Chapter 22

197 9 0
                                    

***Lahat kami ay nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Finn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Lahat kami ay nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Finn. "Stop joking! This is a serious matter, Finn." Malamig na tugon ngunit may babalang tunog ni Jackson. Ngunit hindi natinag ang ekspresyon ni Finn sa mukha niya, at dito palang alam na naming seryoso siya.

Saan naman niya ako nakita?

"Probably, she saw her on streets or something right?" Biglang singit ni Roy pero nag buntong hininga lang si Finn.

"I saw her in my dreams."

Napakunot naman lalo ang mukha nila Jackson at Roy dahil sa sinabi ni Finn. "You said that this is the first time you've seen her?" Pagtatanong muli ni Roy.

"This is the first time that I've seen her, personally." Pagdudugtong ni Finn sa sinabi ni Roy.

"You really sound cheesy y'know? This is not the time to flirt, Finn." Malamig na tugon ni Jackson kay Finn, at lalong napabuntong hininga naman si Finn. "Do I look like I'm flirting right now? Jackson?" Seryosong pagtatanong ni Finn kay Jackson.

"Pwede bang malaman namin kung paano mo ako nakita sa panaginip mo?" Pagtatanong ko kay Finn, agad naman siyang napatingin sa akin at napansin kong nawala ang lamig sa kaniyang mga mata. He looked at me softly, "Well, you're my very first girl friend." He softly said with a sad grin.

"Girlfriend?!" Bulalas ng dalawang englishero na kaharap namin. Nakita kong nairita ang ekspresyon ni Finn "Girl friend, babaeng kaibigan." Paglilinaw niya at kumunot na lamang ang noo ng dalawa.

"She is the girl that I always told you all about, remember? Back to our elementary days? I always had this kind of vivid dreams seeing her and playing with her as if she is our dear friend." Pagpapaliwanag ni Finn sa amin, walang bahid ng kasinungalingan ang boses at ekspresyon niya.

"When I was dreaming it seems like those are my alter memories that I never had." Huling sabi ni Finn bago manaig sa amin ang kapayapaan.

"Your statement is half convincing, you're our friend and I must say that I am shocked. However, I do not still trust this girl." Malamig na tugon sa akin ni Jackson kasama na ang matulis niyang tingin sa akin.

"Ano bang ginawa ko sa'yo?" Pagtatanong ko kay Jackson. Hindi ko alam kung bakit ganito niya ako tratuhin.

"Well, our Mint here has a huge trust issue because of--"

"Ang ingay mo." Pinutol ni Jackson si Roy at napahanga ako dahil ito ata ang kauna unahan niyang pagtatagalog sa harap ko.

Roy scoffed "All in all Jackson, you lost. All of us here are not against her for being my maid excluding you. You can pack your trust issues now and get the hell out of my house." Pag uutos ni Roy, na may halong matinding awtoridad sa tono ng boses niya.

Pumalatak nalang ang dila ni Jackson at tumawa nalang si Finn. "If Damien was here! I'm sure that none of you will speak like this." Sabi niya na may halong kasiyahan sa tono ng pagsasalita.

"He's always busy, but I don't mind. We're not kids anymore." Ngayon ko lang narinig si Roy na bumaba ang tono ng pagsasalita niya. Maraming lumipas na panahon at matatanda na kami ngayon, nakakamiss lang balikan ang mga alaala noong mga bata pa kami.

Kahit hindi nila ako kasama.

Medyo nanaig ang katahimikan muli sa amin at walang nagsasalita sa aming apat. Nagulat na lamang kami nang biglang tumayo si Finn mula sa kinauupan niya, "Well I should get going now, sasabay ka ba? Jackson?" Pagtatanong ni Finn kay Jackson.

"No, I need to pack my things. I stayed here for one day to look after him. I'll probably get going later." Maamong tugon ni Jackson sa kaniya at nginitian na lamang siya ni Finn saka na nagpaalam kila Roy at Jackson. Hindi naman ako inutusan ni Roy pero hinatid ko pa rin si Finn hanggang sa gate nila.

"Maraming salamat, Finn." Sabi ko sa kaniya habang nakayuko. Hindi pa rin nagbabago ang ugali niya, ang bait at ang sarap niyang kausap. Tila ba parang may parang may pinagsamahan na kami sa mundong 'to.

"About the bracelet uhh--"

"Ivana Javier."

"Yeah, Vana."

Nang sinabi niya iyon tila ba parang sumaya ang kalooban ko. Ang tagal na nung huli kong narinig na tinawag niya ako sa palayaw ko.

"So, about the bracelet. I remember having one and it looks identically like yours. I did not know we share the same interest." Sabi niya sa akin at nginitian ako ng matamis.

"Bakit ka nagsinungaling sa kanila?" Pagtatanong ko sa kaniya, ngunit hindi naman nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at bumuntong hininga lang siya.

Naramdaman kong hiniwakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko "I am also confused, you know? Mahirap maniwala sa isang bagay na ang nararamdaman mo lang ang nagdidikta. Hindi ko alam bakit meron ka rin na bracelet na katulad ko, pinasadya ko ang bracelet na 'to sa kaibigan ng father ko. That's why I am hella confused, Vana." He softly said and chuckled.

"So, take care?" Ayan ang huling sinabi niya saka na siya tuluyang tumalikod sa akim at pumunta sa sasakyan niya. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na parehas pala kami ng bracelet ni Finn, at pinasadya niya pa talaga ito. Ibig sabihin ang bracelet na hawak ko, sa reyalidad na 'to ay iisa lamang sa mundo namin.

Ibigsabihin sa kabilang reyalidad pinasadya niya pa ito para ibigay sa akin sa valentines day?

Napahawak tuloy ako lalo sa bracelet na ibinigay sa akin ni Finn. Hindi ko alam pero, mas lalo ko itong papahalagahan at lagi kong isusuot kung saan man.

Nang makabalik ako sa loob ng bahay ni Roy, wala na ang dalawa sa salas. Napabuntong hininga nalang ako dahil nakakalat lang ang pinagkainan ni Roy dito, pati ang iba pa niyang mga gamit.

Maayos kong nilinis ang mga pinggan dito sa salas at saka ko hinugasan. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasambahay na ako ng tinuturing kong kaibigan, si Roy. Nasaan na ba 'yung lalaking 'yon?

Napatigil ako mag urong nang nakita ko si Jackson na bumababa sa hagdanan habang dala-dala ang kaniyang mga gamit. "Tell to that demon, that I'll get going now." Malamig niyang pagpapaalam sa akin. "Mag-iingat ka." Sabi ko sa kaniya pero malamig lang na balikat ang nakita ko saka na siya lumabas ng bahay. Ano pa nga ba ang inaasahan ko?

Sana maayos na umaga ang sumalubong sa akin bukas, dahil panibagong buhay na naman ang kahaharapin ko.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon