Be mindful na 40 chapters lang ang Dovetail :)
Dedicated to _Luuunnnaaaa, ang reader na lagi kong napapansin hahaha. Thank you for continuously supporting my works! Enjoy reading!
**
Luna rolled as she felt her body fall on the floor, creating a loud thud.
"Fucking fuck," naalimpungatan niyang ani at napahawak sa likod niya.
Nakapikit siyang bumangon bago muling binagsak ang katawan sa kama.
Kama?
Mabilis siyang napabangon na tila nagpa-panic at nilibot ang paningin. Napahinga siya nang maluwag nang makitang nasa loob siya ng kanyang kwarto.
Sinilip niya ang orasan at napaungol sa inis. 7 pa lang ng umaga!
Sa pagkakaalala niya, inabot silang magkakaibigan sa balcony hanggang 4 ng madaling araw. Masaya nilang pinanood ang buwan, at nagkaroon pa ng instant meteor shower kaya mas lalo silang hindi nakatulog.
At dahil hindi na rin naman siya makakatulog dahil nagpaparamdam na ang tiyan niya, naglinis na lang muna siya ng katawan bago tamad na bumaba para hanapin ang mga kaibigan sa kusina.
"Good morning, Luna."
"Morning," bati niya kay Pream, na ngayo'y nagpupunas ng basang buhok, mukhang kaliligo lang ito.
Hinagis niya ang katawan sa sofa bago muling humikab.
Bakit ba kasi kayang-kaya niyang tiisin ang antok, samantalang ang gutom, hindi? Kaya siya nasasabihang patay-gutom nila Sef, eh.
"Where are the others?" inaantok niyang tanong.
"Well, ako ang naka-assign magbantay sa'yo ngayon, kaya exempted ako sa mga gawain."
Inangat ni Luna ang ulo para makita si Pream na nakangising kumakain ng mansanas. Halata mong natutuwa ito dahil nakaligtas siya sa trabaho nilang Pharaohs.
"Magbantay? Sa'kin?" nagtataka niyang tanong at tinuro pa ang sarili.
"Luna, pumayag man ang hari na makalabas ka, you're still under observation. And please, you don't want to feel the wrath of that half-blood, do you?" Hinga nito ng malalim at napailing na lang.
Right.
"Luna."
She stilled and welcomed the man who was casually leaning on the wall. Binigyan niya ito ng alanganing ngiti at mahinang kumaway.
"I'm alive," biro niya rito, na mukhang hindi naman nagustuhan ng binata.
Napairap naman siya at bumangon mula sa pagkakahiga. Gumapang ito papunta sa dulo ng kama bago dumapa roon para makaharap ang binata.
"Nasaan sila?" iba niya sa usapan nang mapansing wala ang kanyang mga kaibigan.
"Are you okay?"
Natigil ang paa niya sa paggalaw bago napakurap ng ilang beses. She wasn't expecting that, pero dahan-dahan pa rin niyang tinango ang ulo niya.
"Do you feel any pain?" tanong nito, na ikinailing naman niya.
Matagal itong tumitig sa kanya, tila kinakabisado ang bawat sulok ng kanyang mukha. Siya naman ay pumalungbaba at ginaya ang ginagawa ng binata.
Sinubukan naman niyang hindi ipahalata na kinikilig siya sa paraan ng pagtitig nito.

YOU ARE READING
Dovetail
Fantasy[Royal Academy's 2nd book] They won and they lived but will they be able to survive the emerging bloodshed? Seconds, minutes, hours, days-- no. 4 months have passed and they're still on the move. The newly formed Pharaohs have been sent to countles...