IVIS VALERY QUILTON
Sa huli ay sa isang mamahaling restaurant kami napunta. Malamang ay dahil hindi naman tumatanggap ng black card ang mga karinderya. Nagsisisi nakong hindi man lang ako nagpalit ng damit. Kay Marqus pa tong damit na to, all black mula ulo hanggang paa.
Mukha nakong naka-dress tapos siguro mukha nakong jejemon kasi nakapantalon pako tapos yung pantalon ko napakaluwag pa. Bwiset kasi si Damon ayaw akong pahiramin eh siya ang may pinakamaliit na katawan sa kanila.
"What's this? A human flesh?" Tanong nang inosenteng bata na kasama ko. Kunot ang noo niya habang hawak ang tinidor ar kutsilyo sa parehong kamay at nakatingin sa steak na nasa plato niya.
Napasimangot ako bago ibigay sa kaniya yung plato ko na may hiniwa-hiwa ko ng steak.
"Lower down your voice, baka isipin nila wirdo ka kahit wirdo ka naman talaga." Hindi niya pinansin yung sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagtitig sa steak. "That's not a human flesh, that's meat."
Tumango lang siya saka sumubo na. "Why are they looking at me anyway?" Nilibot niya ang tingin ng paligid.
Sumubo ako saka napairap. Hindi ba siya aware kung gano siya kagandang lalaki dito sa mundo ng mga tao? Paano pa kapag nandito yung apat? Baka mabaliw ang nga mahaharot.
"Don't mind them. They're looking at you because your handsome." Sinamaan ko ng tingin ang babae sa kabilang table na halos hubaran na siya ng tingin. Kagat-kagat pa ang labi ng gaga.
"You also called me handsome one week ago."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Masama?"
"No. It's just weird. You're the first one who called me handsome and kissed me."
Nabuga ko ang juice na iniinom. "A-Ano? Ako ang una? I mean, I get it I'm your first kiss but the first one to call you handsome is just too impossible."
Tumango siya. "I mean it. Believe me or not."
Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Masiyadong imposible ang sinasabi niya. O baka naman walang babaeng demonyo sa kastilyo niya na magsasabi sa kaniya non pero sigurado naman akong may nanay siya, kahit kelan ba hindi siya sinabihan na gwapo nito? Awit, habang naglalakad nga kami kanina nahuhuli ko pa ang iba na kinukuhanan siya ng picture hindi niya lang napapansin o talagang wala lang siyang pakialam.
"Are you serious?" Tanong ko. Nahinto siya sa pagsubo.
"Yeah. What's this?" Tinuro nita ng tinidor yung ice cream.
"Ice cream yan. Kainin mo kung gusto mo." Sagot ko. "Pero seryoso ka talaga?"
Binigyan niya ako ng tingin na parang sinasabing what the heck I answered you already look. Kaya wala na akong nagawa kundi tumango-tango nalang.
"Sabi ko nga." Kumain nalang ulit ako, naubos niya na ang kaniya at ice cream na ang tinitira niya ngayon. Halata ngang ngayong lang nakakain ng pagkaing tao ang isang to, tinidor gamit niya habang kumukuha ng ice cream.
"Use the spoon, idiot." Napatingin siya sakin bago kuhanin yung kutsara at yun na ang ginamit.
Hanggang ngayon wala pa ding pagbabago sa itsura niya, blangko na hindi ko alam. Nagbabago lang ang ekspresyon niya kapag nagtataka siya, bukod don wala na. Well, I saw him smirked once but what I want to see is his smile. Kaso mukhang malabo yon dahil para ngang bato ang isang to. Ni-hindi ko pa nga nakikita ang galit na ekspresyon niya. Nakakatakot kaya siya?
"Anyway, Ace, can I ask you something?"
"What?"
"Are you really the Demon King?" Tumango siya. "Pero bakit parang ang bata pa ng itsura mo para maging hari ng underworld? Ang itsura kasi ni Hades sa greek myth, siya yung hari ng underworld doon tapos matanda na ang itsura niya at puro balbas na din, pero bakit ikaw? Para ka lang kaedad ko?"
BINABASA MO ANG
Demon King l Choi Yeonjun ✔️
Fanfiction"The fallen angel with the hideous black wings." × A short Choi Yeonjun Fanfiction story ×