IVIS VALERY QUILTON
Agad kong dinilat ang mga mata nang maramdaman bigla ang pananakit ng paa. Shet, leg cramps! Napaupo agad ako habang nakangiwi at sinubukang hawakan ang paa ko nang maramdamang may matigas na bagay na nakatali sa parehong kamay ko.
"The heck, ano to?" Bulong ko saka ginalaw-galaw ang kamay at nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng bakal. "K-Kadenaa?!"
Tsaka ko lang naalala ang lahat. Ang wirdong lalaki na lumapit sakin at hinanapan ako ng kwintas at bigla nalang akong binuhat tapos non nawalan ako ng malay.
Nanlalaki ang mga matang nilibot ko ng tingin ang paligid at napanganga nalang ako nang mapagtantong nasa loob ako ng isang parang seldang kulungan. Biglang nawala ang sakit ng paa ko. Mabilis akong tumayo at tinungo ang rehas.
"Hooooy! May tao ba diyan! Wirdong lalaki, pakawalan mo ako ditong hayop ka!" Sinubukan kong makawala sa kadena na nasa kamay ko pero wala akong kapangyarihang tunawin o wasakin yon katulad sa mga fantasy drama.
"Tuloong! Pakawalan niyo ako dito! Letse!" Sinipa-sipa ko yung bakal na rehas para makagawa ng ingay pero wala pa ding sumasagot.
Sinubukan kong tanawin ang kaliwa't-kanan ng paligid pero hindi ko malusot ang ulo ko. Where the heck am I? This place is so eerie.
"Shit, nasan ako?" Bumalik ako sa kaninang pwesto ko at umupo nalang, malabong makalabas ako. Sementado ang mga pader, walang bintana at nakatali ang parehong kamay sa likod ko. Mapapagod lang ako kung magbabalak ako.
'My world. I need to get that necklace from you no matter what.'
Tama! Ibig sabihin nandito ako sa lugar ng lalaking yon? Pero saang eksaktong lugar to? Napakabigat ng atmosphere at nakakatakot ang paligid. At panong meron siyang kulungan sa lugar niya.
"Sabi ko na nga ba psycho ang isang yon." Tulalang bulong ko.
So anong balak niya sakin? Totorturin para sabihin ko kung nasaan yung kwintas? Eh wala nga sakin anong magagawa ko, kahit pa patayin niya ako wala akong masasabi sa kaniya.
Natampal— nakatali pala ang kamay ko. Napairap nalang ako dahil sa inis sa mga nangyayari sakin. Sinigurado ko namang ibalik yung sobrang sukli ng tindera sakin kanina pero bakit minamalas pa din ako ngayon? Tsk.
Kusa akong nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtunog ng bakal na rehas. May nakita ako doong matangkad na lalaki na nakayuko sakin.
"Stand up." Makautos siya.
"Sino ka naman? Umpisa na ba ng torture session niyo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Umiling siya. "Torture what? Ace sent me here to guard you."
"Sinong Ace? Yung baliw na lalaki na nagdala sakin dito? Siya ba yon?"
"You dare call him crazy." Nagbabanta ang boses niya.
"Tatawagin kong baliw kahit sino gusto kong tawaging baliw. Kung nandito ka para bantayan ako, umalis ka nalang dahil ang kailangan ko ay ang magpapaalis sakin dito." Inirapan ko siya.
"You're not getting out of here until Ace said so."
"Ano siya, boss? Tanggalin mo nga tong kadena sa kamay ko, it's starting to hurt me." Tumayo ako at nagpumiglas sa bakal sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Demon King l Choi Yeonjun ✔️
Fanfiction"The fallen angel with the hideous black wings." × A short Choi Yeonjun Fanfiction story ×