan? Danica, ako rin! Isang taon at mahigit na kitang gusto, tapos mauudlot lang ng ganito?"

"Kung nahihirapan ka, bakit hindi mo bawiin?"

"H-indi ko alam kung mababawi ko pa, Danica." sabi ni Luigi

May sasabihin pa sana si Danica, kaso naglakad na papalayo si Luigi.

Akala ko susundan ni Danica si Luigi pero humarap siya sakin.

"Akala ko bestfriend kita." sabi ni Danica sakin bago siya umalis.

Wala na...

Mag-isa na naman ako dito..

Narinig ko ng nag-bell kaya, pumunta narin ako sa klase ko.

Pagpasok ko sa klase ko, umupo lang ako habang nagdidiscuss yung teacher ko sa trig.

"Ms. Santos."

"Ms. Santos!"

"Ay, ma'am!" gulat kong sabi.

"Please, focus." 

"Opo."

Nakakainis naman kasi! >__<

Tae naman kasi, trig to o! Hirap hirap nito tapos hindi pa ako nagfofocus! 

Putspa, anong nangyayari!! KAINIS!!

"Ms. Santos, please see me now." sabi sakin nung teacher. 

Lumapit naman ako sa kaniya na may kaba sa dibdib ko. 

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon