Chapter 8

98 6 1
                                    

IVIS VALERY QUILTON

Habol-habol ang hiningang umupo ako sa kama— teka, kama?

Agad na nilibot ko ng tingin ang paligid at umawang ang labi ko nang makitang nandito ako sa kwarto ko sa bahay ko. Paano ako napunta dito? Kagabi lang nasa probinsya kami.

Sinubukan kong gumalaw pero agad din akong nagsisi dahil nanakit bigla ang likod at kasu-kasuan ko. Nyeta, makapunta lang talaga akong probinsya iisa-isahin ko sila.

"Teka, buhay pa kaya sila?" Naibulong ko habang sapu-sapo ang likod. Naalala kong dito ako pinakamalakas na tinamaan.

Oo nga no, buhay pa kaya sila? Pero hindi naman siguro sila papatayin ni Ace no? Hindi siya ganong tao—

"Cry for me, humans."

Shit, self, bakit ba lagi mong nakakalimutan na hindi siya tao? Isa siyang demonyo! Demonyo! Hinayupak.

Natampal ko noo at tsaka ko naalala na tinamaan din ako sa ulo. Hinawakan ko ang parte na kung saan ako tinamaan at nagtaka ako nang wala akong makapang sugat o bukol man lang doon. Shet, ilang araw ba akong tulog at gumaling na ang mga sugat ko?

Nang tignan ko ang damit ko, iba na yun kaysa sa suot ko kagabi. Pinalitan kaya ako ni Ace ng damit? Sana.

Joke.

Pinilit ko ang sarili na tumayo dahil tuyong-tuyo ang lalamunan ko at kailangan ko ng tubig, gusto ko ding makita si Ace. Lumabas ako ng kwarto at tumambad sakin ang sala na walang kalaman-laman.

Kumunot ang noo ko nang walang makitang ni-isang bakas ni Ace doon. Uminom muna ako ng dalawang baso ng tubig bago siya hanapin sa banyo at labas ng bahay. Pero wala siya.

"Saan naman yun nagpunta?" Nabulong ko habang nakatulala sa gitna ng sala. "Hindi kaya umuwi muna siya sa Underworld? Pero ba't hindi niya sinabi— tulog pala ako." Natampal ko ang sarili.

Mukhang hindi ko na kailangang mag-alala. Wala naman siyang ibang mapupuntahan dito sa mundo ng mga tao kundi dito lang sa bahay ko, imposibleng namang mangangapit bahay ang isang yon.

Hindi kaya nag-soul hunting siya dahil ginutom siya? Nagulo ko ang buhok. Hindi ko alam. Dapat man lang kasi nag-iwan siya ng sulat o kahit ano para alam ko! Pano pala kung habang tulog ako may nakaalam ng pagkatao niya tapos dinala siya sa simbahan tapos pinaliguan ng holy water, hindi pa naman nananakit ang isang yon.

Naalala ko noong nilalabanan namin yung kulto ng mga lalaki sa probinsya ay iniiwasan niya lang ang mga atakeng binibigay sa kaniya at hindi sila binabawian. Tsaka lang siya umatake nang ma-k.o nako.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang biglang parang pag-iibang tao niya. Ibang-iba ang itsura at ang attitude na pinakita niya. Pumuti ang buhok, pumula ang mga mata at ang mga tattoo niya sa braso ay nagsilitawan bigla. Madalas ay tahimik kang siya pero ngisi niya lang noon ay sapat na para mangilabot ako. Hanggang ngayon rinig ko pa din ang mga nagmamakaawang sigaw ng mga lalaki at iyak nila.

Hindi ko inakalang makikita ko ang side niyang yon na siyang nagpapatunay na siya nga ang hari ng mga demonyo. Parang ayoko na tuloy siyang asarin, baka malintikan ako pag pinikon ko siya eh.

Nabalik ako sa sarili nang kumulo ang tiyan ko. Yawa, sana may pagkain sa cabinet kahit isang de lata lang. Wala si Ace dito para ilibre ako sa mamahaling restaurant.

Nakasimangot na naglakad ako patungo sa kusina at binuksan ang ref at lahat ng cabinet na nandoon pero wala akong nakitang kahit isang pack man lang ng noodles o itlog. Naiiyak na bumalik ako sa kwarto.

Wala akong peraaaa! Anong kakainin ko?!

"Hinayupak, itutulog—" Naputol ang dapat na sasabihin ko nang tumunog ang cellphone na nasa ibabaw ng side table ng kama. Kunot ang noo na kinuha ko yun. "May cellphone pala ako?"

Demon King l Choi Yeonjun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon