Chapter 37

169 9 1
                                    

***"UNO!" Sumigaw si Zaffina nang biglang inilapag ang huling baraha niya ng UNO at napasampal sa noo si Roy dahil natalo siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
"UNO!" Sumigaw si Zaffina nang biglang inilapag ang huling baraha niya ng UNO at napasampal sa noo si Roy dahil natalo siya.

"I won't take this! Isa pa! Madaya--"

"Wala! Wala! Tanggapin mo na Roy 'yung truth or dare!" Sigaw ni Finn at nag tawanan sila ni Damien at Zaffina.

"Okay, fine dare."

"Aba madaya! Dapat truth!" Sigaw ni Zaffina at nakita kong napakunot ng noo si Roy "Paladesisyon ka? Pinapakain mo ba ako?" Sagot na pabalang ni Roy at nagtawanan naman kami.

"Sige, sumayaw ka ng throw it back sa harapan namin gusto ko ngayon na." Sabi ni Zaffina at nakita kong namutla naman si Roy, hindi ko pa nakikitang sumayaw itong si Roy. Kaya naexcite akong makita na gawin niya itong dare, kaya naki-cheer nalang din ako na gawin niya ang dare ni Zaffina.

"I-I don't know how to dance! Change the dare!" Nahiyang sigaw ni Roy sa amin na dahilan upang lalo nilang asarin si Roy na sumayaw. Kaya walang nagawa si Roy at ikinembot niya ang kaniyang likuran kaya agad naman kaming humagalpak sa katatawa.

Sa hindi sinasadya napanakaw ako ng tingin kay Jackson na nakangiti rin at para bang natatawa nang bigla rin siyang napatingin sa akin. Kaya agad akong lumihis, nahuli niya kaya akong nakatingin sa kaniya?

"Sige, isa pa! Ako naman gaganti sa inyo." Sabi ni Roy na para bang naiinis na dahil tawa pa rin nang tawa sila Zaffina, at muntik na ilabas ni Finn ang phone niya para videohan si Roy.

Nang nagbalasa ulit si Zaffina ng UNO cards talagang focus na focus si Roy kung anong mga cards ang nakuha niya. Gayon din kami, kaso habang lumilipas ang oras kinakabahan ako dahil parang ang dami ko pang cards at sila Zaffina at Damien paubos na.

Lumipas ulit ang oras at ito na nga ba ang ikinakaba ko dahil ako nalang ang natitira at si Roy ulit. Minatahan niya ako na para bang sinasabi niya na "Hindi ako magpapatalo sa'yo." Kaya talagang alam ko ako ang matatalo rito.

Hindi nga nagkamali ang inaakala ko nang biglang isinigaw ni Roy ang "UNO!" na may halong tawa at ngiti na para bang nanalo siya sa lotto. "Paano 'yan Ivana mukhang ikaw naman ang pipili sa truth or dare." Sabi ni Damien.

"Truth pipiliin niyan" Singit bigla ni Roy habang nakatingin sa akin nang seryoso, agad naman akong napakunot ng noo. Paladesisyon ka rin pala eh.

"Paladesisyon ka, pinapakain mo ba si Vana?" Masungit na sagot ni Zaffina kay Roy. "Oo, we ate at coffee shop once kaming dalawa lang." Sagot ni Roy na agad namang napatingin sa amin lahat ng mga kasama namin. Napatingin din nang seryoso sa amin si Jackson na para bang nagulat siya.

"Bakit 'di namin alam 'yan? Saka bakit kayong dalawa lang hindi kayo nag aaya." Sabi ni Zaffina na para bang gusto ng banatan si Roy. "Wala kana ron Zaffina, palatanong-- Aray! Nananakit ka na naman!" Sagot ni Roy kay Zaff nang bigla siyang kinurot sa tagiliran.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon