PPP15 - Patay

74 3 0
                                    

Patuloy parin ang pagkakaibigan nila Luigi at Shane. May usap-usapan ngang ang landi ni Luigi kesyo kaka-tigil lang ng panliligaw niya kay Danica pero kasama na niya kagad si Shane palagi. At syempre, si Shane din ang sinisisi kesyo nilandi lang daw niya si Luigi kaya tinigil ni Luigi ang panliligaw niya kay Danica. 

Di nalang nila pinansin yung mga usap-usapan na yun. Alam naman nila ang totoo- ang totoo na magkaibigan lang sila at hanggang dun lang. 

Isang linggo matapos ang  lahat ng nangyari.

"Putspa, Quarterly test na naman!" reklamo ni Luigi.

"Oo nga e! Di bali, second to the last naman na yun!" sabi ni Shane.

"Kahit na! Hirap ng quarterly test no." sabi ni Luigi.

"Edi dapat di ka na lang nag-aral. Dami mong reklamo." sabi nalang ni Shane.

Inakbayan ni Luigi si Shane bago magsalita.

"Eto naman, ang init ng ulo. Ano bang nangyayare sayo? Binibiro ka lang naman." 

"Tatanggalin mo yang kamay mo sa leeg ko, o tatadyakan kita?" sabi ni Shane at agad namang tinanggal ni Luigi yung kamay niya.

"De joke lang!" sabi ni Shane at sabay tawa.

"Leche 'to. Akala ko naman iba na ugali mo." sabi ni Luigi at ibinialik ang akbay niya kay Shane.

"Pangit ba? Ganon nalang kaya ugali ko." sabi ni Shane.

"Siraulo, subukan mo lang." sabi nalang ni Luigi.

=

Natapos ang klase, at sabay sila ulit umuwi. 

"Kelan tayo magrreview?" Tanong ni Luigi.

"Ewan ko lang." sabi ni Shane.

"Onga pala, sali tayo sa badminton!" sabi ni Luigi.

"Kelan daw ba?" sabi nalang ni Shane.

"Next week ata before mag-quarterly." sagot ni Luigi.

"Sige, call." sabi ni Shane.

Nakarating si Shane sa bahay nila.

Walang tao sa bahay nila kaya mag-isa lang siya. Dahil hindi kumakain ng gabihan yung mga kasama niya dahil galing trabaho, hindi narin siya kumain. Wala rin siyang gana kase.

Pumasok siya sa kwarto niya at humiga matapos mag-bihis ng pang-tulog.

"Matagal na ang nakalipas, Lance. Hindi ka na tuluyang nagpaparamdam sakin. Dati rati, naguusap tayo habang nasa puno ka. Pero ngayon, bakit wala na? Napagod ka na ba? Sige, kung ikinapapagod, mo, why not diba?" sabi ni Shane sa sarili.

"Hay nako, Lance. Ni-wala ring text message or email manlang. Wala manlang dalaw sa bahay kahit magkapitbahay lang tayo." 

Umupo ng maayos si Shane para makita yung labas ng bahay nila at makita ang katapat na bahay.

"Ayan o, bukas ilaw ng kwarto mo. Wala manlang text dyan?" 

Biglang namatay ang ilaw ng kwarto ni Lance kaya tinigilan narin ni Shane ang pagro-room gazing.

Naghanda nalang siya para matulog.

=

Nagising si Shane dahil umaga na.

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon