PPP24 - Gala

46 6 0
                                    

HELLO! INABOT NG 3 MONTHS BAGO MAG-UPDATE. SORRY TALAGA!! ETO NA SIY! :)

---

Nagdaan ang Pasko, ang bagong taon. At bukas may klase na ulit. Gustong gusto ko ng pumasok sa totoo lang. Ayokong nandidito ako sa bahay, palaging nag-iisip, palaging nagtatanong kung ano ba talagang nagawa kong mali at bakit nangyari lahat sakin iyon. Nagmahal lang naman ako

"Luigi!" 

[Ba't ka napatawag?] Sabi ni Luigi after niyang sagutin ang tawag ko.

"Gala naman tayo." 

[Ngayon na?] 

"Kung pwede? Hindi ka ba busy?" 

Ilang minuto muna bago siya nakapag-salita [Osige, give me 10 minutes?} 

Nagpasalamat ako at naghanda narin. Gusto ko lang kasi kahit papaano sumaya naman ako. Ilang araw na akong umiiyak, buti nalang at sa araw na umiyak ako, walang tao sa bahay. 

Totoo nga ang sabi ni Luigi, mga after 15 minutes, dahil siguro bumiyahe pa, dumating nga siya. 

"Bakit mo nga pala naisipang mag-gala?" tanong ni Luigi ng makarating kami sa park ng kabilang village. 

"Ha? Wala lang. Parang dating gawi." sabi ko at pinilit kong ngumiti. 

"Sus, ang plastik ng ngiti." sabi niya bigla. Hindi ko na napigilan ang sarili ko't tumulo na ang luha ko. 

"Uy, grabe naman." biglang sabi ni Luigi, niyakap niya ako at hinaplos yung likod ko. 

"Akala ko, okay na ako. Mag-iisang buwan na nung kinasal sila, Luigi. Pero ang sakit nandidito parin. Bakit ganito?" sabi ko habang naiyak. "Nagmahal lang naman ako, nagpatawad, tinanggap ko si Lance noon kasi mahal ko siya, pero ito ang igaganti niya sa akin?" 

"Kung magpapakasal lang din naman siya, eh bakit pa siya humingi ng tawad sa akin noon? Para saan? Para saktan niya ako? Bullshit." sabi ko habang pinupunasan ko yung luha ko. "Putangina, sarap manapak."

Ang sabi ko nga, nagtataka ako kung bakit walang nagmamahal sa akin. Tapos nung meron naman na, sobra-sobrang sakit naman ang ibinigay sa akin. Ganito ba talaga ang magmahal? Bakti sobrang sakit? Hindi ko matanggap?

"Hayaan mo na, Shane. Kawalan naman ni Lance yun." sabi ni Luigi sa akin. Tinulungan niya akong punasan anh luha ko at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. 

"May alam ako kung saan mo gustong pumunta!" Sabi niya ng masaya. Hindi ko na siya pinigilan. Hindi ko rin naman alam kung saan ko gusto pumunta. Ang gusto ko lang ay yung makalimutan ang kung anong nararamdaman ko ngayon. 

Ilang minuto rin kaming nasa daan. Hindi lang ako umiimik, kasi hindi ko naman alam ang mga daan o pasikot-sikot dito sa lugar na 'to. 

Maya-maya bigla nalang tumigil si Luigi sa isang malawak na lugar. Yung parang puro grass lang. Walang building, parang dinala niya ako sa probinsya. Lumabas kaming dalawa sa kotse niya at pinagmasdan ko ang paligid. Nakaka-relax naman dito. 

"Hope you like this place, Shane." sabi niya. Humarap ako sakniya at niyakap ko siya. Siya nalang ang meron ako ngayon. Lahat ng ibang kaibigan ko pinag-taksilan ako.

"Thank you, Luigi for always being there for me." sabi ko at niyakap niya ako pabalik. 

Nag-set si Luigi ng picnic na dala niya na hindi ko manalgn napansin. Siguro masyado ko lang dinidibdib yung nararamdaman ko kaya hindi ko napansin yung mga dala niya. 

Umupo kami sa mat na nilagay niya kanina. Nagbukas ng ilang chips at nag-kwentuhan. 

"Shane," tawag sa akin ni Luigi at napatingin ako sakniya. 

"Bakit?" 

"Anong first impression mo nung nakita mo ako?" tanong niya. 

"Anong na-singhot mo at yan ang tinanong mo sa akin?" sabi ko ng pabiro at nakatanggap ako ng bulls eye dahil sa tinapong niyang Oreo Packs. 

"Seryoso kasi!" sabi niya. 

"Hmm," sabi ko at nag-isip. "Mayabang? Presko? Alam mo na, into bad guy and jerk." sabi ko. At naktia kong nanlaki ang mata niya. 

"O ano! Babatuhin mo na naman ba ako?" sabi ko at nag-harang na ako sa mukha ko. Aba, baka magka-black eye na ako?

"I was so pathetic back then." sabi niya ng seryoso, at napababa ako ng braso ko. "So immature." dagdag niya. 

"Eto naman, diyan naman tayo nagsisimula minsan," sabi ko. "Kumbaga ang pagka-immature is the key for being mature." 

"Gago, dami mong alam." sabi niya at tumawa. 

"Tange, seryoso ako!" sabi ko. "Tignan mo ngayon, kung dati ang immature mo, ngayon nag-mature ka na."

Nginitian lang niya ako. Siguro hindi pa siya maka-get over kay Diane? Or siguro iniisip ulit niya yung sa aming dalawa?

"Klase na pala bukas ano?" bigla niyang sabi at kumakain lang ako ng chips. 

"Oo nga eh! Excited na ako!" sabi ko, which is true. 

"Puta, ikaw excited?!" sabi niya at natawa. 

"Gaga, totoo to! Seryoso ako!" sabi ko at binato ko siya ng Piattos na hindi pa bukas. 

"Mag-focus nalang tayo sa nalalabing 3 months bilang Senior." sabi niya at um-oo nalang ako. Tama, yun nalang ang gagawin ko. Let the time heals. Mag-focus nalang ako sa pag-aaral. I'm not aiming for the honour though, basta may high grades lang ako. Oks na ako. 

Mga bandang 3PM, napagdesisyunan naming umuwi na. Baka kasi ma-traffic kami, tska uuwi pala sila Mama ngayon galing work out of town. Baka magulat sila't may nawawala na. 

As we hit the road, may bigla akong naalala. 

"UY!" bigla kong sabi na ikinagulat naman ni Luigi. 

"Tangina nama nito! Kung gusto mo mamatay, wag kang mandamay ah!" 

"Galit agad! Sorry na!" sabi ko.

"Ano ba yun?" tanong niya. 

"Birthday mo bukas ah! Ano gusto mong regalo?" tanong ko sakniya . 

Tumahimik siya bigla- siguro nagiisip. Sana naman, Lord, wag yung mahal. Utang na loob, wala akong pera pambayad. 

"Ang sagutin mo lang ako, Shane." nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa talaga ako ready sa sinasabi niya. Ni hindi ko nga alam kung ita-try ko, kaso natatakot akong madala lang ako. 

"Luigi," bigla kong sabi, "Napagusapan na natin 'to diba?"

Biglang napatawa si Luigi. "I'm just kidding!" sabi niya.

Pero after nun, hindi na siya nag-salita. May something siguro 'to tuwing birthday niya. Tss~ mas maarte pa sa babae ah? Hay basta, maghahanda ako para sa birthday niya!

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon