Chapter 7

297 17 0
                                    

***Lumipas ang ilang buwan hindi ko naramdaman na malapit na palang mag final examination

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Lumipas ang ilang buwan hindi ko naramdaman na malapit na palang mag final examination. Nanlungkot ako dahil malungkot si Zaffina sa nalaman niya na hindi siya pwedeng maging valedictorian ngayon dahil transferee siya, ganoon na rin si Dashiell. Kaya ang susunod ulit na magiging valedictorian ay si Damien.

Nang makita ko si Zaffina na nakaupo sa upuan niya, hinagod ko ang likod niya paniguradong malungkot siya ngayon. "Okay lang--"

"Argh! Sa junior high talaga babawi ako! Ako ang magiging valedictorian!" Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Zaffina, napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Masaya akong hindi nawalan ng pag-asa si Zaffina dahil sa sistema ng paaralan na 'to.

"Nangarap ka na naman, hindi mo 'yon magagawa hangga't nandito ako." Nagulat kaming lahat nang biglang nagsalita si Roy. Kahit ganito ang ugali ni Roy alam kong sa loob loob niya malungkot din siya. Minsan nagtataka ako kung bakit kailangan niya pang mag top 1 kung napakayaman naman ng angkan niya.

"Bakit?"

Nagulat ako nang bigla akong kinausap ni Roy, hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, pakiramdam ko ang init ng mukha ko.

"Crush mo 'ko?"

Bigla akong naubo sa tanong niya, ganoon na rin ang mga kaklase ko. Natawa naman si Finn sa tanong ni Roy, si Damien at Jackson naman nakatitig lang kay Roy. Si Zaffina ang sama ng tingin kayRoy.

"Hindi ah!" Mabilis kong bulalas sa kaniya, teka bakit ba ako kinakabahan sa batang 'to? Anak lang naman ng isa sa mga mayayaman sa Pilipinas 'to. Oo nga Ivana bakit ka kakabahan?

"Okay," malamig na sabi ni Roy at umalis nalang sa room namin. Sinundan naman siya nila Jackson sa labas, baka kakain lang ang mga 'yun?

Nagulat ako nang may biglang may humugot sa sleeves ng uniporme ko, si Zaffina pala 'to. "Bakit?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Crush mo ba si Roy panget?" Pagtatanong sa akin ni Zaffina, teka alam ko na ang ganitong mga tanungan ah. Crush kaya ni Zaffina si Roy? Hindi na nakakapagtaka 'yon dahil matalino at gwapo si Roy. Siguro dahil sa madalas nilang pag babangayan sa room, nadevelop silang dalawa. Teka? Ang bata pa namin ah!

"Ha? Hindi ah! Bakit mo naman naisip 'yon?" Mabilis ko itong itinanggi, sa totoo wala naman akong kahit sinong hinahangaan ngayon. Naisip kong baka gusto talaga ni Zaffina si Roy, ayoko rin pumagitna sa kanilang dalawa.

Nagulat ako sa naging ekspresyon sa mukha ni Zaffina, parang gumaan ang pakiramdam niya nung nalaman niyang hindi ko gusto si Roy. Dito palang alam kong crush na niya si Roy.

May sasabihin pa sana si Zaffina nang bigla kong hinawakan ang dalawa niyang balikat. "Okay lang 'yan Zaffina, support kita." Masaya kong saad sa kaniya, nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya.

Ngumiti siya sa akin at niyakap niya akong bigla, "Salamat, Samantha! Wala pa akong sinasabi pero naiintindihan mo na agad ako. Magkaibigan talaga tayo," saad niya habang nakayakap sa akin. Niyakap ko nalang din siya pabalik.

Lumipas ang maghapon, binati kami ng adviser namin dahil sa kagalingan ng mga bagong estudyante sa room. Nagulat kaming lahat na hindi lang pala sa buong klase nag top 1 si Zaffina, kung hindi sa buong elementary. Malakas akong pumalakpak sa sinabi ng adviser namin, masayang masaya ako para sa kaibigan ko.

Ang bilis ng oras, lumipas ang bagong taon at ngayon ay buwan na ng pebrero. Nag bagong taon kami kasama ang pamilya ni Zaffina, bumisita rin si Finn sa bahay namin para mag bigay ng regalo. Akala nga ni papa manliligaw ko raw, agad ko namang nilinaw kay papa ang pangyayari.

Kaunti nalang ay hahakbang na kami sa pagiging Grade 6, sinabi ko kay Zaffina na dito lang ako sa school na 'to. Natuwa naman siya dahil dito lang din daw siya hangga't nandito ako, pero nanlungkot kaming parehas dahil baka hindi kami maging mag kaklase ulit. Matalino si Zaffina, baka sa first section siya mapunta kasama ang The Alphas, at ako hindi ko alam kung saang section ako.

Malungkot na umuwi si Zaffina, at gayon din ako. Papunta na sana ako ng service van nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Agad akong napatalikod kung sino 'yon. Bumungad sa akin ang lalaking kulay pula ang buhok, walang iba kung hindi si Damien. Ngumiti siya sa akin, "Bakit parang namomoblema ka?" Pagtatanong niya.

Napakunot naman ang noo ko, minsan lang kami mag usap ni Damien at hindi kami masyadong close. Halatang halata ba sa mukha ko na mukha akong namomoblema?

"Ha? Ayos lang naman ako, Haha!" Sagot ko kay Damien, sinubukan kong tumawa para hindi halatang nanlulungkot ako. Nagulat ako nang bigla niyang ginulo ang buhok ko, magkaibigan talaga sila ni Finn ang hilig mang gulo ng buhok.

"See you next school year, classmate." Sambit niya saka na siya tumalikod at nag lakad papalayo. Naguluhan naman ako sa mga sinabi ni Damien. Classmate? Alam ba niyang hindi na nila ako magiging kaklase?

Nang sumakay na ako sa service van namin, nagulat ako wala pa si Jackson. First time ata 'tong ako ang nauna sa amin dalawa. Pero akala ko lang pala, nagulat ako nang makita ko ang bag niya sa upuan sa gilid ng salamin ng sasakyan. Saan naman siya pumunta?

Nang pag upo ko sa likuran ng upuan ni Jackson, napansin kong may nakatayong dalawang estudyante sa labas ng van. Si Jackson pala 'to at ang kaharap niya ay 'yung babaeng palagi niyang katabi sa van. Nag aaway ba sila? Parang ang intense kasi ng hangin sa paligid nila.

Hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap nila.

"You always ignore me, Jackson! Kahit itong regalo ko lang sa darating na valentine's day tanggapin mo sana!" Saad ng babaeng kaharap ni Jackson, nakita kong may gusto siyang ibigay kay Jackson. Isa itong paper bag, pero hindi ito tinatanggap ni Jackson. Bakit naman?

"I don't want to," malamig na sagot ni Jackson, nahulog naman ang panga ko sa sagot niya. Nakaramdam ako ng awa sa babaeng kaharap niya ngayon.

"P-pero pinag hirapan ko 'to para lang sa'yo." Halos maiyak iyak na ang babae na kaharap ni Jackson, nakita ko rin na nagpupunas ma siya ng mata. Ako ang nasasaktan sa kalagayan ng babaeng 'to, parang nakikita ko dati ang sarili ko sa kaniya. Pinagpipilitan ko dati ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto.

Hindi ko namalayan na lumabas ako bigla ng van at pinuntahan ang dalawa, nakita ko ang gulat sa mga mata nila nang nakita nila ako. "Ako nalang tatanggap ng regalo mo!" Hindi ko sinasadyang mapasigaw ako sa kanila. Dumaan ang ilang segundong katahimikan doon ko lang narealize ang ginawa ko.

Naramdaman kong namumula na akong nang todo, pero hindi ko babawiin ang sinabi ko sa babaeng kaharap ni Jackson. Mukhang hindi naman talaga siya masungit, may gusto lang talaga siya kay Jackson.

"C-crush mo ba ako?!" Matining na bulalas ng babaeng 'to. Bakit parang pamilyar ang mga katagang 'yan? Nahulog ang panga ko sa pagtatanong niya.

Napatingin naman ako kay Jackson na ngayon ay nakatakip ng bibig, bigla niyang nilihis ang mata niya sa akin. Kasalanan mo 'to Jackson! Nananakit ka ng babae!

"Hindi, pero--"

"Ayoko! Kay Jackson lang 'to!" Bigla akong pinutol sa pagsasalita ng babaeng 'to. Tumakbo siya papuntang service van namin, at habang tumatakbo siya nilingon niya si Jackson. "Hindi ako susuko hangga't hindi mo 'to tinatanggap hanggang valentines!" Sigaw niya at pumasok na sa service van.

Naiwan kami ni Jackson na nakatayo rito sa labas, walang nagsasalita ni isa sa amin. Lalo akong nakaramdam ng hiya sa kaniya. Dahil wala naman kaming sasabihin sa isa't isa nauna na rin akong pumasok sa van.

Nang umuwi ako sa bahay, lalo akong nahihiya kapag naalala ko ang mga pinag gagagawa ko kanina. Hindi naman ako nagsisisi, sadyang naawa talaga ako sa babaeng 'yon at maganda naman ang intensyon ko 'di ba?

Buti hindi kami nag-uusap lagi ni Jackson. Kung hindi, hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko sa kaniya.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon