Chapter 10

255 12 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Lumipas ang ilang linggo sikat na naman ang The Alphas kasama si Zaffina sa buong klase, hindi na bago sa akin 'yon baka hindi nga lang sa elementarya sila sikat. Basta ako mapayapa lang na sumasama sa grupo nila, basta kaibigan ko sila at masaya kami ayos na ako roon.

Kaso sa mga dumaang linggo na 'to, bihira nalang kami magkulitan ni Roy. Minsan hindi rin siya makatingin sa mga mata ko kapag nagkukwentuhan kami, madalas siyang lumilihis ng tingin. Sa tingin ko dahil sa nakaraang niyakap niya ako kaya nag kakaganito siya. Nahihiya pa rin siya sa akin. Para sa akin naman wala na 'yon dahil wala namang malisya 'yon. Magkaibigan lang naman kami eh,

Nang napansin kong umalis si Roy nang nag uusap usap kami agad ko siyang sinundan para kausapin, tinatawag ko siya sa hallway pero hindi niya ako nililingon. Bakit ba laging masungit ang lalaking 'to? Kaya wala na akong nagawa at hinawakan ko siya sa kamay para pigilan siya. Sa gulat niya nakita kong napatigil siya at naging stiff ang katawan niya.

"Roy? Bakit parang umiiwas ka?" Pagtatanong ko sa kaniya hawak ko pa rin ang kamay niya, baka kasi bigla siyang tumakbo. Hindi pa rin niya ako nililingon pero nakita kong namumula ulit ang tenga niya.

Hindi niya pa rin ako hinaharap, "Hindi ako umiiwas! Pupunta akong comfort room, kaya pwede ba bitawan mo ang kamay ko?" Hindi naman pabalang ang tono nang pagkakabigkas niya, para siyang kabado. Feeling ko tuloy natatae siya, kaya agad kong binitawan ang kamay niya.

"Sige, tae well."

Saka na siya humarap sa akin na nakakunot ang noo, parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Bakit? Mukha naman talaga siyang natatae dahil nagmamadali raw siya papuntang comfort room?

"Idiot, Ivana." Saad niya at saka na siya umalis sa harapan ko, dati natatakot akong kausapin si Dashiell dahil parang lagi siyang galit. Pero ngayon normal na lang sa akin na ganito siya mag salita.

Lumipas ang oras, bumalik na rin kami sa aming klase. Mag a-announce kasi ngayon ang adviser namin tungkol sa darating na field trip sa susunod na buwan. Naeexcite na ako, dahil sa Baguio City kami pupunta. Hindi pa kasi ako nakakapag field trip mula pagkabata, dahil sa public school lang ako palaging in-enroll.

"Sasama ka, Ivana?" Pagtatanong sa akin ni Zaffina habang nagniningning ang mga mata.

I chuckled, "Oo, ikaw ba?"

Ngumiti siya sa akin "Oo, dahil sasama ka! Kapag hindi ka sumama hindi rin ako sasama kahit sumama pa ang The Alphas." Napangiti naman ako sa sagot ni Zaffina, pero minsan naiisip ko rin na parang masyado na siyang dumedepende sa akin.

Nang matapos na inannounce ng adviser namin ang mga dapat dalhin at gawin sa field trip agad namang pumunta sa amin sila Finn. Natuwa naman ako dahil sasama rin sila, paniguradong magiging masaya ang field trip namin.

***

"Ma, sige na kami nalang nila Zaffina at kuya niya sumama sa field trip! Mapapagod ka lang doon!" Pagmamakaawa ko kay mama na payagan nalang niya akong mag isa sa field trip. Pang sampung pagmamakaawa ko na 'to sa kaniya pero iba talaga ang tigas ng loob ng isang Pilipinang nanay.

Kaya ko naman na kasi mag isa at kahit bumalik ako sa pag kabata hindi ako sumasama sa mga estranghero kapag nawawala ako. Pero hindi talaga maintindihan ni mama.

Nang magmamakaawa ulit ako kay mama, biglang may kumatok sa pinto namin. Hindi na tuloy ako nakapagmakaawa dahil pinuntahan ni mama kung sino 'yon. Hindi na ako nagulat kung sino ang kumatok dahil si Zaffina lang naman iyon.

"Oh? Zaffina? Napabisita ka?" Pagtatanong ni mama, agad kong sinilip si Zaffina at nagkatagpo kami ng tingin. Hindi ko alam kung gagana 'tong iniisip ko pero sana gumana.

Bigla kong kinindatan si Zaffina at napataas naman siya ng kilay, "Ma! Sige na! Payagan mo na ako na kami nalang ni Zaffina at kuya niya sa field trip!" Pagmamakaawa kong muli kay mama. Sana nagets ni Zaffina, impossibleng hindi. Malakas naman ang power of friendship namin hindi ba?

"Nako Ivana pang ilang sabi--"

"Tita!"

Nagulat at napahinto si mama nang biglang sumingit si Zaffina sa sasabihin ni mama, balik panaog ang tingin ni Zaffina sa akin at kay mama. Paniguradong nagets niya ang ibig kong sabihin kanina.

"O-oh Zaffina? Bakit?"

Tumingin ulit sa akin si Zaffina, "Nandito po ako para ipaalam sa inyo si Ivana sa darating po namin na field trip. Sasamahan po kami ng kapatid ko na si Zayne," pagpapaalam ni Zaffina kay mama. Hay, Zaff sinubukan ko na 'yan wala pa rin talaga.

Nahalata ata ni Zaffina na nanlungkot ang ekspresyon ng mukha ko, kaya bago pa ulit magsalita si mama nagsalitang muli si Zaffina. "Lagi po namin kayong i-tetext para po sa update tungkol kay Ivana! Ito po number ng kapatid ko." Oo nga no? Bakit hindi ko naisip ang palusot na 'to?

Napatigil si mama at mukhang nag-iisip pa ata kung papayag siya o hindi, ang tagal naman ang simple lang ng salitang "sige pakabait kayo, ha?"

Napansin kong pinapawisan si Zaffina sa bandang noo niya, halatang halata na kinakabahan 'tong babaeng 'to.

"Tagal mo naman mag isip ma?"

"Papayagan ko na sana kayo kaso nag bago isip ko 'nung sinabi mo 'yan." Sabi ni mama at nahulog naman ang panga ni Zaffina. Teka diba dapat ako?

Pero nagulat kami nang biglang tumawa si mama, sa buong buhay ko ngayon ko lang narinig na tumawa si mama. Bago siya mamatay ni hindi ko manlang nasilayan na ngumiti o tumawa siya. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang nanay mo na masaya, iba ang saya.

"Sige na, oo na. Basta lagi niyo akong itetext okay? Ikaw Ivana, huwag kang lalayo kay Zaffina at sa kuya niya. Huwag--"

"Huwag kang sumama sa mga taong hindi mo kilala, kahit  alukin pa nila ako ng pagkain o sabihing kilala nila si mama at papa ko." Pagpapatuloy ko sa sinabi ni mama at nginitian naman niya ako. Sumulyap ako kay Zaffina at nag thumbs-up sa kaniya, ngumiti siya sa akin na para bang may nagawa siyang napakalaking bagay sa akin.

***

*Zayne*

"Zayne! 'Yung cellphone mo kanina pa tumutunog!" Hiro shouted from the classroom across the hallway. I scratched the back of my head, aggravately. Wala na bang ilalakas ang boses nitong si Hiro? Minsan naiisip ko kung bakit kaibigan ko 'to. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante rito.

"Zayne! 'Yung--"

"Alam ko, ingay mo tanga." Saad ko sa kaniya nang pumasok na ako sa classroom para kunin ang phone ko kay Hiro. Mahilig kasi si Hiro sa larong candy crush saga kaya lagi niyang hinihiram ang phone ko. Nag demand pa nga na sa susunod pet rescue saga naman daw ang i-download ko.

Nang binuksan ko na ang message notification ng phone ko, galing ito sa isang unknown number. Sa pagkakaalam ko wala naman akong pinagbigyan na kung sino sa number ko? Sino naman kaya 'to?

Napakunot naman ang noo ko nang mabasa ko ang text message mula kay unknown number.

"Helo zayne... Pki ingtn mu anak ku ha? Txt mu q lgi pra sa update mu. God bless..."

"May anak kana pre?"

Halos mabitawan ko ang phone ko nang biglang nagsalita si Hiro sa gilid ko, muntik ko na siyang hambalusin pero nakatakbo agad siya mula sa akin. Buti hindi nahulog sa sahig ang phone ko, mahirap ng bumili ng bago.

Teka? Sino bang magulang 'tong nag text sa akin?! Wala pa akong anak!

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon