Chapter 6

307 14 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"Ivana! Gising na may tumatawag sa'yo sa labas! Kaklase mo raw."

Napadilat ako sa pag gising sa akin ni mama, sabado ngayon at wala naman kaming assignments pero sino naman ang tumatawag sa akin. Napatingin naman ako sa orasan 7:30 AM pa lang, ang aga naman. Sino ba 'yung kaklase na 'yon? Hindi naman si Zaffina 'yan dahil papapasukin agad ni mama si Zaffina sa kwarto ko.

"Sige po nandiyan na po!" Tumayo na ako at pumunta na sa salas para tingnan kung sino ang humahanap sa akin.

Pag bukas ko ng pinto nanlaki ang mga mata ko at nawala ang antok ko.

"Hi Ivana! Good morning! Laro tayo!" Halos mabulag ako sa liwanag na nasisilayan ko ngayon.

Nagulat ako sa nasisilayan ko ngayon, totoo nga na pupunta si Finn Van Doren sa bahay namin. Akala ko nag bibiro lang si Finn nung nakaraan na nag usap kami.

"Sa wakas nakapag banyo na rin, akala ko sasabog na ang pantog ko--"

Napansin ko bigla na may mga babaeng nag kukumpulan sa hallway, malapit sa room namin. Agad agad akong lumapit para tingnan kung sino 'yon. Hindi na ako nagulat sa nalaman ko na si Finn pala ang pinagkakaguluhan nila.

"Totoo 'di ba? Ikaw si Apollo na model sa sikat na clothing line?"

"Bakit dito mo napag pasyahan na mag-aral? Balita ko kababata mo raw si Damien? Totoo?

"Ang gwapo mo Finn! Pero sa tingin ko mas babagay sa'yo na walang salamin."

Napabuntong hininga nalang ako sa mga babaeng 'to, kung ako kay Finn baka araw-araw pagod ako dahil sa mga ganitong pangyayari. Hindi rin maganda ang mga tinatanong ng mga babaeng 'to, paniguradong maiinis si Finn. Dahil hindi naman dapat maranasan ng isang 11 years old 'to.

Gusto ko man na makisali at ipagtanggol si Finn, paniguradong kamumuhian ako ng mga babae sa classroom namin. Parang ayoko nalang makisawsaw sa ganitong mga usapin.

Lalakad na sana ako pabalik sa room para maiwasan sila nang biglang nagsalita si Finn "Ivana! Doraemon key chain ba 'yan?" Napatigil ako sa sinabi niya, nararamdaman ko ang mga nakakasunog na titig ng mga babae sa likuran ko.

Dahan dahan akong lumingon at tama nga ang hinala ko, masama ang titig sa akin ng mga babae. Nakita ko rin ang nagniningning na mata ni Finn dahil nakatingin siya sa key chain ko. Mahilig si Finn sa doraemon?

Agad akong pinuntahan ni Finn at hindi na pinansin ang mga babaeng nakapaligid sa kaniya, "Oo nga! Doraemon key chain nga 'to! Saan ka nakabili?" Masayang pagtatanong niya sa akin.

"Ah, si mama kasi nag regalo sa akin nito kasama ang full bundle ng comics--" agad ako napatakip sa bibig ko nang nakita kong lalong nagningning ang mga mata ni Finn. Parang nagkamali ako ng mga sinabi ah.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon