Chapter 20

110 4 0
                                    

IVIS VALERY QUILTON

Can't believe of all demons, I'm stuck with this guy.

"Can you walk a little faster? Tsk." Ayan nga ang sinasabi ko. Pareho kaming malaki ang galit sa isa't-isa at ano mang oras ngayon magsasapakan talaga kami.

Napairap ako bago sumagot. "Hindi ko na kasalanan kung mala-kapre yang biyas mo at kung humakbang ka kulang nalang tumalon ka."

"Stop blaming my legs because you're slow and you have short legs. Mabagal ka lang talaga."

Hindi makapaniwalang umawang ang labi ko. "Hoy, Pilak, baka nakakalimutan mong si Ace ang nagsabing ihatid mo ako sa magiging kwarto ko, baka isumbong kita sa kaniya."

"Tss, how childish can you be? Just shut up will you? Hindi ko din naman gustong samahan ka if it isn't King's order." Kahit hindi siya nakatingin alam kong umirap siya.

Tumaas ang isang kilay ko habang simangot na simangot ang mukha. Pareho sila ni Damon na mas demonyo pa sa demonyo ang ugali, mabuti nalang si Darius ay hindi ko pa nakikita dahil isa din yon.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ace kanina, pinatawag niya si Silver at sinabihang ihatid ako nito sa magiging kwarto ko dito. Guess I'm still not gonna go home for a while. Ngayong alam ko na ang nararamdaman ni Ace para sakin, sa tingin niyo ba iiwanan ko pa siya? Duh, na-loveback na ako, siyempre hindi ko na siya papakawalan pa.

Kinda gross and corny but can you blame me? Ace Ryken Hadeuz na yon.

"Malayo pa ba tayo?"

"We'll get there and stop talking to me, even your voice is annoying me."

"Wow! Kung boses ko palang naiirita ka na ikaw naman presensya mo palang gusto ko ng masuka."

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto din ako. "Human, I swear if you won't shut that filthy mouth of yours I will skin you alive."

"Blahblahblahblahblah! Ang panget mo hinayupak ka! Ngayon lang ako nakakita ng nilalang na kasing panget mo nakakasuka!" Marahas siyang bumuga ng hangin at parang gusto na talaga akong sabunutan pero pinipigilan lang ang sarili.

Masama kaming nagkatinginan, mabigat ang paghinga at pinakikiramdaman ang isa't-isa. Awit siya, hindi porket demonyo siya at may kapangyarihan siya ay kakayan-kayanan niya nalang ako kairita siya. Hindi ako magpapatalo no! Naaalala kong madali ko nga lang siyang nasipa noong unang pagkikita namin, madali nalang siguro sakin na sapakin siya. Si Damon nga na-damage ko siya pa kaya.

"Ano? Tara? Suntukan?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Galit ka sakin dahil nasipa kita noon no? Gusto mong bumawi? Ha?"

"You're too cocky for a human. Hindi ko na hahayaang maulit mo pa sakin yung ginawa mo noon, I won't lose to you again over my dead body."

"Hah, mayabang ka lang kasi may kapangyarihan ka at isa kang demonyo. Baka nga patamaan ako ng suntok hindi mo magawa. Aren't you ashamed? That a human managed to land a kick on you? That's probably embarassing, you shameless demon."

Mas lalong sumama ang itsura niya. "Let's fucking see."

"Bring it on!"

Umigting ang panga niya at ilang segundo lang ay akmang patatamaan niya ako ng suntok nang may biglang humarang sa harap ko.

"Ivis-huk!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig nang makitang tumalsik si Marqus sa gilid. Shit! Agad ko siyang nilapitan at dinaluhan sa sahig. Hawak-hawak niya ang panga na siyang tinamaan ni Silver.

Demon King l Choi Yeonjun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon