Chapter 24

210 9 0
                                    

***Sumalubong sa akin ang mukha nila mama at papa na puno ng kagalakan at pag-aalala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Sumalubong sa akin ang mukha nila mama at papa na puno ng kagalakan at pag-aalala. Agad nila akong niyakap, dalawang taon na rin ang nakalipas at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala nila sa akin. Ang sarap sa pakiramdam ng init ng yakap nila sa akin. Ito ang hindi ko kayang maramdaman sa tunay kong mundo.

"Hindi ko akalain na magigising ka, anak. Sobrang napakasaya namin talaga." Saad ni mama at hinalikan ako sa noo at muling niyakap. Napansin ko rin na umiiyak na siya habang nakayakap sa akin.

"Muntik na kami mawalan ng pag-asa ng mama mo, lalo na hindi namin kaya ang mga gastusin dito sa ospital. Isang hulog ng langit ang mga kaibigan mo, anak." Sabi ni papa sa akin at ngumiti siya sa akin, napansin ko rin ang namumuong luha sa mga mata ni papa.

"Ano po ang ibig niyong sabihin, papa?" Pagtatanong ko sa kaniya, kung hindi nila kinaya ang hospital bills sino ang nagbayad sa akin sa dalawang taon?

"Ang pamilya ni Roy ang nagbayad lahat ng gastusin dito." Wika naman ni mama na dahilan upang labis akong magulat. Bakit naman gagawin ni Roy iyon? Bakit niya sinalo lahat? Nahihiya tuloy akong harapin ngayon si Roy dahil sa nalaman ko. Ang laki ng utang na loob ko sa kaniya.

"Mamaya maya ay pupunta sila rito magkakaibigan para dalawin ka, nakakatuwa nga dahil hindi sila pumapalyang dalawin ka lagi rito sa ospital sa loob ng dalawang taon kahit na marami silang ginagawa dahil mga highschool na sila." Saad ni mama sa akin at hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila. Labis na kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon at excited na akong makita silang lahat at pasalamatan sila. Ngunit nakaramdam din ako ng pagka-guilty dahil alam kong maraming ginastos ang mga kaibigan ko sakin lalo na si Roy.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila na hindi talaga ako para rito sa mundong ito. Pakiramdam ko kailangan ko sabihin sa kanilang lahat ito, pero nangangamba ako na baka hindi nila ako paniwalaan katulad na lamang ni Adrien. Nararamdaman ko rin na parang kakaunting oras lang ang itatagal ko rito sa reyalidad nila.

Nagpaalam na si papa dahil kailangan na raw niyang magtrabaho, si maam naman ay tinititigan ko lang habang nag babalat ng mansanas sa tabi ko. Sinusubukan kong tandaan lahat ng detalye sa mukha ng aking ina, para kapag bumalik ako hindi ko malilimutan ang mukha niya. Ilang taon din ang lumipas ng huling kita ko sa aking tunay na ina. Sa loob ng sampung taon na iyon hindi ko na matandaan ang mukha niya.

Sumapit ang hapon nakarinig kami ng katok ni mama sa pintuan sa labas ng kwarto ko. Agad naman itong pinagbuksan ni mama at bumungad sa akin ang mukhang paiyak ni Zaffina. Wala pa siya sa tabi ko pero lumuluha na siya, nang makalapit na siya sa akin niyakap niya ako nang mahigpit. "Sobrang namiss kita, Vana." Ayan lamang ang nasabi niya at tumagal ng ilang segundo ang pag yakap niya sa akin saka siya umupo sa higaan ko.

Agad na rin pumasok sila Roy na may dalang pagkain mula sa Mcdonald's sumunod na rin sila Finn at Damien na may matamis na ngiti sa mukha nila, at ang huling pumasok sa kwarto ay si Jackson at tila parang umaliwalas ang mukha niya nang nagtama ang mga mata namin. Nakaramdam ako ng kabog sa dibdib nang makita ko ang presensya niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nakikita ko si Jackson? Kahit sa reyalidad ko kapag kaharap ko siya ay hindi ko maiwasang hindi kabahan at makaramdam ng kabog sa dibdib. Hindi ko naman pwedeng taglayin ang nararamdaman kong 'to, dahil pakiramdam ko ay sobrang mali.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon