Chapter 12

134 6 0
                                    

IVIS VALERY QUILTON


Pumasok kami sa bahay habang buhat-buhat niya pa din ako. Tumigil na ako sa pag-iyak sa wakas at medyo kumalma na ang panginginig ko. Pero ang puso ko ay ganon pa din, hindi pa din matigil sa malakas na pagkabog. Yawa.

"You sure you're okay? I could heart your heartbeat." Bulong niya.

Akala ko ay ibababa niya ako sa sofa pero siya ang umupo doon at hinayaan lang ako sa braso niya. Bumuntong hininga ako saka umayos ng kandong sa kaniya. Napakurap siya nang umupo ako paharap sa kaniya at yumakap.

Maliit akong ngumiti nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. Naramdaman ko ng pagyakap niya sa bewang ko pabalik. Siniksik ko ang ulo sa balikat niya at inamoy doon ang natural na amoy na meron siya.

"I'm fine. Natakot lang."

"I know you're hungry, I'm sorry I can't cook."

Mahina akong natawa. "Yun pa talaga ang inaalala mo, yawa ka."

"I can hear your stomach grumbling."

Bumuntong hininga ako saka hindi na pinansin ang ka-inosentehan niya. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya nang may maalala.

"Nga pala, ano yung binulong mo dun sa driver kanina? Nakita kong nilagay mo ang daliri mo sa noo niya."

"I manipulated his mind. I erased his memory of the time I stopped the truck and made him think that it's just because of a wild dog."

"A-Ano?!" Nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya. Tiningala niya naman ako.

"I can't risk him to know who and what I am. What I did is impossible in human eyes and I'm sure when he remembers that, that would be a trouble."


Natahimik ako saglit. "May point ka pero sigurado ka bang hindi ka niya maaalala at aso? Sa tingin mo ba kapag sinabi niya sa mga pulis ang dahilan kung bakit nagkaganon ang truck ay dahil sa isang aso maniniwala sila? Dapat man lang binigyan mo siya ng kapani-paniwalang dahilan." Umirap ako.

Siguradong pagkakamalan lang na baliw ang lalaking yon sa oras na sabihin niya ang naaalala niyang dahilan. Kahit ako siguro hindi maniniwala. Baka masapak ko pa siya at ipadala sa mental.

"It's not my problem anymore. What's important is we're both safe. You, from death and I, from humans."

Kusang lumobo ang dalawa kong pisngi nang sabihin niya yun. Muli ko siyang niyakap at siniksik ang ulo sa gilid ng leeg.

Geez.

Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kaniya nagugustuhan ko ang mga ganitong corny na bagay. Sa lahat ay ayaw ko ng yakap-yakap dahil para sakin masiyado yong cringe pero pagdating sa kaniya ako pa mismo ang nagkukusa. Awit talaga, sobra.

Gusto kong humiwalay at umalis mula sa pagkaka-kandong pero ang katawan ko na mismo ang hindi sumusunod sakin.

"Yeah, and I can't believe that death is the one who saved me." Malalim akong bumuntong hininga. "But still, that was a hella scary scenario that I will never forget as long as I live."

"Want me to erase that memory?" Otomatikong kinurot ko siya. "Ow!" Ungot niya.

"Hindi laruan ang alaala ng isang tao para paglaruan mo lang."

"I'm just asking. But isn't it better to erase that incident from your memory so that you don't feel scared anymore?"

"Wala namang nangyaring masama sakin. At gusto ko ding maalala panghabang buhay kung paano ako niligtas ng hari ng mga demonyo mula mismo sa kamatayan."

Demon King l Choi Yeonjun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon