Scroll

7.8K 482 133
                                    

Took me weeks to update so please, forgive me. Sa mga hindi pa nakakaalam, my account was hacked and lately ko lang nakuha. Siningit ko lang din 'to sa gitna nang pagr-review ko dahil exam week namin. Anyway, I hope you'll enjoy reading this chapter!

Dedicated to meadowriego Thank you for your patience and time! Enjoy, sweetheart :))

**

Naningkit ang mga mata ni Iraia habang pinapanood ang mag-best friend na magsagutan sa kama kung saan nakahiga si Luna.

"Excuse me?" Luna opened her left eye to peep at her friend's frowning face.

She scoffed. "Nakahiga ako."

Veton tried to calm himself. "Hindi ka ba naaawa sakin, Luna bear?" Paawa ng binata rito. He even pouted his lips and blinked a few times.

"Hindi. Baldado ka na ba?" Masungit na sagot ng dalaga at nag-iba ng pwesto.

Inambahan ni Veton ng sapak ang dalagang nakatalikod mula sa kanya at kunwaring pinagsisipa. Nang humarap ito'y mabilis siyang napatuwid ng tayo at nagpanggap na nage-exercise.

"Anong tingin 'yan?" Tanong ni Luna habang bumabangon pero bigla ring binagsak ang katawan sa kama.

"Tinging balak kang sakmalin." Agad nitong sinamaan ng tingin ang bagong dating at walang pasabing sinakal.

Napailing na lang si Iraia sa nasaksihan at tumayo mula sa kanyang kama para lapitan ang mga tangang kaibigan.

Pream coughed. "Hayop ka." Giit nito habang pilit kumakawala sa kaibigan.

"What's happening here?"

Tumaas ang kilay ni Veton matapos siyang makitang nakatayo sa likuran nila. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Agad na binitawan ni Veton si Pream at hinatak siya paupo sa upuan na nasa tabi ng kama matapos mapansing wala siyang sapin sa paa.

"Sinong may sabing pwede ka ng bumangon?" Matigas nitong tanong sa kanya.

Sabay na napasipol si Luna na nakapikit at Pream na umupo sa gilid ng kama.

"Me?" Takang turo ni Iraia sa sarili na tila naguguluhan sa tinanong ng binata sa kanya.

"Then, you still can't."

Napatanga siya nang agad siya nitong pinangko at binitbit pabalik sa kanyang kama. Naiwan siyang nakatitig sa binata na ngayo'y kinukumutan siya matapos ayusin ang unan nito.

"Are you okay?" Naw-weirdohang tanong niya.

Veton blinked and nodded. "Oo naman."

Hindi na lang siya sumagot at hinayaan na lang ang binata na asikasuhin ang pagkaing kakaabot lang ng deltang nagbabantay sa kanya.

Pinanood niya itong hipan ang kasasandok lang na soup bago itinapat sa kanyang bibig. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa kutsara at sa binata.

"Why are you doing this?" She mumbled.

Umangat naman ang gilid ng labi ni Veton. "Bakit hindi?"

Halos mawalan siya ng hininga sa sinagot nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at hinigop ang soup. 

Ito ba ang epekto ng pagiging kalmado niya noong huli silang nag-usap ng masinsinan?


"Stop shouting. Let's talk outside."

DovetailWhere stories live. Discover now