PPP26 - One day of Hell

43 2 0
                                    

Pumasok ako ng malapit ng mag-Morning Assembly. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang nagka-ganon. Hah~ magulo, I know.

"Akala ko aabsent ka, Shane." sabi ni Luigi sa akin bago kami umakyat sa aming classroom. Kakatapos lang ng morning assembly.

"Hindi, napa-tulog lang ng mahaba." sabi ko at ngumiti sakaniya. Pwede ba, let's forget what happened yesterday. Nakaka-stress.

Naghiwalay kami ng landas ni Luigi dahil hindi nga kami parehas ng section. Bubuksan ko na sana ang notebook ko ng biglang may umupo sa harapan ko.

Tignan mo nga naman ang tadhana, oo. What the hell. Kaklase ko nga pala si Lance ano? Hays. You can do it, Shane. Si Lance lang yan, si Shane ka. Ang matapang na tao. Yeah, right.

Nagsimula ang klase ng hindi ako nagsasalita o ang taong nasa harapan ko. Which is, tama lang. Wala siyang karapatang kausapin ako, matapos niya akong saktan at lokohin. Mahal niya ako? Sus, anong minahal niya sa akin? Ang pangalan ko? Bullshit.

"Please pass handout backwards." sabi ng teacher namin. At dahil nasa harapan ko si Lance, at naktia ko ang pag-angat ng kanang kamay niya, biglang lumiwanag ang singsing na soot. Sinasadya niya ito, Siguro sa isip-isip niya pinag-tatawanan na niya ako, dahil naloko niya ako at nagpaloko naman ako. Pasensya naman, ang tanga ko kasi na ma-inlove sa manlolokong kagaya ng isang 'to.

"Shane." matigas niyang sabi at natauhan ako. Kinuha ko agad ang handout na kanina pa niyang hawak. Tsk, okay lang. Mas maganda kung nangangalay siya.

Nag-discuss ang teacher about sa binigay niyang handout sa amin. Pinipilit kong makinig pero nangingibabaw parin ang sakit na nararamdaman ko dahil ang masaklap kasi nasa harapan ko si Lance. Okay lang sana kung magkalayo kami ng upuan, wala akong pakealam sakniya, pero ang worst, nasa harapan ko siya.

"Answer the questions at the back and that is due tomorrow." sabi ng teacher. "Class dismiss."

Dahil lunch na ang kasunod, mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase ko at samantalang ako ay nagaayos pa ng gamit gawa nung hindi ko naayos kahapon. Sorry, I was so devastated becuase of this jerk in front of me?

"Shan-"

"HON!!!!"

Hindi ko alam kung bakit, pero thank you Danica, you saved me from Lance, now, I don't have any business here so I'm out.

Minamadali kong suutin ang bag ko para makaalis na, habang ginagawa ko iyon, pumasok si Danica sa loob habang nakangiting nakatitig kay Lance na abala rin sa paglalagay ng gamit sa kaniyang bag.

"Congrats, Lance and Danica." bati nung kaklase ko.

"Thanks, girl." sagot naman ni Danica at nginitian ang kaklase ko. "Come on, Hon. Let's go, I'm so hungry!"

Naaasiwa ako sa nakikita ko kaya tumakbo akong paalis ng classrom. Seriously? Maglandian sa harapan ko? Get a room.

"Shane, kain na." yaya sa akin ni Luigi ng makahanap kami ng pwesto.

"Ayoko," sabi ko at tumitig lang ako sa kawalan.

"Shane naman eh," sabi sa akin ni Luigi at hinakawan ang dalawa kkong psingi para iharap ang mukha ko sakaniya. "Hindi ko kayang kumakain ako habang nakikita kitang lugmok. Akala ko ba stress reliever mo ang pagkain?"

Bigla kong tinulak yung noo niya gamit ang hintuturo ko na dahilan para mapaatras ang ulo niya't nabitawan ang pisngi ko.

