IVIS VALERY QUILTON
Naidilat ko ang mga mata nang makaramdam ng hindi maipaliwanag na init. Napaupo ako at ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa mukha at buong katawan ko.
What the fuck.
Nasapo ko ang ulo nang kumirot yon. Naaalala kong pumasok ako sa portal at ilang sandali nawalan agad ako ng malay. Awit, literal na bumagsak ako sa impyerno.
"A-Argh... ang init..."
Huminga ako ng malalim at napaubo ako nang maramdaman kung gaano katuyo ang lalamunan ko. Kahit sa paglunok ay nahihirapan ako. Shit. Ang labi ko ay tuyong-tuyo at sa tingin ko ano mang oras mamaya ay mawawalan na ulit ako ng malay.
Nyeta, akala ko pa naman kapag pinasok ko ang portal na yun ay sa palasyo agad ni Ace ang bagsak ko. Nasaan ba ako?
Pinilit ko ang sarili na makatayo saka nilibot ng tingin ang paligid. Nasaang parte ako ng Underworld? Bakit puro puno ang paligid? Sobrang dilim at maihahalintulad ito sa gabi sa mundo ng mga tao—hindi, mas madilim pa to sa gabi. Nang tignan ko ang langit, walang kahit isang bituwing makikita doon at ang buwan...
Fuck, it's color red! Red as in pula! Dugo!
This place surely screams danger. Geez.
Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang maramdamang may maraming matang nakatingin sakin. Dahan-dahan kong inikot ang buong paligid at sa loob ng gubat na sobrang dilim, nandoon ang mga matang kumikinang sa gabi. Kulay pula ang mga yon at animo'y nagbabaga.
Taena, nandito nga pala ako sa mundo ng mga demonyo.
Okay, okay, Ivis, kalma lang. Wala tong mga to, mas malala pa ang mga demonyong naka-engkwentro mo. Nakasama mo na lahat ng Knights ng Underworld pati na ang hari nila. Sisiw nalang to... oo, Ivis, sisiw lang to.
Pinilit kong igalaw ang kamay at sampalin ang sarili para mawala ang paninigas ng katawan.
"Ayos ka lang, Ivis, mabubuhay ka pa ng matagal. Demonyo lang yang mga yan, mas demonyo ka diyan." Pampalubag loob ko sa sarili.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Gusto kong tumili nang biglang may lumabas na isang mataba at malaking halimaw mula sa dilim at sobrang nakakatakot ng itsura niyaaaaa! Puno ng kung anong bukol ang katawan niya at para siyang nalulusaw na ewan! Kadiriiii!
Hindi na ako nagsayang ng oras at tumakbo agad papunta sa direksyong wala akong kasiguraduhan kung may patutunguhan. Nang lumingon ako sa likod, nanlaki ang mga mata ko nang nagsilabasan na ang mga halimaw, demonyo at kung anu-anong nilalang sa likod ko at hinahabol ako habang ang mga kamay nila ay parang gusto akong kuhanin. Ang iba ay gumagapamg at ang iba—what the fuuuuuck! Lumilipad!
Hindi ko alam kung anong unang gagawin ko, kung iiyak ba muna o mandidiri sa nakikita. Hindi din maganda ang hangin kaya nahihirapan akong huminga at kahit hindi pa ganon kalayo ang natakbo ko ay hinihingal na ako. Yawa.
Nasaan na ba kasi yung palasyong yun? At bakit pa ba kasi sa lahat ng babagsakan ko ay dito pa talaga? At bakit pa ba kasi ako pumunta dito? Arrrrgh!
Nahinto ako ng takbo nang nang makitang may dalawang daanan sa magkabilaan ko. Nilingon ko ulit ang likod ko at nakita ko na naman sila, sa pagkakataong to ay mas marami.
"Aaaaaah!" Napasigaw ako nang maramdamang may humatak bigla sa paa ko. Kamay yun mula sa ilalim ng lupa at halos nangingitim na. Inalis ko yun at tumakbo agad papuntang kanan. "Shit! Shit! Shit!"
Punong-puno ng pawis ang mukha ko at napapagod na din ako dahil uhaw na uhaw ako at ang hangin ay parang ang hirap langhapin. Nadapa ako nang matisod ako sa isang bato. Hindi agad ako nakatayo dahil may dalawang malaking paa bigla akong nakita sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Demon King l Choi Yeonjun ✔️
Fanfic"The fallen angel with the hideous black wings." × A short Choi Yeonjun Fanfiction story ×