Chapter 21

199 8 0
                                    

***"I absolutely oppose your Idea, Cohen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
"I absolutely oppose your Idea, Cohen. Don't tell me you believe every word she said?" Umentrada na naman ang isang englisherong si Jackson.

"Will you please shut your annoying mouth for one second? That would be nice!" Dalawa pala silang englisherong kasama ko.

"I can't believe that you are trying to believe her story." Hindi pa rin nagpatinag si Jackson sa warning ni Roy.

"Wala namang mawawala kung susubukan mo rin akong intindihin Jackson. Nasa sa'yo nalang iyon kung paniniwalaan mo ako, pero ito lang ang tanging hiling ko sa kontrata namin ni Roy, ang paniwalaan niya ako sa kwento ko." Sagot ko kay Jackson, at nakita ko namang sumama ang tingin niya sa akin.

"How can I believe to your proofless story? Really? You're our long lost friend? We don't even know who you are! You're talking with us as if you're our closest friend, stop being pretentious." Sabi ni Jackson sa akin, napahawak ako sa mga hita ko at pinipigilan kong hindi maiyak. Kahit na pasigaw na ang tono niya sa akin.

Lumunok ako, "May pruweba ako." Sabi ko sa kaniya, at tinitigan ko siya sa mga mata kahit na alam kong malapit ng bumagsak ang mga luha ko.

"Let me see it, then." Sagot ni Jackson sa akin. Dagli kong kinuha ang bracelet sa bulsa ko. Ito ang bracelet na ibinigay sa akin ni Finn noon, napagpasyahan ko na isuot ulit ito sa kamay ko noong mga nakaraang araw.

"What about the bracelet?" Pagtatanong ni Jackson sa akin.

"Ibinigay ni Finn Van Doren sa akin ito noong nasa elementarya palang tayo. Ibinigay niya ito noong valentines day sa akin, dahil parehas kaming mahilig sa doraemon." Pagpapaliwanag ko sa kaniya at nanaig ang katahimikan ng mga ilang segundo, at bigla nalang bumulwak ang tawa ni Roy.

"Wow! I think I might believe in her!" Sabi ni Roy habang tumatawa, habang si Jackson ay seryoso pa rin.

"Call Finn." Pag uutos ni Jackson kay Roy, at bigla namang napawi ang ngiti ni Roy sa kaniyang mukha.

"Why the hell should I?" Nakakunot na tanong ni Roy.

"Just do it, Cohen." Malamig na pag-uutos ni Jackson, wala ng nagawa pa si Roy at tinawagan na niya si Finn. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba dahil sa wakas ay makikita ko rin si Finn sa mundo ko.

"C'mere someone wants to see you." Sabi ni Roy sa kabilang linya.

"Just come here, at my house. No, she's not your fan-- I guess?" Napatingin lang kami ni Jackson kay Roy habang kausap niya si Finn.

Pinatay na ni Roy ang kaniyang cellphone at tumayo mula sa pagkakaupo. "Where the hell are you going?" Pagtatanong ni Jackson kay Roy.

"Are you my fucking wife, Mint? I'm going to eat some ice cream in peace. Fuck off." Malamig na tugon ni Roy sa kaniya, at hindi na lamang ito pinansin ni Jackson. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting takot dahil sa tono ng pagsasalita ni Roy.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon