Chapter 10

126 6 0
                                    


"Papa, time for bed time story! Nasaan ka na?" Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya saka sumilip doon. Napanguso ako nang makitang hawak niya na naman ang picture frame ng babaeng nagluwal daw sakin.

Nakasimangot na pumasok na ako padiretso papasok at umaktong parang wala akong nakita. Nang marinig niya ako ay agad siyang umayos ng upo nakita ko din pasimple niyang pagpasok ng litrato sa drawer ng mesa niya bago tumalikod sakin.

"V-Valery," Aniya saka tumayo at naglakad papalapit sakin ng nakangiti. "Nakalimutan ko na ang oras. Sorry, baby." Binuhat niya ako saka hinalikan sa pisngi pero nanatili akong nakasimangot.

Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang pagtitig niya sa picture ng babaeng nagluwal sakin na parang miss na miss niya ito. Hindi na ako bata para hindi masabing walang pangungulila sa mga mata niya kanina.

Napapaisip ako kung bakit kung makatitig pa din siya sa babaeng yon ay imbis na galit siya ay parang nalulungkot pa siya. Ganon na ba talaga kapag matanda na? Nagiging iba ang pag-iisip? Dahil kung ako yan ay ibabato ko yung picture sa labas. Dapat ay galit siya kasi iniwan kami ng babaeng yon noong baby pa ako, sinabi yun sakin nina Lolo at Lola.

Bakit hindi siya kagaya kong ayaw ng makita ang babaeng yon? Bakit kung makatingin siya sa mukha non ay parang gustong-gusto niya itong makita? Hindi ko maintindihan ang isip ng matatanda. Kapag tumanda kaya ako darating din ang araw na masisikmura kong makita ang mukha ng babaeng yon kahit sa litrato man lang?

"Bakit ka naman nakasimangot? Gabing-gabi." Kinurot niya ang tungki ng ilong ko.

Nag-iwas nalang ako ng tingin saka yumakap sa kaniya. "Let's go to bed, Papa."

Naramdaman ko ang paghimas niya sa likod ko. "Okay, princess."

Naglakad siya nang dala-dala ako papasok ng kwarto ko at maingat akong nilapag sa kama saka ako kinumutan. He told me to wait before he find a book he'll read at the cabinet. Bumalik siya sa kama nang may alanganing ngiti at kamot-kamot ang likod ng batok.

"Anak, lahat ng mga libro sa cabinet ay nabasa ko na para sayo. I forgot to buy a new one earlier, I'm sorry."

Humaba ang nguso ko at niyakap ang malaking teddy bear na niregalo niya sakin noong 7th birthday ko.

"Papa, I cannot sleep without you reading anything for me."

Suminghal siya saka parang nag-isip kung ano ang gagawin. At nang may makaisip ay tumabi siya sakin sa kama at sinuklay-suklay ang buhok. Ganyan palagi ang ginagawa niya para makatulog ako ng mahimbing.

"I know a very interesting story but I don't know if you'll like it."

Nag-angat ako ng tingin. "About what story?"

"It's a about the forbidden love between humans and creatures from hell, demons. It's a love story of a demon and a human who fell in love with each other."

"Papa, how's lovestory between human and demons interesting?" Kunot-noong tanong ko.

"Just listen to me first, sigurado akong matutuwa ka."

Nag-isip ako ng ilang segundo bago nag-aalangang tumango. Ngumiti naman siya at nagpatuloy na sa pagsusuklay ng buhok ko.

"Hundred years ago—"

"No, Papa, it's 'once upon a time'" Pagputol ko sa dapat na sasabihin niya saka sinamaan siya ng tingin.

Humihingi ng tawad na nginitian niya ako. "Sorry." Saka tumikhim. "Once upon a time, there's a lonely demon who often visits the human world, hoping to see something that will catch its interest and thus, its loneliness will disappear."

Demon King l Choi Yeonjun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon