IVIS VALERY QUILTON
"Bakit ka nga pala naparito, apo?" Tanong ni Lola habang nilalagyan ng kape ang tasa sa harapan ko.Nasa loob na kami ng kubo at nakaupo na sa hapag. Kausap ko si Lola habang si Lolo ay nanliliit ang tingin kay Ace na nakayuko lang at nakatulala sa kape na nasa harapan niya. Malamang nagtataka na naman siya kung ano yun.
"Gusto ko lang po kayong bisitahin at meron din po sana akong gustong itanong." Sinipa ko ng mahina si Ace. Nilingon niya naman ako at kinunutan ng noo. Pinanlakihan ko lang siya ng mata.
"What's your problem?" Bulong niya pero hindi ko na yun pinansin pa.
"Tungkol saan ang gusto mong itanong?"
"Gusto ko pong itanong kung may alam po kayong iniwan sakin ang Mama ko. Kwintas po yun na may kulang pulang dyamante na pendant." Seryosong tanong ko kahit pa sa loob-loob ko ay nasusuka ako nang tawagin kong mama ang babaeng yon.
Hindi nakaligtas sakin ang pagtitinginan nilang dalawa bigla ni Lolo. Ibig sabihin ba nito may alam sila? Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Tahimik akong nagdasal na sana may alam nga sila tungkol sa kwintas.
"T-Tinawag mo si Daisy na Mama, tama ba kami ng rinig o sadyang tumatanda lang talaga kami?" Tanong bigla ni Lolo.
Gusto kong sumimangot at mapatampal ng noo.
Bumagsak ang balikat ko at pinilit sarili na panatilihin ang ngiti sa kanilang dalawa. Potek, akala ko ito na. Akala ko makakalaya nako sa demonyong ito na nasa tabi ko.
"Lola, tsaka na po itanong yan. Kailangan ko pong malaman kung may iniwan nga po sakin ang babaeng— si Mama na kwintas."
Umasa uli ako pero naramdaman ko ang pagkabigo nang umiling si Lola. "Wala akong maalala na iniwan ng Mama mo sayo, Ivis. Simula noong umalis siya at iwanan ka, hindi siya nag-iwan ng kahit na anong bakas."
Doon nako natahimik. Tama sila sa sinabi nila pero ang ipinagtataka ko ang sinabi sakin ni Silver na nakita niya daw mismo na may iniwan sakin ang babae na yon. Alam kong hindi lang siya gumagawa ng kwento o nagsisinungaling pero pano ko masisiguradong tama ang sinabi niya kung wala akong maalala na pangyayaring iniwanan ako ng kwintas.
Nakagat ko ang labi at napainom ng kape. Muli ay nagsalita si Lola.
"Bakit mo ba naitanong, apo?"
Simpleng ngumiti ako saka umiling. "Wala po, may nakapagsabi lang sakin na napakahalaga ng kwintas na yon kaso hindi ko naman po maalalang iniwanan ako ni Mama ng kwintas. Tinanong ko sa inyo kasi baka sakali pong alam niyo, gusto ko din po kasi siyang itago bilang alaala ni Mama." Pagsisinungaling ko.
Ramdam ko ang pag-akyat muli ng kape sa lalamunan ko. Kasuka.
Kita ko ang pagdaan ng kalungkutan sa mga mata nila. "Nalulungkot akong sabihing wala akong alam sa sinasabi mong kwintas, hija. Pero masaya akong malaman na sa wakas ay pinagbigyan mo na din ang Mama mo."
"Matagal na po yung nangyari na yon, dapat na ding kalimutan at malaki na din po ako." Dahilan ko na naman.
Nakonsensya naman ako agad dahil sa ngiti ng Lolo at Lola ko. Ramdam ko ang sinseridad sa ngiti nila at alam kong masayang-masaya sila.
Sorry po pero kahit kailan ay hinding-hindi ko mapapatawad ang babaeng nagluwal sakin at tinatawag niyong anak.
Hinawakan niya ako sa kamay. "Sana ay hindi niyo pa maisipang umuwi. Dito na kayo maghapunan."
Doon nako napatingin kay Ace. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay nabitin sa ere ang tasa ng kape na dapat iinumin niya tsaka tinaasan ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Demon King l Choi Yeonjun ✔️
Fanfic"The fallen angel with the hideous black wings." × A short Choi Yeonjun Fanfiction story ×