Chapter 4

382 16 1
                                    

***Nang mag uuwian na, nagpaalam na si Zaffina agad sa akin na mauuna na siyang umuwi dahil lilipat pa sila ng bahay ngayong araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Nang mag uuwian na, nagpaalam na si Zaffina agad sa akin na mauuna na siyang umuwi dahil lilipat pa sila ng bahay ngayong araw. Tumango na lamang ako at pumunta na sa labas ng campus para puntahan ang service namin na van.

As I expected, ako palang ang nauuna sa van wala naman na akong ibang pupuntahan kaya umupo nalang ako sa loob ng sasakyan. Lumipas ang ilang minuto, nanaig ang katahimikan. Wala akong magawa, wala naman akong phone o kahit ano.

Halos mapatalon ako sa upuan ko nang biglang bumukas ang pinto ng van, nagkasalubong kami ng tingin nung pumasok sa van. Si Jackson pala ito, napatigil siya saglit at saka na siya pumasok sa loob.

Nagtataka ako dahil sa dinarami rami ng pwedeng upuan, umupo siya sa tabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero nung umupo siya, nakaramdam ako ng lamig sa paligid. Totoo talagang nagbibigay siya ng cool effect sa paligid niya. Naamoy ko rin ang pabangong gamit niya, ang refreshening sa pakiramdam.

Naisip ko na nasa gilid pala ako ng bintana ng van, kaya siguro siya tumabi sa akin dahil gusto niya sa tabi ng bintana. Pero wala naman siyang sinabi at nagpasak nalang ng earphones sa tenga niya, tanungin ko ba siya kung gusto niyang makipag palit?

Nilakasan ko ang loob ko kaya kinalabit ko siya sa balikat niya, napatingin naman siya sa akin. Napansin kong kulay bughaw ang mga mata niya, napakaganda pero kulang sa emosyon.

"Bakit?" Pagtatanong niya sa akin, at nagulat naman ako dahil nawala ako sa sarili ko nang tumitig ako sa mga mata niya.

"Ah, gusto mo bang makipag palit ng upuan?" Pagtatanong ko sa kaniya habang nakangiti, nagtataka naman ako dahil nakatingin lang siya sa akin. May problema ba sa mukha ko?

"Sige, kung ayaw mo okay lang naman." Sabi kong muli sa kaniya at tumingin nalang sa labas ng bintana. Hindi na siya kumibo pa at nagpatuloy nalang makinig sa kantang pinapatugtog niya.

Nagulat ako nang may kinuha siya sa bag niya at ibinigay sa akin. Isa itong boteng maliit at may nakalagay na white flower. Teka? Bakit binibigay niya sa akin 'to? Hindi naman ako nahihilo o nasusuka ah?

Akala niya ba kaya nakikipag palit ako ng upuan dahil sa nahihilo ako dahil nakatapat sa akin ang aircon? Napatingin naman ako sa kaniya at nakita kong sumulyap siya sa gawi ko at saka na lumihis ng tingin.

Ngumiti naman ako sa kaniya, at nagpasalamat. Kahit hindi man niya marinig dahil sa nakapasak sa tenga niya, ayos lang sa akin.

***

Nang ibinaba na ako ng sasakyan sa tapat ng bahay namin, tumakbo agad ako papasok ng bahay. Gusto ko ulit makita ang mukha ng mga magulang ko, pero kinabahan ako nang hindi ko sila nakita sa loob ng bahay.

"Mama? Papa?" Pagtatanong ko habang nagtatanggal ng sapatos sa labas. Walang sumasagot sa akin, kaya mas lalong tumaas ang kaba ko.

Nasaan sila?

"Mama! Papa!" Medyo napapasigaw na ako kakatawag sa kanila, hindi ko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko. Natatakot ako na hindi ko na sila makita pang muli.

"Mama!--"

"Anak! Oh umuwi kana pala! Kumusta ang school--" Nang marinig ko ang boses ni mama agad akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Niyakap naman ako pabalik ni mama at hinagod hagod ang likod ko.

I've never felt so relieved before, ang init ng yakap ng isang magulang. Matagal ko na 'tong hinahanap, ang yakap ng isang magulang 'nung mga panahong nag iisa ako sa buhay.

"Bakit? May bumubully ba sa'yo sa school?--"

"I missed you Mama!" Sabi ko sa kay mama at yumakap muli sa kaniya. Ramdam kong napangiti si mama sa sinabi ko at niyakap akong muli.

Matapos ang moments namin ni mama, binigyan niya ako ng isang tupperware na puno ng spaghetti. Hindi ko kayang ubusin ito kaya napakunot ang noo ko,

"Hindi mo kakainin 'yan anak. Ibigay mo 'yan doon sa bago nating lipat na kapitbahay." Pag uutos ni mama sa akin, at tumango na lamang ako. Hindi ko na napalitan ang uniporme ko, at agad na akong pumunta sa kapitbahay namin.

Nang kumatok ako sa bahay ng kapitbahay, bumungad sa akin ang isang lalaki na matangkad. Pero hindi siya matanda, isa siyang binata. Nahulog ang panga ko dahil sa kagwapuhan niyang taglay, mapungay at kulay lila ang mga mata niya. Halos kahawig niya si Zaffina.

Teka? Zaffina? Bagong lipat? Kahawig nitong lalaki?

"May I help you?" Pagtatanong niya sa akin, nabalik ako sa reyalidad dahil sa pagtatanong niya. Ibinigay ko naman agad sa kaniya ang spaghetti na niluto ni mama.

"Ah, luto po ng nanay ko 'yan." Sabi ko kay kuya, at napangiti naman siya. Ah, grabe ang biyaya talaga ni Lord ngayon.

"Salamat, paniguradong magugustuhan 'to ng kapatid ko. Sakto, kaparehas mo pa siya ng uniporme, kaklase mo ba siya?" Pagtatanong niya sa akin habang nakangiti ng matamis. Paano ko malalaman kung hindi ko pa alam ang pangalan?

Baka si Zaffina ang kapatid niya?

Sabi ng isip ko, pero siguraduhin ko muna baka magtaka siya kung sino ang Zaffina na tintutukoy ko.

"Ano po bang pangalan--"

"Kuya Zayne! Ano 'yan?" May pamilyar na boses na tumawag sa lalaking kaharap ko ngayon. Tama nga, si Zaffina ang narinig ko. Sa kaloob looban ko sumaya ako kahit papaano dahil siya ang kapitbahay ko, at the same time nagulat din ako.

Dahil sa dinarami rami ng pwedeng lumipat sa bahay na 'to ay ang babaeng katabi ko pa sa school at ang bida sa mundong 'to. Matatawag pa ba 'tong coincidence lang?

Nang nakita ako ni Zaffina nanlaki ang mga mata niya at ngumiti nang pagkasaya saya. Tumakbo agad siya papunta sa akin at niyakap ako, "Ikaw ba ang kapitbahay namin, Ivana?! Sobrang saya ko!" Sabi ni Zaffina at napangiti na lamang ako. Nakita ko rin na ngumiti ang kapatid niyang si Zayne.

"Kuya! Siya si Ivana Javier! Kaibigan ko! Ganda niya 'no? Seatmate at kaklase ko 'yan!" Pagmamayabang ni Zaffina sa kaniyang kapatid, napangiti naman ako sa kaniya. Minsan lang ako matawag na maganda, madalas nanay at tatay ko lang.

"Oo na, Zaff mag bihis ka na muna dahil amoy araw kana." Pagdadahilan ng kapatid niya pero sa totoo ang bango pa rin ni Zaffina. Ngumiti ako kay Zaffina nang nagpaalam siya sa akin at mamaya maglaro raw kami sa amin.

Aalis na sana ako nang bigla akong pinigilan ng kapatid ni Zaffina. Ngumiti siya ng matamis sa akin "Maraming salamat sa pagiging unang kaibigan ni Zaff, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito dahil sa ibang tao." Sabi ng kapatid niya sa akin, tumango naman ako at ngumiti pabalik sa kaniya.

Nang umuwi na ako sa amin, nakaramdam ako ng init sa puso ko na hindi ko pa nararamdaman noon. Ganito pala ang pakiramdam na may kaibigan, nagkaroon naman ako dati ng kaibigan. Pero sa tingin ko ako lang ang tumuring na kaibigan sa kanila.

Sa sobrang saya ko, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Agad kong ipinaalam kay mama na maglalaro kami ni Zaffina mamaya, agad namang pumayag si mama at tuwang tuwa pa sa akin.

Kung totoo man o hindi ang nangyayari sa akin ngayon, ito na ata ang pinaka magandang nangyari at naramdaman ko sa buong buhay ko.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon