IVIS VALERY QUILTON
Diba... diba kapag impyerno ibig sabihin nandoon ang mga demonyo? Pero bakit dito merong anghel? Sure naman akong sa Underworld ako pumunta.""You must be, Ivis? Hi!" Masiglang anya.
Napakurap ako ng ilang beses. Literal na nakatitig lang ako sa kaniya habang nakaawang ang labi. This is the first time I got insecure of how I look infront of someone. Kumpara sa kaniya malinaw na malinaw ako ang demonyo sa aming dalawa. Yawa.
Nang hindi ako magsalita, tumabingi ang ulo niya na parang nagtataka. Nakangiti pa din siya sakin.
"Uhm, I'm Venus Amor, nice to meet you." Nilahad niya ang kamay.
Yumuko ako at napatingin doon. Wala akong makitang kahit isang kalyo o bakat ng ugat doon. Babaeng-babae ang kamay niya kumpara sakin na mas maugat pa sa trabahador ang kamay.
"Oh, I guess you don't want to meet me? I'm sorry, Ivis."
Doon nako nakabalik sa kasalukuyan. "You know me?" Tanong ko habang medyo salubong ang kilay. Tama, tinawag niya din ako sa pangalan kanina.
"Yeah, Ace is always mentioning you're name whenever he talks to me." May nahihiya siyang ngiti sa labi saka may nginuso sa ibaba.
Natigilan ako nang makita ang kamay niya na nakalahad pa din sa harap ko. Agad ko yung tinanggap.
"I'm—I'm Ivis."
Muling bumalik ang masigla niyang ngiti. "Glad to finally meet you."
"Y-Yeah." Alanganing sagot ko. "What do you mean about Ace mentioning my name?"
"Ah, whenever he pays me a visit, he talks a lot about you."
Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Self, tandaan mo, hindi tayo marupok.
"Can I ask what is he saying about me?"
Nagulat ako nang parang nagulat siya. Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap nalang ako nang hatakin niya ako sa braso at hinila basta papunta sa napakalaki niyang kama. Pinaupo niya ako doon at umupo din siya sa harap ko.
"Do you want me to tell it to you one by one?" Halata ang excitement sa tono ng boses niya.
Ang weird ng anghel na to pero ganon pa man, nakikita ko sa kaniya si Lorelei. Madaldal at daig pa machine gun ka-ratatatatat. Hindi nauubusan ng energy kahit pa buong araw mag-daldal.
Sa kuryosidad ay tumango ako. "Can you?"
"Yeess! Glad I still remember it all from the very start."
Subukan lang talaga ng demonyong yun na magsabi ng kung anu-anong masama sakin dito kay Venus, lalabas talaga ako dito at didiretso sa kaniya. Hindi maganda ang pakiramdam ko ah.
Binigyan ko nalang siya ng pilit na ngiti. Nakakamangha lang din sa anghel na to na feeling close na agad siya sakin at para na rin siyang kumportable kahit kakakilala lang namin sa isa't-isa. Well, technically kilala niya na ako, pero ngayon pa lang naman kami nagkita.
"The first time he mentioned your name was the first time you two met. I still remember him telling me that he'll go the other world and he would start to find the necklace. And then when he came back here, he's frowning like a kid that you thought the world had deprived him." Aniya saka mahina pang tumawa.
Bigla namang bumalik sakin ang alaala ng araw na yon. Ang kapal ng mukha, siya pa talaga ang nakasimangot non eh ako nga tong sinakal niya. Sampalin ko siya eh.
"Nagalit siya kasi daw itinatanggi mong wala sayo yung kwintas kahit naman daw alam niyang na sayo."
Napairap ako. "I told him many times that I don't really have it."
BINABASA MO ANG
Demon King l Choi Yeonjun ✔️
Fiksi Penggemar"The fallen angel with the hideous black wings." × A short Choi Yeonjun Fanfiction story ×