Wizard

6.3K 412 144
                                    

As promised, dedicated to calexxandria. Thank you so much sa suporta!!

Also, I'm terribly sorry for the super delayed update huhu. Kung kelan last chapter and epilogue na :(( Sumobrang busy lang dahil sa binagsak na mga gawain sa univ. Thank you for your understanding and support!

Emjoy reading!!

**

"Pream, you should at least eat." Mahinahong pakiusap ni Iraia sa binata na nakatulala lang sa kama ni Enfys.

"She's right, pareng bro. Dalawang araw ka ng hindi kumakain." Nag-aalalang ani Veton bago inagaw ang pagkain kay Sefarina at lumapit sa kaibigan.

"Leave."

They all stilled. Sa kabila ng marahas nitong pagtanggi ay hindi natinag si Veton at tuluyang umupo sa tabi ni Pream na agad siyang sinamaan ng tingin.

"I said fucking leave!"

Nabitawan ni Iraia ang hawak na baso na mabuti na lang ay nasalo Arrow. Tinanguan niya si Sefarina na hinatak ang dalaga palabas habang nagtitimping hinablot naman ni Damien si Pream na ngayon ay duguan ang kamay nang ibalibag ang tray na bitbit ni Veton.

"Ikaw lang ba ang nawalan?" Mariing singhal ni Damien.

"You can mourn but you can't let yourself sank, Pream. Nabuhay ka ng wala si Enfys at ngayon, ipagpatuloy mo 'yon." Mahinang natawa si Pream na nagsimulang lumuha na naging hagulgol.

Hinayaan niyang umiyak ang kaibigan sa kanyang balikat. He let him weep to lessen the pain and his longingness to the woman he never got to express his feelings.


'You don't have to worry, Amara. I am here.'

Nanginginig ang kamay ni Luna'ng binaba ang tasa ng tsaa'ng kanyang iniinom. She closed her eyes and tried to calm herself.

"Anak, are you okay?" Binigyan niya ng tipid na ngiti ang ama at marahang tumango.

"Pream's still asleep. Hindi na makausap yung bata kaya pinatulog ko na lang." Denrich exclaimed while chewing his food.

Para namang pumalakpak ang tenga ni Luna nang makarinig ng balita mula sa kanyang mga kaibigan. How are they coping up? Is Pream still sane?

"Huh? But he was just talking with his friends a while ago! What did you do?" Tinampal ni Violeta ang pisngi nito na ginawa rin pabalik sa kanya ng huli.

"I'm innocent! Bakit ba kapag may nangyayari, ako agad ang sinisisi?!" Nasasaktan nitong reklamo.

Walang pag-asang napabuga ng hangin ang dalaga. Ano pa bang aasahan niya sa mga matatandang 'to? Walang ginagawa kung hindi ang magbangayan.

"Mukha ka kasing demonyo." Simpleng sagot ni Signia at pasimpleng nilingon si Luna na nasa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip.

"Gag—"

"Stop." Sa malamig na pagpigil ni Esme ay walang nagawang umupo si Denrich at kinurot na lang ang pisngi ni Violeta.

"Amara, honey. Why aren't you eating?" Tanong sa kanya ni Cosmos dahilan para mapunta sa kanya ang tingin ng lahat.

Ilang beses napakurap si Luna bago matapang na sinalubong ang kanilang mga mata. Lumaki mang mag-isa sa mortal realms, hindi siya kailanman naging bastos sa mga nakakatanda.

DovetailWhere stories live. Discover now