PPP30 - Mag-asawa

47 3 0
                                    

LAST 5 CHAPTERS ;)

***

OMG, WTAF. 

FINALS ARE OVER!! 

Dahil ang excited kong matapos sa exam, ang aga ko tuloy nakalabas! Pinalabas na kasi ang mga tapos na, eh ako ata ang pang-anim sa klase ko? OMG, bye highschool! T_T

May usapan kami ni Luigi na maghintay sa may copacobana ng school na malapit sa MPH. May mga studyanteng naka-tambay din dito, siguro mga tapos narin sa kanilang exam o baka hinihintay ang sundo. 

Ang boring! 

Utang na loob, Luigi! Lumabas ka na ng classroom!!! Ililibre mo pa ako ng ice creaaaaaam!! Uupo nga muna ako! Buti naalng may bakante.

"Shane." FINALLLY OMFG.

"Luig-" 

What is he doing here? Bigla akong napatayo.

"Bak-"

"Mag-usap tayo." 

What the hell? 

"Pwede ba, tap-"

"Utang na loob, Shane. Pakinggan mo ako." 

Napatigil ako sa sinabi niya. Really? Siya pa ngayon?

"Paano mo nalaman nandito ako?"

"Nakiusap ako kay Luigi." 

WHAT? 

Ibig sabihin, inuto lang ako ni Luigi na magkita dito? Puta.

"Ano ba ang sasabihin mo? Nagsasayang lang ako ng oras." 

"I came here to say sorry," panimula niya. Sorry na naman? Nakakasawa ah. 

"Hindi ko talaga mahal si Danica, Shane. Arranged marriage ang nangyari, parang yung dati kay Rafiela Khyle nun. Nung umamin ako sayo. totoo ang nararamdaman ko, Shane. Mahal na mahal kita. Nung huli kitang iniwan, dun ko nalaman na baon na naman ang company namin, but this time, sa company na ng mga Flores."

"Ang sabi ni Dad, kapag hindi ko ginawa iyon. bibilhin nila ang kompanya namin. Pinagusapan nila ang kasal kahit wala ako. They already knew my measurements for suits and etc. Pinagbantaan ako ni Dad na kapag gumawa daw ako ng ikadudumi ng pangalan ko, madadamay ka. Kaya lumayo ako sayo."

"Para daw siguradong wala akong gagawin, nagpa-book sila ng reception sa hotel ng mga magulang mo. Yung dala-dalang memorabilia ni Mama mo, ibinigay iyon ng magulang ni Danica para sabihin sa kaniya or para malaman mo na wala na talaga. Alam kong hindi alam ni Mama mo ang tungkol sa atin kaya wala siyang reaksyon."

Nakita kong naluluha na siya. 

Alam kong hindi biro ang pinagdadaanan niya. Pero, paano naman ako noon? Gulong gulo yung isipan ko tungkol sa nangyayari kay Lance. 

"That's bullshit." una kong sabi at napatingin sa akin si Lance. 

"Kung sinabi mo sana sa akin, maiintindihan ko pa, Lance. Ilang beses kong sinabi sayo na sabihin mo sa akin para maintindihan ko, pero hindi mo ginawa. Tapos ngayon hihingi ka sa akin ng tawad at i-eexplain mo sa akin ang lahat? Kung kailan huli na ang lahat?" naluluha kong sabi. 

"Edi sana kung sinabi mo ng maaga, makakapag-paalam ako sayo ng maayos. Tatanggapin ko ng malaya, at least may chance pang magkakausap tayo, pero anong ginawa mo? Sinaktan mo ako ng paulit-ulit! Nagmukha akong tanga kakahintay sa wala. Malalaman ko nalang kasal ka na pala, tapos wala paring paliwanag? Tapos babalik-balik kayo sa school na parang walang nangyari?" Umupo ako dahil hindi ko kayang magpaliwanag ng nakatayo. 

"Tapos yang baliw mong asawa, aasarin ako? Karma? Bullshit. Ano nga bang ginawa ko para makatanggap ako ng ganito? Isa lang naman akong hamak na studyante, disi-siete lang ako pero yung natatanggap kong sakit parang mamamatay na ako."

Pinunasan ko ang luhang kanina pang tuloy tuloy bumbagsak. 

Nanahimik kami pareho. Walang gustong magsallita. 

But, what's wrong with my heart? Namumuo ang awa ko kay Lance. Pero sabi ng isip ko, layasan ko na si Lance. 

Matapos kong mag-isip, inayos ko ang sarili ko. Tumayo ako.

"Please, give me some time to think." Sabi ko. "Utang na loob, wag na wag muna kayong magpapakita sa akin ni Danica. Tuparin mo naman 'tong hiling ko, kahit minsan lang." at umalis ako. 

Sorry, puso. Hindi ko pa siya kayang patawarin. Naaawa ako, oo. Pero sobrang sakit ang binigay niya sa akin para mapatawad ko siya ng ganon-ganon lang. 

Dumating ako sa harapan ng bahay ng makita ko si Danica sa haparan ng gate namin. At ano na namang ginagawa niya?

"Sha-"

"Wala ka talagang kapaguran ano?" sabi ko, "Ano na namang ginagawa mo dito?"

"Nandito ako par-"

"Para ano? Para ipamukha mo sa akin na nagtagumpay ka? Leche. Hindi mo na kailangang ipamukha. Quits naman tayo, sayo si Lance? Akin si Luigi." sabi ko. 

"O baka naman nagsisisi kang nagpakasal ka kay Lance dahil mahal mo pa si Luigi?" 

Napatingin sa akin ni Danice. Tss, sabi ko na nga ba. 

"Seriously? Anong problema niyong mag-asawa sa akin at gusto niyo akong kausapin? Pinag-planuhan niyo ba 'to para ipamukha sa akin na natalo ako? Tss. Palibhasa hindi mo alam kung paano masaktan! Alam mo lang kung pano manakit!"

Bigla akong nakatanggap ng sampal mula sa kaniya. at napahawak ako sa pisngi ko. 

"Wag na wag kang magsasalita ng ganiyan, Shane." sabi niya at dinuduro ako. "Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko bago ako makasal kay Lance. Hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa kagagawan mo!"

WHAT THE FUCK?

"Ano na namang kinalaman ko sayo? Bakit ako nadamay?"

"Kung hindi mo nilandi si Lui-" at ako naman ang nanampal sa kaniya. 

"Kapal naman ng mukha mong sabihan ako na nilandi ko si Luigi? Hindi mo ba narinig ang sabi niya noon? Narinig niya ang pinagusapan natin nung sinabi mo sa akin ang dahilan mo kung bakit hindi mo pa siya sinasagot! Trust issues? Putangina. Hindi ko naman kasalanang mag-sawa sayo yung tao!" 

Hindi siya makapag-salita sa halip umiiyak lang siya. 

"Ang lakas ng loob mong sumugod dito sa bahay para ipamukha sa akin na kasalanan ko pa kung bakit ka nakasal kay Lance? Sino nga bang mayabang na nagsabi sa akin na, "I hope you accept this reality. Karma strikes really hard, right?"

 ginaya ko ang tono niya and i chuckled. 

"Tapos ngayon, pupunta ka dito para umiyak dahil gusto mo pa si Luigi? Oh poor girl." sabi ko at pumunta ako sa may gate para i-unlock.

Humarap ako sa kaniya na umiiyak parin. 

"Ako na ngayon ang may karapatang magsabi ng.." at napaharap siya sa akin. 

""I hope you accept this reality. Karma strikes really hard, right?"

At pumasok na ako sa loob ng bahay. 

Hawak hawak ko ang pisngi ko. Akalain mo nga namang ang bigat pala ng kamay niya? Sakit ah.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon