Chapter 5

116 6 2
                                    

IVIS VALERY QUILTON


Nagising ako nang may maramdamang malambot na bagay na dumampi sa legs ko. Papikit-pikit kong tinignan yon at nagising ang diwa ko nang makita si Ace na nakasandal na sa hita ko at tulog na tulog din.

Umangat ang sulok ng labi ko tsaka dahan-dahang umupo ng maayos para hindi siya magising. Naalala kong matapos kong patuyuin ang buhok niya ay nanatili nalang siya sa pwesto niya para manood, hindi na namin namalayan pareho na nakatulog na pala kami.

Yumuko ako at hinawakan siya sa dalawang pisngi para mapatingala siya sakin. "Tulog na tulog." Bulong ko.

Napatingin ako sa tv, wala ng palabas at kulay rainbow kemerut nalang ang meron dun ibig sabihin ay tapos na ang mga palabas. Kinuha ko ang remote sa tabi at pinatay yun. Muli kong binaling ang tingin sa demonyong nakaupo sa harap ko.

Kahit na hindi kumportable ang posisyon niya ay parang masarap pa din ang tulog niya dahil napakapayapa ng itsura niya. Dinama ko ang mukha niya sa palad ko, wala akong maramdamang kahit isang bako doon. Napakakinis. It's unfair that he's the only one who can manipulate his appearance, gusto ko ding kuminis ng ganito ang mukha ko.

Inalis ko ang mga nakaharang na buhok sa mukha niya at tinitigan muna siya nang maigi, tsk, kahit saang anggulo wala akong makitaang mali. Nang magsawa ako ay maingat akong tumayo at nagtungo sa kwarto. Kumuha ako doon ng kumot tsaka unan saka bumalik sa sala.

Lumuhod ako sa harap niya saka mahina siyang tinapik sa pisngi. "Ace, wake up..."

"Hmm..."

"Ace, hey, tumayo ka sasakit ang likod mo sa pwesto mo." Sabi ko pero hindi siya sumagot. "Geez, I live my 22 years of existence in this world knowing that hell creatures doesn't need to sleep."

Natigilan ako nang biglang siyang gumalaw at napasandal sa akin. Ang ulo niya ay nasa balikat ko kaya ramdam na ramdam ko ang paghinga niya doon.

Is he acting cute on purpose?

Ilang sandali bago ako makabawi at pilitin ang sarili na tumayo akay-akay siya. Hirap na hirap pa ako dahil ang bigat niya.

"Walangya, tulog mantika." Sabi ko habang naguunat-unat nang magtagumpay ako na maihiga siya sa sofa. Nilagyan ko ng unan ang ilalim ng ulo niya at ako na din ang nagkumot sa kaniya.

Sinuklay ko ang buhok niya paalis sa mukha niya saka tinitigan siya bago tumayo. Hindi niyoko masisisi, napakasarap niyang titigan palagi.

"Sweet dreams."

.

.

.

"Ano? Okay na ba yan?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.

Nandito kami ngayon sa isang store dito sa mall para bilhan siya ng damit. Kailangan niyang mamili dahil wala na akong maipapasuot sa kaniya, karamihan kasi ng nga naiwan na damit ng mga ex ko ay kundi maliliit masiyadong malalaki. Sinwerte lang ako at sakto lang ang nakuha ko para sa kaniya kagabi.

Suot-suot niya ang kulay black and green hoodie sweatshirt na pinili ko para sa kaniya.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Demon King l Choi Yeonjun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon