Chapter 3

440 19 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Nang lumipas na ang tatlong subjects nasimula na ako maburyo dahil hindi pa naman talaga kami nagkaklase, puro orientation lang naman ang ginagawa.

Medyo nag uusap na kami ng katabi kong babae, nalaman ko na rin ang pangalan niya at nalaman ko rin na bagong transfer siya rito sa paaralang 'to.

Ang pangalan niya ay Zaffina Alegra Montefalco. Pangalan palang napakaganda na, nalaman ko rin na isa siyang consistent valedictorian. Amazed na amazed ako sa lahat ng mga naachieved niya, bata palang siya pero ang dami na niyang nagawa.

Hindi ako makapaniwala na nakakausap ko siya ngayon, mabait din at friendly siyang kausap. Pero nakakapagtaka dahil walang kumakausap o lumalapit sa kaniya, kaya ako nalang ang laging kumakausap sa kaniya.

Nag uusap kami ni Zaffina nang biglang pumasok ang adviser namin, at may kasama siyang estudyante na hindi ko pa nakikita. Napansin kong iba rin ang kulay ng buhok niya, kulay green at medyo naging light sa bandang dulo ng buhok niya. Nakasalamin din siya at tila bang nahihiya siya, ang ganda ng estraktura ng mukha niya maputi at makinis din ang balat niya.

"Class, I want you to all welcome our transferee. Nalate lang siya ng kaunti, pero let us all warmly welcome him." Sabi naman ng adviser namin, nakatuon lahat kami sa kaniya para magsalita.

"Pamilyar 'yung mukha niya ano?"

"Hindi ba sikat ang pamilya niya?"

"Grabe, dito siya mag-aaral!"

Ayan ang mga narinig kong bulungan nila, sikat pala ang pamilya niya? Bakit hindi ko kilala? Ngayon nga lang ako nakaencounter ng ganitong mga tao sa buhay ko, mga ganitong itsurang nilalang. Parang isang hindi makatotohanang pangyayari ang kinabibilangan ko ngayon.

"Hi, I am Finn Van Doren I am looking forward to meet you all!" Masiglang sabi ni Finn at ngumiti siya ng matamis. Nakakahawa ang ngiti niya, parang ang sarap niyang maging kaibigan.

"Oo nga, siya nga 'yun!"

"Nakakakilig! Nadagdagan ang The Alphas!"

Napakunot ang noo ko, anong The Alphas? Group name? Ano 'to? Nasa wattpad ba kami? Malamang sa malamang ang mga miyembro riyan 'yung tatlong mga lalaki sa likuran. Medyo nangingiwi tuloy ako sa narinig ko.

Nakita kong kumaway si Finn sa gawi ng tatlong mga lalaki, kumaway naman pabalik ang president namin sa kaniya. Magkakilala sila? Seryoso? Bakit magkakakilala ang mga ganitong tao?

Nang tapos na magpakilala si Finn sa klase, nagsimula na rin kaming magpakilala isa-isa. Pang apat kasi naming subject ang adviser namin kaya ngayon palang kami nagpapakilala. Ang mga nakaraang teachers naman namin ay hindi na nag pa introduce yourself nag discuss lang sila ng rules and regulations sa klase at saka na umalis.

Nang pagkatapos kong magpakilala, tumayo na at nagpakilala si Zaffina sa harapan. Sumulyap muli ako sa The Alphas at napansin kong nag fofocus sila nang maigi kay Zaffina. Sino ba namang hindi? Sa ganda niyang 'yan? Talagang mapapatitig ka nang matagal.

Teka? Tinawag ko ba silang The Alphas? Medyo na cringe tuloy ako. Nababasa ko lang ang mga ganitong group names ay sa wattpad at iba pang stories. Hindi ako makapaniwala na merong ganito sa totoong buhay.

Nang natapos na magpakilala si Zaffina, tumayo naman ang lalaking kulay dilaw ang buhok at pumunta sa harapan. Lahat ng mata ay nakatingin sa kaniya, ang iba pang mga estudyante ay kinikilig sa kaniya.

Grade 5 palang kami pero ganito na sila kasikat. Namamangha nalang ako sa mga nasisilayan at nalalaman ko.

Nang nasa harapan na siya, napansin kong hindi manlang nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya. Kung paano niya ako pinalayas sa harapan niya, ganon pa rin ang mukha niya hanggang ngayon. Expressionless?

"Roy Cohen Rameses, 11 and the next top 1 of this class." Malamig niyang pagpapakilala at umupo na siya sa kaniyang upuan, nakita ko naman si Zaffina na para bang nagulat siya sa sinabi ni Roy. Napansin ko ring napakuyom siya ng kamao.

Oo nga pala isang consistent valedictorian si Zaffina, ibigsabihin may karibal siya ngayon sa classroom.

Sumunod naman na magpapakilala ay ang kulay violet na buhok na lalaki. Kapag naglalakad siya nag bibigay siya ng parang cool effect sa madaraanan niya.

"Jackson Mint Silvestre, 11." Malamig niya ring pagpapakilala, hindi pa rin namin maalis ang mga tingin namin sa kaniya kahit sa pag upo niya sa kaniyang upuan.

Sumunod naman ay 'yung lalaking kulay pula ang buhok, nakangiti pa rin siya habang naglalakad sa harapan. "Pleasant morning to all of you, I am Damien Leroux Montgomery, 11, the current president and the previous top 1 of this class." Nahulog naman ang panga ko sa pagpapakilala niya, totoo bang grade 5 lang itong mga 'to?

Noong grade 5 ako puro lang kami laro pagkatapos ng skwela, wala kaming pakielam sa mga bagay na katulad ng pagiging honors at officers.

Narinig kong pumalatak si Roy kaya napatingin ako sa kaniya, napapalatak din si Zaffina kaya napatingin din ako sa kaniya. Mukhang first day of school palang may competition na nangyayari.

Nang nag recess na, inaya ako ni Zaffina kumain sa canteen. Bababa na sana kami nang bigla kaming hinarang ni Roy. Nagulat ako nang makita kong nagtititigan ang dalawa, si Zaffina at Roy. Bagay na bagay silang dalawa kung pagmamasdan mo.

"Bakit ka nakaharang? Hindi mo ba nakikitang dadaan kami?" Mataray na pagtatanong ni Zaffina, hinawakan naman ni Zaffina ang kamay ko.

"Nakita ko, kaya nga humarang ako eh." Sagot ni Roy at ngumisi siya, 'yung ngising nang aasar. Kaya kumunot lalo ang noo ni Zaffina at biglang inapakan ang sapatos ni Roy nang malakas. Nahulog ang panga ko sa ginawa niya.

"Aray! Damn amazon woman! Do you know how much this shoe cost?!" Sigaw ni Roy at agad na napayuko sa sakit, bigla namang hinugot ni Zaffina ang kamay ko at nilagpasan nalang namin si Roy.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at tila parang amazed na amazed ako sa ginawa ni Zaffina, isa nga siyang tunay na main character. Matalino, maganda, at malakas ang loob! Nasa kaniya na ang lahat!

"Pag binully ka ng mga 'yon, sabihin mo sa akin Ivana ah! Ipagtatanggol kita kahit ngayong araw palang kita nakikilala." Sabi ni Zaffina sa akin habang hawak niya ang kamay ko, bigla akong nakaramdam ng init sa puso ko. Ang warming naman ng sinabi niya, sa buong buhay ko wala pang pumrotekta sa akin ng ganito.

"Ikaw palang kasi ang kauna unahang kaibigan ko, Ivana." Matamis niyang sabi at nginitian niya ako. Humawak ako nang mahigpit sa kamay niya at ngumiti pabalik kay Zaffina.

Ang sarap mabuhay sa mundong 'to.

Nang matapos naming kumain ni Zaffina dumeretso na agad kami sa classroom, nakita ko namang nasa desk ko si Jackson at nagbabasa. Napansin kong binabasa niya ang librong binabasa ni Zaffina kanina.

"Anong ginagawa mo sa desk ni Ivana?" Pagtatanong ni Zaffina kay Jackson, napatingin naman si Jackson sa kaniya at tinanggal ang earphones na nakapasak sa tenga niya. Hindi ba manlang sasabihin ni Zaffina na kinuha ni Jackson ang libro niya?

"I'm reading this," malamig na tugon ni Jackson at pinakita ang libro ni Zaffina.

"That's mine, and ang desk na inuupuan mo ay kay Ivana." Sabi naman ni Zaffina, nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Hindi sa dahil mukha silang nag aaway, dahil naglapit ang isa sa pinaka gwapo at maganda sa classroom.

"I know, and I'm borrowing this book. You got a nice taste by the way." Sagot ni Jackson sa kaniya at lumipat ng upuan, lumipat lang siya sa harapan namin at nagbasang muli.

Humarap sa akin si Zaffina, "Upo na tayo, Ivana!" Sabi niya at ngumiti sa akin ng matamis, bakit parang mas big deal pa kay Zaffina na may umuupo sa upuan ko kesa sa libro niyang kinuha ni Jackson na hindi naman agad nag paalam sa kaniya.

I nodded while smiling, what a weird girl. But I like her that way.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon