Past

10.7K 593 255
                                        

This is a bit late since nag-trial kami kanina for our online classes. Hindi ko alam kung gaano ako kadalas makakapag-update once magpasukan but I'll try my best. Siguro mga hanggang pang-12 or 13 pa na chapter ang kakayanin ko.

Also, open ang dedication ng Dovetail. Vote and comment kung bet niyo hehe. Enjoy reading!

**

"Wait, time out." Veton motioned with his hand, signaling them to stop.

"Sinasabi mo bang namatay si Luna bear ng 7 araw at muling nabuhay, Lady Doreena?"

Tumango ang ginang, at lalo silang nagulat. 

Kanina lang ay tinitigan nila si Luna mula sa malayo, pero agad din silang pinaalis ni Doreena. Ni hindi nila nayakap o nakamusta ang kaibigan, pinagtabuyan lang sila palabas.

"Tangina... pwede pala 'yon?" mahinang bulong ni Veton, halos hindi makapaniwala, habang napahawak sa sariling bibig.

"Hindi pa ba halata?" singhal ni Pream, nanlilisik ang mata.

Sumeryoso ang tingin ni Veton, ngunit bago pa ito lumaki, isang malamig na tinig ang pumutol sa kanila.

"You should be thankful your friend made it out alive."

Mabilis silang napadiretso ng upo nang makita si Luous. Papalapit na sila upang batiin siya, ngunit iniangat nito ang kamay upang pigilan sila.

"Your Majesty." Maliliit na ngiti lang ang naibigay nila, dahil ang presensya ng hari ay sapat nang magpabigat ng silid.

"Luna has proven herself beyond measure," aniya, marahan at mabigat ang bawat salita. "She who fell... yet rose again. She who was silenced... yet endures."

Umupo ito sa single-seater sofa, mahinahong dumekwatro, habang ang malamig niyang mga mata ay kumakapit sa bawat isa.

"Has it never crossed your mind," naputol ang sinasabi nito matapos abutin ang kopitang iniabot sa kanya ni Lucas, na nanatili sa kanyang tabi.

 "That Luna's greatest battle is not against others, but against herself?"

Marahan niyang iniikot ang likido sa loob ng baso habang inaalala ang pag-uusap nila ng dalaga noong araw ng kanyang pagbabago.

Lumingon siya sa dalaga, nakaupo sa sulok, yakap ang mga tuhod. 

Simula nang makita nito ang sariling repleksyon kanina, hindi na ito kumilos. Ang buhok nitong mahaba at tuwid ay bumalot sa mukha, halos itago ang mga matang kulay abo na puno ng pangungulila.

"Luna," marahan niyang tawag habang dahan-dahang lumalapit sa dalaga.

Tahimik na nilapitan siya ng hari at dahan-dahang umupo sa harap ng dalaga, tila walang ibang iniisip kundi siya. 

Sa kabila ng malamig na awtoridad nito, may bakas ng kirot sa kanyang titig.

"No one should bear what the fates keep laying upon you," mahina ngunit matalim niyang wika.

"Is... this permanent?" tanong ni Luna, tinutukoy ang bagong anyong iniwan ng pagsabog.

He stared at her newly grown, long, straight hair that covered the side of her face. At first glance, people might think that the explosion was merely a process to enhance one's appearance, like a magical tool designed to make someone more beautiful.

But all of them knew that it was far more than that.

Matapos ang pagsabog, tinanggap na nilang lahat ang kapalaran ng dalaga. However, none of them had expected to see her lying peacefully on the bed, her eyes open yet brimming with tears.

DovetailWhere stories live. Discover now