"Shut up, Luigi." sabi ko at hinawakan ang braso niya sa kakatawa. "Joke, sige na kakain na."

Kumain kami ng tahimik ni Luigi. Minsan sinisiraan ang isang teacher namin kasi sobrang tanga magturo, sa sobrang katangahan sa pagtuturo, nag-walk out nung isang araw dahil kino-correct siya nung matalino naming batchmate. Ewan ko ba, tska, kasalanan din naman nung teacher na yung, tbh, kamamadali niya, wala na kaming natututunan. Sa isang iglap, may quiz na agad kinabukasan. 

Biglang nagsabi ng joke si Luigi na dahilan para tumawa ako na parang inuubos ko ang lahat ng hangin sa katawan ko. Oo, ganon ka benta sa akin ng joke niya. 

"Bw-bwisit ka, Luigi." sabi ko in between my laughs. "Bigla bigla ka nalang nagbibiro diyan!!"

Natawa rin siya bago siya makapagsalita. "Ganiyan naman ka babaw ang kaligayahan mo diba?" 

Hinampas ko ang braso niya bago ako nakapagsalita. "Gago ka." at tumawa ako.

"Hon, let's date later." nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. 

Bigla ko nalang narinig si Danica tumili, at dahil sa ingay ng cafeteria, kokonti lang ang napatingin sakanila. 

"Hon!" sabi ni Danica, and from my peripheral vision, she's hugging him. "For sure, let's go. I missed our dates!" 

"See you, later, Hon. I need to finish my projects." sabi ni Lance at akmang tatayo, kaso nahuli niya ata akong nakatingin sakanila. Kaya bago siya umalis, hinalikan muna niya si Danica. 

"I love you, Hon!" sabi ni Danica pagkatapos at biglang ngumiti. 

Magsama-sama kayong dalawa. 

"Uy, nakikinig ka ba?" 

"H-ha?" tanong ko at tumingin sakaniya. "Oo."

"Tara na nga, naiinip na ako. Taggal mo kumain." sabi niya at tumayo siya, pero inunahan ko siya ng batok. 

"Siraulo, tapos na ako oh!" 

Lumabas kami ng cafeteria ni Luigi at umupo sa bakanteng bleacher. Kasabayan ng lunch namin ang mga grade school kaya halos pati sa open gym ang ingay din. 

"Shane," tawag sa akin ni Luigi. 

"O?" 

"Pwede magtanong?" seryosong sabi niya at napatingin ako sakniya. 

"Ano yun?" 

"Pwede bang manligaw?" nagulat ako sa narinig. Magsasalita sana ako kaso bigla siyang nagsalita 

"I know, napagusapan na natin 'to, pero i just want to try." sabi niya. "I don't mean to say na mahalin mo agad ako, dahil alam kong si Lance parin."

"Let's just say gusto ko lang maranasan kung ano ang pakiramdam na maging girlfriend ka."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko rin alam kasi ang sasabihin ko sakaniya. I mean, oo, mahal ko pa si Lance, per-

"Luigi," pasimula kong sabi, "Ayokong gamitin ka para kalimutan ko si Lance. Gusto ko kasi kung sasagutin man kita or what, gusto ko yung mahal kita. Ayokong masaktan ka at gawin kang panakip butas." 

"Then, I'll try to act like I don't care about your feelings for Lance. Payagan mo lang akong ligawan ka at after one month, kung siya parin, tatanggapin ko."

One month? May proseso ba ng pagmo-move on ng madali sa loob ng one month?

"Payag ka ba?" tanong niya sa akin. 

Sa isip ko, gusto kong pumayag. Pero sa kabila, ayaw ko. Ayokong gawin si Luigi na panakip butas, he's a great guy, I'm sure someone will like him back na yung siya lang talaga at walang kahati. 

"Sige, but for one month lang and I'll decide." 

And now I want to get it back. 

Plus Pogi Points! {NL #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon