IVIS VALERY QUILTON
Napabuntong hininga ako saka dumiretso sa kwarto nang may mabigat na kung ano sa dibdib. Ni-lock ko ang pinto at napasandal doon saka napanguso.
Maraming tumatakbo sa isip ko na maaaring maging dahilan kung bakit siya nagalit. Una, siguro dahil umalis ako nang hindi nagsasabi sa kaniya pero siya din naman ganon ang ginawa. Pangalawa, umalis ako pero umalis ako para maki-party at hindi hanapin ang kwintas, malamang iniisip niya na balewala lang ang pinangako ko sa kaniya dahil nagsasayang ako ng oras. At pangatlo, dahil nag-uwi ako ng lalaki at nahuli niya akong nakikipag-make-out (pero bakit naman siya magagalit dahil doon?)
Dumausdos ako paupo sa lupa. Gusto kong sampalin ang sarili ko na ewan, ponyeta. Hindi ko na alam.
"Malay ko ba kasing nandiyan siyaaaa!" Pabulong kong sigaw saka sinabunutan ang sarili. Inis na inis ako sa sarili ko. Badtrip pa dahil hindi nawawala sa utak ko yung itsura niya kanina. Ang cute-cute niya sa suot niya at bagong ligo malamang ang bango-bango niya.
"Bakit ko pa ba kasi dinala dito yung Terence na yon eh mas maganda naman ang labi ni Ace sa kaniya kung tutuusin— oo ngaaa!" Inuntog ko ang sarili nang masabi ko yun nang wala sa sarili at napagtantong may point ako.
Anong gagawin ko?
Marahas kong sinabunutan ang sarili saka tumayo at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto at lumabas. Dumiretso ako sa banyo pero bago yun ay sinilip ko muna siya sa sala, ganon pa din ang pwesto niya kagaya kanina at halatang natutulog na. Napabuntong hininga nalang ako saka tumalikod, kinakain ako ng konsensya ko lalo, yawa.
"I bought human foods for you. Just look in the kitchen if you want. I'm gonna sleep."
Lakad-takbo ang ginawa ko papasok sa kusina at pagkapasok na pagkapasok ko doon ay sumalubong sakin ang napakaraming plastic bag na nasa sahig, ang iba ay nasa lababo at lamesa. Sobrang rami non at ang iba ay naka-box pa.
Kaya ba wala siya kanina kasi pinamili niya ang mga to? Pero bakit? Bakit kailangan niya pang gawin yon? Walangya talaga, sinong demonyo ang mag-grocery para sa isang tao?
May biglang nalaglag na kung ano sa plastic sa lamesa pababa sa sahig. Nang pulutin ko yun, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak dahil isa yung napkin. Taena, pwede nakong mamatay.
Binitawan ko yun at muling bumalik sa banyo at naligo. Nang matapos ako at nakapag-bihis, lumabas ako papuntang sala. Pinatay ko ang ilaw at nagtungo sa pwesto niya saka walang sabi-sabing umakyat sa sofa at sumiksik sa harap niya.
Nang tignan ko ang mukha niya, payapa yun at malamang ay malalim na ang tulog niya kaya hindi ko siya nagising. Inangat ko ang kumot at kinumutan din ang sarili. Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya at niyakap yun sa bewang ko at ang braso ko naman ay siniksik ko din sa bewang niya. Sumiksik ako sa leeg niya at napapikit nang maamoy ang natural niyang bango.
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to, cuddling is not my thing but I just feel the need to do it to Ace. Hindi ako titigilan ng konsensya ko hangga't wala akong ginagawa para maalis ang tampo niya at pagpapasalamat na din dahil sa ginawa niya.
This isn't my thing but it feel normal... hugging him. Awit.
"Ivis?" Narinig ko bigla ang inaantok na boses niya kaya nag-angat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya at akmang tatanggalin ang kamay sa bewang ko nang pigilan ko yun. "What are you doing? Sleep in your room."
"Are you mad?"
Binaliwala niya yung tanong ko at tinanggal muli ang braso sa bewang ko. "You can't sleep here, we won't fit."
BINABASA MO ANG
Demon King l Choi Yeonjun ✔️
Fiksi Penggemar"The fallen angel with the hideous black wings." × A short Choi Yeonjun Fanfiction story ×