More flashbacks ahead haha. Enjoy reading!
Ngayon ko lang nakitang hindi ko pa pala na-publish 'to kaninang madaling araw, sorry hahaha.
Play the multimedia above while reading :)
**
"Happy birthday to you..."
Amara opened her eyes, nagising ang bata dahil sa pagkanta ng kanyang mama at papa.
"Happy birthday to you..."
She giggled as the lights of her room turned on. Nakita niya ang kanyang mga magulang na may hawak hawak na cake na punong puno ng paborito ng prutas, ang ubas.
"Happy 7th birthday, Isla Amara."
"Thank you, papa!" Hinalikan niya ang pisngi ni Ophiluous.
"Thank you, mama!" Niyakap niya ng mahigpit ang ina at madiing hinalikan ang pisngi nito.
"Where's papa's hug? Am I not your favorite anymore?" May tampong saad ni Ophiluous sa anak na bumungisngis at tinalunan siya para mayakap.
Tumawa naman si Ophiluous at bahagya pang umikot habang yakap yakap ang anak. Ginaya niya ito malapit sa ina kung saan hawak pa rin nito ang kanyang cake.
"Blow your candles, honey."
Amara closed her eyes as she wished for their family to stay strong and complete no matter what. Pagdilat ay agad niyang hinipan ang kandila.
"Yehey! Thank you, mama Isla and papa Luous!" Masayang pasasalamat ni Amara at nagtatalon pa sa kanyang kama.
Paupo nitong binagsak ang katawan para tabihan ang kanyang mama at papa na inaagawan na siya sa kanyang mga ubas.
"Say ah, mama."
"Ah." Pagsunod ng kanyang mama at agad niya itong sinubuan ng ubas.
"How about me?" Nguso ni Ophiluous kaya muli siyang kumuha ng ubas at akmang isusubo na 'yon sa ama nang i-diretso niya 'yon sa kanyang bibig.
Ophiluous groaned as he started tickling her.
"You little wicked princess! You already took your mama's second name. You should at least choose papa as your favorite." Pagd-drama ng kanyang papa na ikinatawa nilang mag-ina.
"Alright, I'll give you some bear hugs papa!"
Tumayo si Amara sa kama at binagsak ang katawan kay Ophiluous na nakaupo sa gilid ng kanyang kama.
"I love you, my child." Masuyo niyang sabi sa anak.
"I love you more, papa!" Napangiti siya nang bigyan siya nito ng halik sa noo.
"And I love you the most mama!" Ganon din ang ginawa nito sa ina.
"Fine, I yield." Walang choice na sabi ni Ophiluous kaya mas nagtawanan ang dalawa.
"Girl power?" Ngisi ni Isla sa anak.
"Girl power forever, mama!"
Masaya nilang sinalubong ang birthday ng anak. Nagtawanan sila sa pagtatampo ni Ophiluous, nagpunasan din sila ng cake ni Amara at panay naman ang pangbu-bully ni Isla sa asawa.
They were sleeping peacefully that night when Ophiluous woke up due to some disturbing noises na naririnig niya.
"Mahal?" He motioned Isla, who also woke up, to stay quiet.
Nagtataka man ay kusang gumalaw ang mga kamay nito para yakapin at buhatin ang natutulog na anak.
"Stay in here. Walang kahit sino ang makakalapit sa inyo." Mariin niyang sabi sa asawa.
YOU ARE READING
Dovetail
Fantasy[Royal Academy's 2nd book] They won and they lived but will they be able to survive the emerging bloodshed? Seconds, minutes, hours, days-- no. 4 months have passed and they're still on the move. The newly formed Pharaohs have been sent to countles...