Chapter 9

269 15 1
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"Ivana! I'm sorry! Please wake up! Please!"

"I can't afford to lose my bestfriend! Please wake up,"

Hindi ko magalaw ang katawan ko, wala akong maramdaman na kung ano. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghikbi at pagmamakaawa ni Adrien sa tabi ko. Hindi ko mawari kung anong nangyari sa akin, hindi ko maintindihan bakit umiiyak ang lalaking minahal ko ng sampung taon.

Patay na ba ako?

Mamamatay palang ata.

Bakit hindi ako nanlulungkot? Bakit tanggap kong mamamatay na ako? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, I feel empty and melancholic.

Bakit nandito ako in the first place? Hindi ko maintindihan, why am I conscious but unable to move my body?

"Ivana!"

"Ivana!"

"Ivana Javier!"

Napadilat ako bigla at natagpuan ko ang sarili ko sa ilalim ng puno at nakahiga sa damuhan. Napansin kong basa ang ilalim ng mga mata ko, umiiyak ako? Dahil ba sa panaginip ko? Panaginip nga ba?

Suminghap ako ng sariwang hangin, at nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Finn na ngayon ay tinitingnan ako pababa. Ngayon ko lang naalala na summer break na pala namin at laging pumupunta rito ang The Alphas kasama si Zaffina para maglaro sa amin.

Matapos ang pagkain at sama sama namin 'nung nag tusok-tusok kami, hindi ko napapansin na lagi na pala kaming nag-uusap at nagsasama sama. Akala ko hindi nila ako papansinin matapos 'non pero binatukan lang ako ni Finn nang sinabi ko sa kaniya ang naiisip ko.

"Bakit hindi ka namin papansinin? That would be the most stupid action that I've ever heard! Haha! We're all equal Ivana, don't look down on yourself too much have some confidence!"

Ayan ang naalala kong mga sinabi sa akin ni Finn nang binatukan niya ako sa ulo. Masaya ako sa sinabi niya, kaya hindi ko inaasahan na magiging kaibigan ko silang apat.

"Were you crying?" Pagtatanong sa akin ni Finn na halatang nag-aalala na sa akin ngayon. Umupo naman ako mula sa pagkakahiga at sumandal sa malaking puno na 'to. Pinunasan ko naman ang mga mata ko dahil sa mga luhang lumabas.

"Nanaginip lang ng masama," sagot ko kay Finn at nginitian siya para mabawasan ang pag-aalala niya. Minsan naiisip ko na parang hindi sila ang tunay na depinisyon ng tao. Sa nakaraang buhay ko, wala pa akong nakikilalang tao na sobrang mag-alala sa akin. Kakaiba sa pakiramdam pero at the same time, masaya at mainit. Parang nasa bagong lugar ako na hindi ko pa naeexplore.

"Bad dreams sucks huh?" Pagtatanong ni Finn sa akin at tumango ako sa sinabi niya. Yeah, lalo na kapag ang dati mong buhay ang bangungot mo.

Tumayo na ako nang inaya kami ni mama na kumain ng mais con yelo na ginawa niya, natuwa naman ako sa mga reaksyon nila Roy dahil parang nagniningning ang mga mata nila 'nung unang subo palang nila sa mais con yelo.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon