Happy reading!
Dedicated to mysticqueen10. Thank you for continuously supporting Dovetail! Enjoy!
**
"May we never forget the past, and may we continue to forge a stronger future. Cheers."
Malakas na sigawan ang pumalibot sa buong kastilyo nang tila isang mahikang nagsulputan sa gitna ang ilang kilalang panauhin. Ang mga babae, naka-long-sleeved white dresses, habang ang mga lalaki ay naka-plain white tees at slacks.
At lahat sila, walang sapin sa paa.
Biglang tumahimik ang crowd nang marinig ang malumanay na tunog ng harp. Ang tunog nito ay malambing at nakakapagpagaan ng pakiramdam hanggang sa sumabay ang tunog ng bass drum.
Muling umingay ang mga tao, lalo na nang ilabas na ng mga panauhin ang kanilang mga espada.
Mukhang naging tradisyon na sa buong Crestopia ang sword dancing.
"Is that..." Turo ni Luna sa malaking lalaking nangingibabaw sa gitna.
"Sparta? Yes, honey."
Napasinghap si Luna at manghang pinanood ang warrior na nakasama nilang lumaban sa digmaan. Hapit na hapit ang suot nitong pantaas kaya kitang-kita ang matigas at matipuno nitong katawan.
"He's hot," sabay nilang bulong ni Sefarina at sabay ding napahinga nang malalim.
"He is... bakit ba kasi hindi ko siya kasabay na isinilang sa lugar na 'to," malungkot na dagdag ni Sefarina, tila nanghihinayang.
Ramdam ni Luna ang pakiramdam ng kaibigan. Kung hindi niya siguro nalaman ang edad ni Sparta, mapagkakamalan niyang binata pa rin ito.
"Huy, awa na lang. Higit isang daang taon na ang edad niyan." Sabay nilang nilingon si Veton, na biglang sumingit sa pagitan nila.
Napailing ang magkaibigan at sabay na hinilamos ang palad sa mukha ng binatang panay ang reklamo.
Binalik na lang nila ang atensyon sa mga nagsasayaw.
Ang mga nagsasayaw ay graceful na gumagalaw ayon sa tunog ng harp at drum. Gumawa pa sila ng mga toss at exchange ng espada.
"Damn, that's dope!" Rinig nilang sipol ni Pream.
Natapos ang kanilang pagsayaw matapos sabay-sabay na ituro ang dulo ng kanilang espada sa direksyon ng hari, na siyang unang pumalakpak.
Nagpatuloy ang kasiyahan sa mga sumunod pang nagbigay-aliw hanggang sa hinayaan na sila ng hari na mag-ikot sa palasyo at makihalubilo sa mga tao.
Siyempre, unang pinuntahan ni Luna ay ang mga pagkain. Sa unang kagat, nanlaki agad ang kanyang mata.
Tiningnan niya ang mga kaibigang sumunod sa kanya at nagpa-panic na itinuro ang pagkaing hawak niya habang tumatango dahil puno ang kanyang bibig.
"Girl, ang sarap ng pagkain!" manghang sabi niya matapos malunok ang nginunguya.
"Weh?" Tanong ni Enfys na tinanguan niya. "Wala namang hindi masarap sayo." Dagdag nito na ikinatawa nila.
Napairap siya at hindi na lang sumagot dahil kumuha rin naman ng pagkain si Enfys.
Nagsumiksik naman si Veton para makapunta sa harap ni Luna. Agad itong napapikit-pikit at pinagdikit pa ang dalawang hintuturo.
"Feed me, Luna bear," malambing nitong sabi at ngumanga pa.
Iraia immediately pushed a huge ball of bread inside his mouth, making him choke to death.
YOU ARE READING
Dovetail
Fantasía[Royal Academy's 2nd book] They won and they lived but will they be able to survive the emerging bloodshed? Seconds, minutes, hours, days-- no. 4 months have passed and they're still on the move. The newly formed Pharaohs have been sent to countles...
