Prolouge

2.8K 31 0
                                    

Tumatakbo ako palabas papunta sa main door ng hinihingal pero pagdating ko sa ground floor naka-lock ito. Walang tao sa buong area. Foundation day kaya siguradong nandun sila sa school.

Sinubukan ko ang pinto sa likod pero lock din ito. Kahit mga bintana kahit isa ay walang naiwang bukas, na para bang pinagplanuhan ang lahat. Hinahapo na ako sa kakatakbo.

Nahihilo na ako dahil sa malaking sugat ko sa ulo pero hindi ako pwedeng mapagod, kundi mamamatay ako.

"Alllllly yuhhhoooo" papalapit na siya kaya nagtago agad ako sa isa sa mga cabinet.

Tap tap tap

Habang papalapit ng papalapit ang tunog ay naririnig ko din ang malakas na tibok ng puso ko.

Naka-angat ng konti ang cabinet at napigil ko ang hininga ko ng makita ang paa niya sa baba.

Umiiyak na ako pero hindi ako pwedeng magpahuli, ngayon pa ba ako susuko. Anytime soon may uuwi na, na isa sa mga roommate ko kaya konting tiis nalang.

Tama! si jiji! Dapat tawagan ko si jiji!

Ng makalayo na siya ay dahan dahan kong binuksan ang cabinet. Kung hindi ako makakaalis dito ay dapat makahingi ako ng tulong.

Tumakbo agad ako papunta sa kwarto ko ng makita ko siya sa dulo ng hallway.

"Ahhhhh!!!!"

Tumakbo agad ako sa pangalawang palapag ng building.

Nakatapak pa ako ng bubog dahil wala akong saplot sa paa. Ininda ko ang sakit at hapdi nito.

Kaya mo yan ally. Wag kang susuko!
Sa ikatlong palapag ay hindi ko na kinaya at nagtago ako sa isa sa mga kwarto.

Sobrang sakit ng paa ko na parang gusto ko nalang magpakamatay.

Tap tap tap

I gulp

Ayan nanaman pero this time tunog ng takong ang naririnig ko. Sigurado akong hindi na siya yun! Baka maagang natapos ang event sa school at pinauwi na.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko nga siya! Ang taong siguradong tutulong sa akin.

"Tulungan mo ko! Hinahabol na niya ako please tulungan mo ko! Umalis na tayo dito"

"Shhhh ally" Humigpit pa ang hawak niya sa braso ko na para bang ayaw niya akong pakawalan. Anong nangyayari?

"Anong ginagawa mo? Pakawalan mo ko!" Ayokong isipin na kalaban ko din siya. Hindi pwedeng talikuran niya din ako! Hindi pwedeng pati siya!

"Sabi ng bitawan mo ko!"

Isang lubid ang isinuot sa ulo ko at saka may bumulong mula sa likod ko na nagpatindig ng aking balahibo.

"Got cha...allison"

"Ahhhhhhhh!!!!!"

Room For Rent (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon