Chapter 23

199 10 0
                                    

***Nagluluto ako ng sinangag at itlog na may sausages ngayong ala syete ng umaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Nagluluto ako ng sinangag at itlog na may sausages ngayong ala syete ng umaga. Nag halughog na ako ng mga ulam sa refrigerator ni Roy pero puro preservatives ang tumambad sa akin. Balak ko sanang humingi ng pera sa kaniya para mamalengke mamaya dahil kung puro ganito ang kakainin namin hindi magtatagal tatambay kami sa ospital.

"That smells heavenly, what's cooking?"

Bumungad si Roy sa itaas ng hagdan na paikot. Tumambad sa akin ang magulong puting dilaw niyang buhok, itim na t-shirt at jogging pants na gray ang kaniyang suot. Kinakamot niya rin ang kaniyang tiyan sa loob ng t-shirt kaya naaninag ko ng kaunti ang bumubukol niyang abs sa tiyan.

"I see you want these 6 breads for breakfast, huh?" Nagulat ako sa pagtatanong niya na may kasama pang ngisi sa akin. Hindi ko nalang siya sinagot pero nakaramdam ako ng init sa mukha ko, baka dahil siguro sa usok ng niluluto ko.

"So what's cooking, mommy?" Umupo siya sa bar stool sa harapan ko kung saan ako nagluluto na para bang batang naghihintay sa kaniyang agahan. Umagang umaga ang hilig niyang mang-asar.

"May mata ka anak kaya gamitin mo h'wag puro bibig, okay?" Pambabara ko sa kaniya. Napansin kong ngumisi ulit si Roy pero hindi siya natawa sa sinabi ko. Mukhang maganda ang mood niya kaysa sa kahapon.

Nang inihain ko na ang sausage at sinangag with egg niya tila bang nangniningning ang mga mata niya "This looks good, I'm glad I hired you." Ang huling sabi niya bago na niya sunggabin ang kutsara at kainin ang inihain ko.

"Parang ginutom ka ng sampung taon ah?" Pagtatanong ko sa kaniya habang parang hinihigop nalang niya ang pagkain sa lamesa. Napangiti naman ako dahil nasarapan siya sa lutong ginawa ko, kahit papaano parang 'di pa rin siya nagbabago.

"That is some gourmet shit that I ate." Sabi niya matapos niyang kumain.

"Bakit? Hindi ka pa ba nakakakain non?" Pagtatanong ko sa kaniya susulitin ko na ang magandang mood ni Dashiell ngayon.

"I ate something like that probably a year ago." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatigil akong mag urong. "What? I don't know how to cook." Sabi niya sa akin at nagkatitigan kami saglit.

"Bakit hindi ka nag hire katulad ngayon? Ang yaman mo kaya? Saka bakit di ka nag-aral mag luto? Madali lang kaya." Marami kong tanong sa kaniya hindi ko namalayan na hindi na pala nakangiti si Roy. Mukhang mag papalit na naman siya ugali ah.

"You sure have many questions with that small mouth of yours, do your chores. I'll do something upstairs." Malamig niyang sabi sa akin saka na siya tumalikod mula sa akin. May masama ba akong nasabi sa kaniya? Ang bilis niyang mag bago ng mood.

Akala ko pa naman ay makakasundo ko na si Roy nang maayos dahil nasarapan siya sa niluto ko.

Nag simula akong ayusin ang salas ni Roy dahil bukod sa marami itong kalat madumi rin ang tiles nito. Napadesisyonan ko na papakintabin ko ang buong salas niya at pati na rin ang kusina, para naman umaliwalas ang buhay niya.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon