Chapter 16

101 5 0
                                    

IVIS VALERY QUILTON

Hindi matigil sa paghuhurumintado ang puso ko habang nakatingin siya sakin. Halata kasing naiinis siya. Well, hindi man yun halata sa itsura niya na palaging blangko, halata naman yun sa tingin at awra niya.

Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang taasan niya ako ng kilay. Agad akong umayos ng tayo at lumayo sa kaniya. Tumikhim ako bago ayusin ang nagusot na damit.

"What were you both doing?"

Nang tignan ko si Damon, nakatayo niya siya at parang baliwala lang sa kaniya yung nawasak na pader sa likod niya. Kalmado lang siya habang inaalis ang dumi at alikabok sa suot niya. Pagkatapos niya doon ay magalang siyang yumuko, paghibigay galang kay Ace.

"I'm sorry, my lord. I'm just teaching that human a lesson."

Tumaas ang isang kilay ko. "Lesson? Anong lesson, ha? Na sabihin mong magnanakaw kaming mga tao? Na mas masama pa kami kaysa sa inyong mga demonyo?"

"She's mocking us, my lord. I just want to teach her a lesson and put in his brain as that's small as a cockroach’s brain that we shouldn’t be underestimated."

Hindi makapaniwalang natawa ako sa dahilan niya. "Excuse me?! Hoy! Bakit parang binabaliktad mo naman yata yung kwento, ha? Ikaw kaya ang nangmamaliit sa mga tao! At sino ang sinasabi mong may utak na kasing liit ng utak ng ipis, demonyo ka!"

"Please, excuse her rudeness, my lord." Pambabalewala niya sa sigaw ko.

"Siraulo ka!"

"Shut up, lowly human. Damon, proceed to the Black room." Maotoridad na utos ng demonyo sa likod ko.

L-Lowly human?! Ako?!

Ang inis na nararamdaman ko ay nadagdagan nang maalala ang kasalanan niya sakin. Siya nga pala ang dahilan ko kung bakit ako pumunta dito, kung bakit ko nilagay sa kapahamakan ang buhay ko. Para magantihan siya sa pangi-indian niya sakin!

"As you wish." Nahimigan ko ang pag-iba sa tono ni Damon bago siya lumabas ng kwarto pero bago yun ay binigyan niya naman ako ng nakamamatay na tingin. Siyempre hindi ako nagpatalo at tinaasan siya ng gitna kong daliri.

Ngayon, kaming dalawa nalang ng taong siyang pakay ko dito sa Underworld ang nandito sa kwarto. Ramdam ko ang malalim na pagtitig niya sakin sa likod pero hindi ko yun pinansin at nagtungo sa kama.

Katahimikan ang namamayani sa aming dalawa at tanging ang tibok lang ng puso ko lamang ang naririnig ko. Nangangati akong bugbugin siya at baliin ang bawat buto niya sa katawan pero pinigilan ko ang sarili.

"I know you want to beat my ass up badly. Why don't you start it now?" Kahit boses niya ay nakakairita sa pandinig ko.

Pumikit ko at malalim na bumuntong-hininga bago mabilis na kuhanin ang unan na nakita ko at akmang ibabato sa kaniya yun nang makita siyang nasa normal na anyo niya. Nabitin sa ere ang kamay ko habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

Ito ang totoong Ace. Ito ang totoong Ace na kilala ko.

Mas lalo akong nainis nang madako ang tingin ko sa mga mata niya. Tuluyan ko ng nabato ang unan padiretso sa kaniya, hindi niya yun iniwasan kaya tumama talaga yun sa mukha niya.

"Ikaw!" Sunod-sunod akong kumuha ng unan at pinagbabato sa kaniya lahat. Wala siyang iniwasan kahit isa doon at patuloy lang sa pagtanggap ng mga bato ko. "Bakit?! Putangina mo! Bakit ikaw pa ang mukhang mas kawawa sa ating dalawa ngayon! Ikaw ang nang-indian sating dalawa pero bakit mas mukha ka pang malungkot sakin, hayop ka!"

Demon King l Choi Yeonjun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon