Chapter 2

612 17 0
                                    

***"Ivana! Gumising kana! Nakahanda na ang agahan mo papasok ka pa sa school!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
"Ivana! Gumising kana! Nakahanda na ang agahan mo papasok ka pa sa school!"

"Ivana! Gumising kana kako!"

"Ivana!"

Agad akong napadilat at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa kama. Nasaan ako? Bakit nasa kwarto ako?

Agad na akong napatayo dahil may tumatawag sa pangalan ko, napaka pamilyar na boses ang tumatawag sa pangalan ko. Parang si mama ang tumatawag sa akin, pero hindi naman pwedeng mangyari 'yon dahil matagal nang wala ang nanay ko.

Nananaginip ba ako? Bakit nandito ako? Hindi ko maintindihan, klarong klaro ang nangyari sa akin kagabi. Malinaw sa akin na kinuha ko ang sarili kong buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay.

Pero bakit buhay pa ako?

Agad akong napatingin sa salamin na nasa gilid ko, hindi ako makapaniwala ngayon sa nakikita ko. Kaya pala maliit lang ang mga kamay ko, kaya pala ang liit ko, kaya pala ang gaan ng katawan ko.

Bumalik ako sa pagkabata, hindi ko alam kung anong nangyayari. Sumasakit ang ulo ko bigla dahil gulong gulo ako. Bakit bumalik ako sa dati? Anong nangyayari? Panaginip lang ba lahat?

Agad na pumasok si mama sa kwarto ko at natagpuan niya akong nakaupo at hawak ang aking ulo, kaya agad niya akong pinuntahan. "Anong nangyayari 'nak? Masakit ba ulo mo? Kaya mo ba pumasok ng school?" Pagtatanong sa akin ni mama.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na bumagsak mula sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala na buhay na buhay si mama ngayon na kaharap ko. Kung alam lang ni mama ang mga nangyari sa buhay ko nung nawala siya.

I felt so lonely without mom.

Agad kong niyakap si mama at lalo akong humagulgol, niyakap naman ako pabalik ni mama at hinagod ang likod ko. "Nightmares are really scary huh? Ivana." Bigkas ni mama at lalo akong umiyak nang umiyak.

Kung panaginip man ito, sana hindi nalang ako magising. Sana ito na ang reyalidad ko.

"Stop crying na, anak. Kumain kana sa kusina at pinaghanda kita ng paborito mong champorado." Matamis na saad ni mama at tumango agad ako habang pinupunasan ang aking mga mata. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin si papa na kumakain din ng champorado.

Ang tagal ko nang hindi nakikita ang mga magulang ko, sa sobrang tagal nalimutan ko na halos ang mga mukha nila. Hindi ako makapaniwala na nandito ngayon ang tatay ko sa harapan ko, kumakain ng mapayapa.

Ang pagkakaalam ko iniwan na kami ng tatay ko dahil may bago na siyang pamilya, isa 'yon sa mga dahilan kung bakit binawian ng buhay ang nanay ko. Gusto kong magalit ngayon sa tatay ko na kaharap ko, gusto ko siyang sigawan at umiyak sa harapan niya.

Pero ngumiti siya ng matamis sa akin "Oh! Gising na ang prinsesa namin! Tara na anak kumain na tayo ng paborito natin!" Pag aaya sa akin ni papa, nanlambot bigla ang puso ko. Naiiyak na naman ako, bakit nangyayari ito? Hindi ko maintindihan.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon