Chapter 19

211 10 0
                                    

***Iritang iritable pa rin si Roy habang naghahanda ako ng mainit na lugaw para sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Iritang iritable pa rin si Roy habang naghahanda ako ng mainit na lugaw para sa kaniya. Siya na nga itong pinagsisilbihan pero siya pa rin ang galit, well gusto ko naman talaga siyang alagaan. Hindi man siya ang Roy na nakasama ko ng dalawang taon, siya pa rin ang Roy na nag iisa sa reyalidad ko. Hindi ako makakatulog kapag lumala pa ang lagnat niya na wala manlang akong ginagawa.

"Are you my mother or my maid?! I don't need your help--"

"Isa pang pagrereklamo mo ibubuhos ko 'tong mainit na lugaw sa'yo." Pagbabanta ko sa kaniya, narinig ko naman siyang pumalatak at umirap sa akin. Kahit saang reyalidad masungit ka pa rin Roy.

Nang isusubo na sana ni Roy ang isang kutsarang lugaw, may biglang pumasok sa bahay niya. Agad naman kaming nagulat ni Roy, parehas pa kaming napatingin sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung sino ang pumasok sa bahay niya.

"Why the hell are you here?" Pagsalubong ni Roy sa binatang kaharap namin ngayon.

Lumakas ang kabog nang dibdib ko sa nakikita ko, parang biglang umagos lahat ng alaala na sinusubukan kong itago. Ang sakit, bumabalik ang sakit.

"I'm visiting you, I didn't know that you already have a company." Malamig niyang tugon. Ganoon pa rin siya, hindi siya nagbago sa kahit anong reyalidad pa man. Boses, tindig, mukha, ugali halatang si Jackson ito.

Hindi ko alam na hanggang sa reyalidad ko ay magkaibigan pa rin sila ni Roy. Baka nga tama ang sinasabi sa akin ni Adrien.

"I don't know her, nag pumilit lang siyang mag luto ng lugaw para sa akin. Of course, I'll pay her--"

"I don't need your money," pagpuputol ko sa kaniya, at parehas silang napatingin sa akin. Parang gusto kong umalis sa bahay na 'to. Kahit na sobrang namiss ko sila, para pa rin akong nakaharap sa mga estranghero. Kung tutuusin estranghero naman talaga sila sa akin. Ako lang ang nakakakilala sa kanila, sa ibang reyalidad nga lang.

Gusto kong maiyak, pero hindi pwede. Gusto ko siyang yakapin, pero hindi pwede.

Bakit ba ganito ako pag dating kay Jackson?

"H-hey, uuwi kana ba--"

Napatayo bigla si Roy, hindi ko alam kung bakit. "Oo, uuwi na ako. Ubusin mo lahat 'yan, get well soon." Sambit ko sa kaniya at lumabas na agad sa bahay niya. Ni hindi manlang ako nilingon ni Jackson, ni hindi manlang niya ako tiningnan. Pero nang dumaan ako sa kaniya, naramdaman ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa kaniya.

Habang nasa labas ako ng gate nila hindi ko maiwasan na hindi mapagtanto, kung gusto ko pa bang pumasok ulit sa buhay nila. Ang daming nangyari, nasasaktan ako. Bakit ako lang ang nakakaranas nito?

Lumipas ang buong mag damag na hindi ako makatulog nang mapayapa, lagi kong naalala ang mga masasayang alaala ko sa ibang reyalidad. Then I feel lonely again.

Napabangon muli ako sa higaan ko, at nagbalak na lumabas muna at magpahangin. Kahit alas dose na ng madaling araw hindi ako natatakot. Gusto ko lang makalanghap ng malamig na hangin.

Nang nasa labas na ako ng apartment nakita kong nasa labas ng gate ni Roy si Jackson, at tila may kausap siya sa cellphone niya. Hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sa kaniya, nagulat nalang ako nang tumingin siya sa akin. Agad akong nagtalukbong ng hoodie at lumakad papalayo. Siguro hindi naman niya ako nahuling nakatitig sa kaniya dahil medyo madilim naman hindi ba?

Bakit hindi pa siya umuuwi? Nakita ko naman 'yung itim na porsche niya sa parking ni Roy. Sino kaya yung katawagan niya? Girlfriend niya?

Hindi ko maimagine na may girlfriend na si Jackson.

Hindi ko namalayan na sa sobrang lalim ng iniisip ko napadpad muli ako sa ilog na pinagtalunan ko. Muli akong napatingin sa ilalim ng tulay, purong itim ito at tila bang para akong tinititigan pabalik ng kadiliman. Pag tumalon kaya ako rito ay mababalik ulit ako sa reyalidad na hinahangad ko?

Sinubukan kong iangat ang mga paa ko at nagbabalak nang akyatin ang tulay. Tila hindi nanginginig ang mga kamay at paa ko hindi tulad dati, hindi ako nakakaramdam ng takot o kung ano pa man. Gusto ko lang talaga ay makita muli ang pamilya ko sa ibang reyalidad.

Akmang tatalon na sana ako at handang magpalamon sa kadiliman nang nakaramdam ako ng mga kamay sa tiyan ko na hinila ako pabalik. Saka ko lang narealize na nakahiga na pala kami sa malamig na semento ng tulay, kasama ng humila sa akin.

Hindi pa rin pumapasok sa isip ko na si Jackson Mint Silvestre ang humila sa akin pabalik. "Do you really want to die?" Malamig niyang pagtatanong sa akin. Nakahiga pa rin ako sa malamig na semento, siya naman ay nakatayo na at nakatingin sa akin pababa.

Hindi ko na napigilan magpakawala ng luha, ang init sa pakiramdam. Ang init ng mga luha ko, ramdam ko habang dumadampi sa akin ang malamig na hangin.

"Namiss kita, Jackson."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, pero wala na akong pakielam. Siguro para sa kaniya baliw ako, baliw na kung baliw.

Umupo ako at sumandal sa gilid ng tulay, tiningnan ko siya pabalik. Alam kong nagulat siya dahil sinambit ko ang pangalan niya kahit na unang beses palang kaming nagkikita. Baka akala niya isa lang niya akong fan o humahanga sa kaniya. Pero para sa akin mas malalim pa ang pag tingin ko sa kaniya.

"Oo, ngayong araw mo palang ako nakikita. Pero ako ilang daang beses na kitang nakita, Jackson. Malamang, hindi mo ako kilala at hindi mo alam na buhay ako sa mundong ito."

"Are you my stalker?" Pag tatanong niya sa akin. Nasaktan ako sa sinabi niya, pero ineexpect ko na rin na sabihin niya 'to.

"No, I'm your friend from another world." Sagot ko sa kaniya habang nakangiti sa kaniya kahit hindi ko mapigilang umiyak.

"You need a therapy." Sagot lang niya sa akin. I chuckled bitterly.

Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo, "Siguro nga, hindi ko kasi maalis sa isipan ko ang mga alaala niyo sa akin kasama sila Roy, ikaw, Zaffina, Damien, at Finn--"

Napatigil ako sa sinasabi ko nang makita ko ang mukha niya, 'yung expression niya ang labis na nakasakit sa akin. He look disgusted.

"How come you know my friends? You're creepy. I think I know now why you're with Roy earlier, you're stalking us didn't you? Don't approach us ever again or I'll call the police." Malamig niyang tugon sa akin pero kita ko pa rin ang pandidiri sa mukha niya.

Ang sakit ng mga sinabi niya sa akin.

Ano na naman bang katangahan ang nagawa ko.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon