Chapter 32

185 7 1
                                    

***"Ivana"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
"Ivana"

Agad akong nabalik sa reyalidad nang nagsalita si Zaffina sa harapan ko. Ang bilis ng araw, christmas party na namin. Kaunti nalang ay recognition day na at magiging third year high school na kami.

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinititigan ng mga kaibigan ko na ngayon ay kaharap ko. Nang matapos ang kanina sa school namin, nagpasya kaming pumunta sa bahay nila Roy upang doon mag celebrate ng sarili naming christmas party. Nagpaalam din ako kay mama na baka gagabihin ako, may tiwala naman siya dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Ayos ka lang ba? Parang lutang ka." Pag-aalalang tanong ni Zaffina sa akin, tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. Sa totoo hindi naman talaga maayos ang lagay ko pero ayaw kong sirain ang mood para sa kanila, ayokong mag-alala sila sa akin dahil lang sa nangyari sa akin.

"May iniisip lang Zaff, pero wala naman 'yun, inaalala ko lang kung anong oras ako uuwi mamaya." Sabi ko sa kaniya pero mukhang hindi pa siya convinced.

"Don't worry I'll take you home." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Roy sa harapan ko. Napansin kong kumakain siya ng tiramisu cake, napansin ko rin na mas lalong naging halata ang maputi niyang kutis dahil sa itim niyang turtle neck at brown suit jacket, naka slick back din ang kaniyang buhok kaya maaliwalas ang kaniyang mukha.

"Oo nga ihahatid ka namin." Sabi ni Zaffina at ngumiti sa akin, maaliwalas din ang dating ni Zaffina ngayon dahil sa ayos niya, naka off shoulder red dress siya at naka bun ang kaniyang buhok.

Nang matapos na kaming kumain nagpasya akong mag liwaliw sa loob ng mansion nila Roy. Masasabi kong mas maaliwalas at malinis ito ngayon kumpara sa reyalidad ko. May mga tauhan din sila dito at hindi nag iisa si Roy kahit may business trips ang parents niya. Kumbaga, hindi siya nag-iisa.

Palayo ako nang palayo mula sa kasiyahan, rinig ko ang pinapatugtog nilang musika ngunit pahina ito nang pahina dahil naglilibot ako sa pasilyo ng bahay. Napahinto ako nang makita ko na may veranda pala sila Roy. Agad akong pumunta para makasinghap ng sariwa at malamig na hangin, at saka para pagmasdan na rin ang mga bahay bahay rito malapit sa kanila.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang lamig ng hangin na dumadapo sa aking balikat. Naka cocktail dress kasi ako na kulay puti, hindi naman ako sobrang nilalamig sa halip ay mas nilalasap ko pa ito. Habang nakapikit ako parang pag dumilat ako haharap na naman ako sa mga problema na natatakot akong harapin.

Kahit alam na nila ang totoo nahihirapan pa rin ako sabihin sa kanila ang pinagdadaanan ko ngayon. Lalo na't dumating pa si Adrien, ang dami niyang sinabi na hindi ko labis maintindihan. Mas lalo lang gumulo ang isip ko, para bang nalulunod na naman ako sa problema kahit saang reyalidad ako pumunta. Parang sa kahit saang sulok ng kalawakan hindi ako titigilan ng problema.

Dahil sa mga sinabi ni Adrien hindi ko alam kung sino ba ang pagkakatiwalaan ko, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin o ano ba ang dapat kong unahin.

Nang sisinghap ulit ako nang hangin nakaramdam ako ng isang tela sa aking balikat at agad akong napadilat. Napalingon naman ako at bumungad sa akin ang isang matangkad na binata na nakangiti sa akin na may dimples sa kaniyang pisnge. Inayos ko ang pagkasukbit ng suit jacket niya sa akin, tila naamoy ko ang pabango niya at alam kong mamahalin ito.

"You look like in chaos, Vana." Tumabi siya sa akin habang nakapatong ang mga kamay namin sa railings at nakatingala sa mga bituin sa kalawakan. Nang sinabi niya 'yon tila ba parang nabasa na naman niya ako na parang libro na walang balat.

Nagkakabunggo ang aming mga siko at braso, tila nakakaramdam ako ng kuryente sa kaniyang katawan. Bakit ganito?

Muli akong napatingin kay Roy na ngayon ay nakatingala pa rin sa itaas at nakangiti. Napansin ko na hindi siya ngumingiti kapag kasama namin ang barkada, pero ngumingiti siya kapag kasama niya ako. Pakiramdam ko tuloy parang special ako sa kaniya.

"What's on your mind?" Malamig ang boses niya pero dama ko ang pag-aalala sa kaniyang tono. Gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng saloobin at problema ko. Pakiramdam ko kapag sinabi ko sa kaniya gagaan ang aking puso, at tila parang siya lang ang taong kayang umunawa sa kalagayan ko.

Pero hindi ko masabi, parang may bumabara sa aking lalamunan "It's okay if you don't want to tell me. Nandito lang ako, Ivana." Sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin sa mga bituin. "It seems like you're a different person" dagdag pa niya at agad akong napatingin sa kaniya. Ano ang ibig niyang sabihin?

Tinaliwas na niya ang tingin niya mula sa langit at tumingin sa akin. "Since the first time I met you, I always feel like you're different. May pakiramdam ako na hindi ka tulad ng ibang taong mga nakakasalamuha ko. That's why I was kinda cautious about you. I gave you cold shoulders and negative interactions..." Aniya habang nakatitig sa aking mga mata.

"However, as I got cautious about you I also got curious about you. Bakit nahumaling sa'yo sila Finn at Zaffina? Though based on my perception, you're just an average person in our class--"

"Hoy!" Sabi ko sa kaniya at akmang kakaltukan ko siya pero tumawa naman siya agad "But that was before, Ivana." Napatigil ang kamay ko sa ere at habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam bakit nakakaramdam na naman ako ng kaba sa aking tiyan at tila kumakabog ang puso ko.

Bakit parang sa oras na ito aamin si Roy sa akin?

"Now I find you fascinating, weird, and extra weird---"

"Laitan ba tayo rito Roy? Handa ako makipag trashtalk-an sa'yo." Wala kong emosyon na sabi ko sa kaniya at nagulat naman ako nang humalakhak siya. "Yes, that's the one that I like to see. You're very entertaining to talk with, Ivana. I may be rich but I can't buy this kind of feeling. It's priceless to be with you." Sabi niya sa akin at hindi ko malaman ang dahilan kung bakit parang nahihirapan akong huminga nang sinabi niya 'yan.

Sinuklay niya ang aking buhok sa likod ng tenga gamit ang kaniyang daliri, dumampi sa akin ang mainit niyang palad sa aking pisnge. "I know that you keep many deep secrets, Ivana. But I'm not scared to know it all. Hindi ako natatakot mabasa at malaman kung sino ka, kung ano ka, kung ano pa man ang ginawa mo. All I know is that you're Ivana Javier, one of the most precious girls that I care about." Aniya ni Dashiell habang nakatitig sa aking mga mata.

Nang sinabi niya iyon tila lahat ng problema ko ay humupa, kahit hindi ko sinabi sa kaniya kung ano ang problema naiintindihan niya pa rin ako. Gusto kong maiyak sa mga sinabi niya, parang gusto kong manghina at sumandal sa kaniya.

"Well of course, my mother, sister, auntie, ikaw, and for the least Zaffina na unggoy ang mga babaeng may pakielam ako." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

Matagal ko na itong gustong itanong kay Roy "May namamagitan ba sa inyo ni Zaffina?" Pagtatanong ko sa kaniya at nanlaki naman ang mga mata niya na parang gulat na gulat siya.

"What? Bakit mo natanong 'yang kadiring tanong na 'yan? Hindi mo ba alam? Gusto--"

"Sino ang may gusto, Roy panget?" Nagulat kami nang biglang nagsalita sa gilid namin si Zaffina at pinanlilisikan ng mata si Roy.

Nakita kong napalunok si Roy "N-nothing" sagot niya "Bakit ka ba nandito? Can't you read the mood?" Sunod niya pang tanong kay Zaffina.

"Idiot, that's why I'm here. I can smell a bad intentions towards my bestfriend!" Sabi ni Zaffina at yumakap sa akin, naamoy ko ang pabango niya na matamis.

"Anong pinapahiwatig mong babae ka? Manyak ako?" Sabi ni Roy at aambahan si Zaffina "Wala akong sinasabi" sagot ni Zaffina at binelatan si Roy.

Itong mga 'to, dahil sa kanila natawa nalang ako. Napatingin muli ako sa kalawakan. Kitang kita ko ang mga numiningning na mga bituin at ramdam ko rin ang lamig ng simoy ng hangin.

"Thank you for giving them to me." Bulong ko sa hangin habang nakangiti.

Parang kaya ko na ulit salubungin ang kinabukasan.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon